Chapter 22: Last Part

4K 129 16
                                    

pabasa po ng note ko dun sa baba~ thanks! ^^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 22: Last Part

"Wala na akong balak bumalik pa sa room para sumali sa kanila. Pupunta na lang ako sa office ni dad."

Akmang itatapon ko na yung bag ng chocolate na kanina ko pa dala. Ang laki kong tanga to think na ilang beses akong nag isip kung pano ko ba ibibigay to sa kanya.

"Oy, anong ginagawa mo dyan? Ako yung sinundo mo tas ngayon ikaw ang may balak na hindi sumali sa kanila dun sa classroom?"

Nabigla ako dahil pagtingin ko sa likod nakatayo sya dun. Si Mr. Arrogant..

"hindi din..."

"Hindi din naman mapapansin kung wala ka dun, iyan ang iniisip mo diba?" pagputol nya sa sasabihin ko.

Wait, iyan mismo ang nasa utak ko. May mind reading alice na sya? Pero kung ganun bakit hindi pa sya napasok sa Alice Academy?

"Oy, tigilan mo nga yang pag iisip na may alice ako! Hindi ko kayang magbasa ng nasa utak ng tao!" sabi na naman nya.

"Anong hindi? Eh bakit alam mo kung ano na iisip ko? Aminin mo na kasi.. Friend ba kayo ni Natsume? Pakilala mo naman ako sa kanya, oh. Ang cool nya kaya!! Bibigyan ko din sya netong chocolates na gawa ko!!" hyper na sagot ko.

Oops, ano daw?! Napunta na naman ako sa ibang mundo. Ayyssshh!!

"waahhh~ sorry, kung ano-ano na napagsasabi ko." yumuko-yuko ako habang sinasabi ko yan.

Namumula na naman tsak ako! >///<

"Ppssshh, buti pa si Natsume balak mong bigyan ng chocolate.."

Ano daw?! Ang hina naman kasi pero malinaw parin pagkakarinig ko kaya lang..

Sinabi nya ba talaga yun? Di nga?! >.<

"A-ano k-kamo?" ako

"bakit ka nautal? Psshh, alis nga dyan. Ang dami ko pang itatapon." sabi nya habang may binubuhat na parang sako ata yun.

Oo nga no? Kanina ko pa napansin yung hila nya. Ano kayang laman nun?

"A-ano.. *Ehem, anong laman nyan?" tanong ko

"Basura." tipid na sagot nya.

Maniniwala na sana ako kung hindi lang may lumabas na bar ng chocolate dun sa sako.

"Chocolate kaya yan. Bakit mo itatapon? Akin na lang!!" ayan, sayang naman kasi yung chocolate kapag tinapon, favorite ko pa naman yan! >.<

"Basura nga kasi to. Aanhin ko naman yan kung yung taong gusto kong magbigay sa akin ng chocolate hindi man lang ako mabigyan pero yung ibang lalaki binigyan naman nya. Take note, yung bespren ko binigyan nya. Takte lang!"

Hala! Ang cool nya, halatang nafa-frustrate sya tas with matching sabunot pa sa buhok nya.

awww~ ansabe ko? Joke lang yun, muka pala syang baliw!! >...<

"Sino ba kasi yung babaeng yon?" takang tanong ko sa kanya.

"Bakit ba ang slow mo? Ayyshh, akin na nga lang yang hawak mo. Diba chocolate to?" sabi nya tapos bigla na lang inagaw yung dala ko.

Teka!! Itatapon ko na yun ah!

Aagawin ko na sana sa kanya kaya lang nakita ko kinakain na nya yung isang bar.

"ikaw ba mismo gumawa nito?" bigla nyang tanong.

"O-oo, bakit?" kinakabahang tanong ko.

Waahhh!! Baka kasi kung ano lasa nun eh!! >.<

"Kaya pala ang imba ng lasa. Haha"

"Anong sinabi mo?! KAINIS KA TALAGA MARK NIKKO BANARIA!!" nahiyaw ko na lang sa kanya. Kasi naman diba pinaghirapan ko yun tapos lalaitin lang nya! Huhu mamatay na sya!!

