Chapter 19

4.1K 98 15
                                        

Chapter 19:

Ang tao nagbabago yan, minsan sa ikagaganda ng buhay minsan naman sa maling daan napupunta. Pero ang tiyak lang ay sa lahat ng pagbabago nan dyan ang DAHILAN na nag udyok sa isang tao nabaguhin kung ano ang nakasanayan na nya.

"BAGAY SAYO YUNG SUOT MO.."

"BAGAY SAYO YUNG SUOT MO.."

"BAGAY SAYO YUNG SUOT MO.."

"BAGAY SAYO YUNG SUOT MO.."

"BAGAY SAYO YUNG SUOT MO.."

Wahhhh!! Ano ba yan >.< kanina pa paulit ulit yan sa utak ko. Kasi naman si Nikko ineenvade yung utak ko!

Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama ko. Katatapos ko lang maligo kaya naman ang dapat ko na lang gawin ay matulog dahil magsisimba pa ako bukas.

Pero ano? Dahil dun sa sinabi nya eto ako parang eng-eng na hindi mawala ang ngiti.

Bigla akong napaupo sa kama ko at dun humarap sa salamin na katapat ng bed ko.

"Hay nako Anne Marie Reyes, simpleng ganyan lang pero ano? Ang baliw mo talaga!" sabi ko sa sarili ko habang sinusuklay yung buhok ko.

"Bakit ba kasi ang laki ng epekto sa akin kapag ikaw na yung nagsabi?" sabi ko tapos bigla na lang ako ulit napahiga.

"hay... Ewan! Muka akong sira." sabi ko na lang sa sarili ko habang natawa pa tapos hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Zzzzzz....

-----------------------

Kinabukasan sa church after mass: ^____^

"Bes!! Tara na kasi, Sunday naman ngayon eh tsaka para magulat sila bukas. Makikita na nila ang tunay na si ANNE MARIE REYES. Diba, diba? Ganda ng idea ko forever!" hyper na sabi ni Angel.

Ayan, kasi naman pagkatapos ng mass kinwento ko sa kanya yung tungkol sa kagabi tapos ayun kinilig din ang lola mo.

Nan dito kami ngayon sa café na malapit sa church. Umorder lang kami ng dalawang Frappe tas ako cheesecake. Si bes naman ayun diet daw kaya ako lang umorder ng pagkain.

"Puro ka naman kalokohan bes! Ayoko nga, baka magkagulo lang." sabi ko kay Angel tapos sip sa frappe ko.

"ano namang kalokohan dun? Babalik ka lang sa dating ikaw at bakit naman magkakagulo?" Angel

"Eh kasi nga Angel si Drei, hindi mo ba sya natatandaan? Kinwento ko sayo yun dati nung nasa states ka pa diba?" Ako

"Siya yun?!" gulat na tanong ni Angel.

"Wag O.A. Angel," ako

"Eh ikaw Anne, ayos ka lang ba? Wala ba syang ginawa sayo? Alam nya ba na ikaw yun?" biglang sumeryoso yung muka ni Angel habang tinatanong yan.

"Yes, alam nya ang tunay kong identity." sabi ko na lang kay Angel, ayoko na kasing pag usapan pa yung nangyari netong nakaraang araw.

Kapag may nangyari na lang ulit tsaka ako aaksyon. Tatawagin ko ang power rangers! Haha nebeyen Anne! XD

"Buti di nya binubunyag?" Angel

"Oo nga. Pero simula bukas hindi na natin kailangang magpanggap." ako

"Do you mean payag ka na?" sabi ni Angel na may big smile sa face nya.

"Ayaw mo? Tara na nga at ng makatapos na agad. Ikaw na bahala sa akin Angel, ha?" ako

"Just trust me bes. "

Umalis na nga kami ni Angel at nagpadrive na dun sa driver nya papunta sa mall.

Una kaming nagpunta sa salon. Kakilala ni Angel yung mga baklushi dun kaya ayun iniwan na lang ako dine habang kung ano-anong ka ewan ang ginawa nila.

Si Angel naman magtitingin-tingin lang daw habang nagpapagupit ako.

Halos 30 minutes lang ako sa salon. Nagpagupit lang naman kasi ako kaya saglit lang.

Pinuntahan ko na sa department store si Angel tapos namili na kami ng kung anu-ano.

Nag aaway pa nga kami ni bes kasi kung ano-anong binibiling damit. Minsan naman tawa kami ng tawa pano puro kalokohan yung iba nyang pinipili. Yung tipong masyadong sexy yung dating? Hindi ako mapagsusuot ng ganun!

Pagkatapos nun pumunta na kami sa store nung optometrics ko para makabili ng contact lense.

"May kulang pa ba tayo?" Angel

"Muka na nga tayong matatabunan sa dami ng pinamili natin tapos may kulang pa? Tara na, pagod na ako Angel tapos gabi na din.." pagrereklamo ko.

"ang onti pa nga neto! Excited na tuloy ako, naiimagine ko na every Sunday may kasama na akong magshopping! Golly, I love it!" hyper na sabi ni Angel.

"tsaka pinauwi mo kasi si Art kaya ayan wala tuloy tayong katulong magbuhat." Dagdag pa nya.

"Busy yun no at ano naman tingin mo dun chaperone natin? Pssshh tara na.." aya ko sa kanya.

Umalis na kami at hinatid na nya ako sa bahay namin.

"Bes excited na ako bukas. Text mo ko pagpaalis ka na bukas ha? Just do what I said para maging success ang comeback ng tunay na ikaw!"

"Yeah right Angel. Sige, bukas na lang. Thanks sa paghatid, ingat Angel."

Nagpaalam na ako sa kanya tapos pumasok na sa bahay.

Tumuloy na ako sa kwarto wala naman kasing dadatnan sa bahay kundi sila yaya lang eh.

Naligo na ako tapos inayos ko na yung mga pinamili namin na isang damukal na damit at sapatos ni Angel.

Nang bigla na lang tumunog phone ko dahil may nagtext. Nung tingnan ko si Angel pala.

From: Bes Angel

I forgot to ask you pala Anne, bakit ka nga pala biglang pumayag na magbalik ka na sa dating ikaw? Yieee is it because of him? Lalalala, btw nan dyan na yung bago mong uniform, iyon na isuot mo bukas bes! ^^

Halalala! Ano nga ba yung reason ko? Meron ba? Wala naman kaya! >.<

"BAGAY SAYO YUNG SUOT MO.."

Ayyyshhh!! Bakit naman bigla ko nanaman naalala yun? Hindi naman kasi dahil dun! >.<

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

how is it? haha ^^ 

My Nerdy Princess (MNP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon