Naguguluhan.
Yan ang nararamdaman ko ngayon. Ilang araw na din kasi ang nakalipas simula nung nangyari ang festival sa school.
Ang bilis lumipas ng oras na halos di ko na namalayan na ngayon na pala ang pagtatapos ng pagkakatali namin sa isa’t-isa.
Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit nagdadawalang isip ako ngayon na iurong yung 2 months rule namin ni Dad. Parang kasi sa halos inaraw-araw ng pagsasama namin ni Nikko napalapit na siya sa akin.
Hindi ko pa alam kung in a romantic way ha pero iba eh. Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang makaramdam ng ganito. Yung kapag kasama ko sya ang bilis ng tibok ng puso ko.
Siguro kasi dahil lang to na hindi ako ganun kasanay na laging may kasamang lalaki.
Siguro kasi kahit nakilala nya ako sa hindi magandang image eh pinakisamahan nya pa din ako.
Oo, madalas kaming mag away pero alam ko na sa panahong iyon totoo ang pakikitungo nya sa akin, yung tipong kaibigan talaga ang dating. Totoo nga ba o ako lang ang nagsasabi nito?
Nakakainis! Ang lapit-lapit nya kasi lagi sa akin kaya nahawa nya na ako!!
Siguro nababaliw lang ako ngayon at naguguluhan kaya ako nagkakaganito.
“ARRRGG!! MABABALIW NA AKO NETO DAHIL SAYO BANARIA!! ” napahiyaw na lang ako sa kwarto ko.
Naghahanda na ako para sa dinner mamaya, dinner ng family ko at ng family ni Nikko. Ano kayang mangyayari mamaya? Iniisip ko palang kinakabahan na ako.
Pero diba ito naman talaga ang gusto kong mangyari? Ang matapos na ang kalokohang engagement na ito.
.
.
.
.
“Good evening tito and tita.” Bati ko sa magulang ni Nikko pagkadating nila sa bahay. Nagbeso kami ni Tita tapos naupo na din.
“Good evening din Anne.” Nakangiting bati nila sa akin.
“Sorry kung nagpatawag ako ng biglaang dinner. Sana mag enjoy kayo.” Sabi ni dad sa kanila.
“It’s okay balae, dapat nga madalas natin tong gawin para naman mas mapalapit ang dalawa sa isa’t isa diba?”
“Ahaha.” Halata sa tawa ni Dad ang pagka awkward sa sinabi ng mom ni Nikko.
Napatingin ako kay Nikko. Walang reaction yung muka nya. Parang nung unang araw na nakita ko siya, yung araw na nagtrasfer siya sa school namin.
Parehas kaya kami ng nararamdaman ngayon? Parehas kaya kaming nag aalinlangang itigil ang kung anong meron kami?
Kumain na nga kami habang nagkukwentuhan sila dad. Natanong nila kung nasan si Mom which is nasa ibang bansa at busy sa pagmamanage ng business namin dun. Si kuya naman hindi makakauwi kasi busy daw sa school.
Ilang oras din kami dun. Sinisiko ko na nga si Dad na sabihin na sa kanila ang reason ng dinner na ito eh.
“Ah, balae. Sya nga pala may kailangan akong sabihin sayo ngayon.” Panimula ni Dad.
“Oh, ano yun?” tanong ng dad ni Nikko.
“Let me compliment Anne’s beauty tonight before your announcement balae. Nakakatuwa kasi, magkaka anak na ako ng kasing ganda nitong anak mo. She’s like a doll. ” namula naman ako dun sa sinabi ng mom ni Nikko.
Napatingin ako kay Nikko at hindi nga ako nagkamali sa reaction nya. NAGPIPIGIL SYA NG TAWA!!! Nakakainis siya!! >.< siguro tama nga lang itong desisyon naming!!
“Thank you po tita.”
“You should call me mom na Anne from now on. Dyan din naman ang punta nyan eh.”
Siniko ko ulit si dad pagkatapos magsalita ng mom ni Nikko.
“Uhmm, about dun nga. My daughter and I had an agreement tungkol sa fiancé thing na ito. Dahil nga tayo lang ang nagdecide nito ng wala man lang kaalam alam ang dalawang bata kaya pumayag na ako sa gustong mangyari ni Anne. 2 months rule.” Sabi ni Dad
“What do you mean with that?” tanong naman ng dad ni Nikko na halatang seryoso na ang mga muka.
“I think we’re all done eating so Anne pwede dun muna kayo ni Nikko sa garden?” utos ni Dad kaya naman umalis na kami ni Nikko para makapag usap na sila.
May tiwala naman ako kay Dad na kaya nyang ipaliwanag ang lahat sa magulang ni Nikko.
.
.
.
.
“So this will be the end of our arranged marriage?” sabi nung boses na nanggaling sa tabi ko.
Nasa garden kami ngayon at nakaupo sa swing.
“I think. ” tipid na sagot ko.
Lumaganap ang isang nakakabinging katahimikan. Hindi ko alam kung gano na katagal.
“I thought your different from them..”
With that words umalis na si Nikko.
---------------------------------------------------------------------------------------
waaahhh!!! sorry kung ganyan ang update!! kailangan na kasi eh. masyado ng madaming nadadagdag sa plot na ginawa ko kaya eto na, susundin ko na yung nakalagay sa notebook ko! haha
pero teka..
ano nga bang masasabi nyo tungkol dito?
comment kayo ha, vote na din tas reccomend sa iba para mas masaya!! ahaha
Happy Indepence Day!! ^^~