"Ikaw naman kasi, kanina ko pa inantay tong ibibigay mo sa akin pero kung hindi ko pa pala agawin to sayo hindi ko pa makukuha dahil itatapon mo na. Nauna mo pang bigyan si Rico kesa sa akin." sinasabi nya yan habang patuloy pa ding kumakain nung gawa ko.

Teka.. Ibig sabihin ako yung tinutukoy nya kanina na iniintay nyang magbigay sa kanya?

Waaahhh!! Ano ba to? Bakit nag iinit muka ko? >///<

"H-hindi naman k-kaya sayo yan!!" ako

"Hindi daw, haha kaya pala ang nakalagay dine sa card ay para kay Mr. Arrogant, Nikko." siya

"Ibang Nikko yan no!" pagmamatigas ko pa din.

"Neknek mo. Palusot ka pa, aminin mo na kasi. Tsaka dalawa na utang mo sa akin. Diba nanalo ako sa deal natin nung January tas tinawag mo naman ako ngayong 'Mr. Arrogant'. Ang alam ko yung parusa sa una ay manlilibre ng ice cream tapos yung sa pagtawag ay 1 whole day na kitang magiging slave. Nakalagay yan sa contract natin.."may pang iinis na sabi ni Nikko.

"Wahhh!! Nakakainis ka talaga! >.<" iyan na lang ang nasabi ko kasi naman hindi ako makapag isip ng matino. Hindi pa din kasi nag si-sync in sa utak ko yung pag intay nyang bigyan ko sya ng chocolate.

"haha, inis talo ka pala Anne. Bukas yan lahat ha? Tutal 1 week naman tong festival na ito eh." sabi pa nya sabay higit na sa akin.

Hindi na ako nakareact pa kasi nasa classroom na pala kami hindi ko man lang namalayan.

Kaya ayun mga classmate ko wagas ang "Yiiiieee" kasi nga sabay kaming pumasok ng room.

Pumwesto na kami ni Nikko para masimulan na ang pag take ng picture. Kami na lang kasi ang iniintay.

"Oy, salamat sa chocolate ha? The best yung sayo.." biglang bulong sa akin ni Nikko na nasa tabi ko.

Ang resulta? Eto nag iinit na naman ang muka ko. Lagi na lang ganito!!

"Panong di sasarap eh yung akin lang naman ang kinain mo at yung iba tinapon mo na." biglang lumabas sa bibig ko.

Oo nga no? Ngayon ko lang narealize yun ah?

With that thought na bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko parang mas lalo pa akong namula. Sheez!

"Syempre!"

Napatingin na lang ako sa kanya tapos naka smile sya!! Grabe!! Tapos naramdaman ko na lang na naka akbay pala sya sa akin.

At biglang

*click

Wahhh!! Eto na naman yung kantsawan nila sa amin. >.<

Pagkatapos kasi ng ilan pang shot tinitingnan nila yung pictures dun sa camera tas ayun nakita nila yung pose namin ni Nikko.

Sabi pa eh may sarili daw kaming mundong dalaw. Kung hindin lang nila alam inaaway ako ni Nikko dun!! Oo, pinagtitripan lang nya tsak ako kaya hindi dapat ako maging assuming!! >.<

Mr. Harry Reyes' POV:

"Ano, may progress ba?" tanong ko sa isa kong tauhan.

"Muka pong meron. Binigyan po ni Ma'am Anne ng chocolate si sir Nikko pero pagkatapos nun nag away na naman sila." sagot nya

Ano ba namang mga bata yan. Hindi ba talaga sila magkakasundo? Mukang kailangan ko ng umaksyon ngayon.

"Let's do the plan." sabi ko

"Yes director."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

yieee, tapos na din sa wakas ang Chapter 22~ ^^

try ko lang po ito.. haha

20 votes po para sa next update~ kaya nyo kaya? para naman lumabas na dyan yung mga silent readers oh~~

comment your reaction guys and pwede din pong magrequest ng dedication kung gusto nyo!! ~^_______^~

My Nerdy Princess (MNP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon