Chapter 25.5:

3.5K 93 10
                                    

“Namiss mo ba ako BESTFRIEND kasi ako miss na miss na kita. Bakit ba kasi bigla ka na lang lumipat ng school?”

Naalala ko na naman. Takte, ang pinakamasamang panaginip ko sa totoong buhay.

“Ayan dapat matuwa ka kasi sinundan pa talaga kita dito. Thank you nga pala sa tulong mo ha? Ang ayos na talaga ng buhay namin ngayon.”

Tama na please. Bumabalik lang lahat. Yumuko na lang ako pero tinabanan nya yung baba ko at iniharap sa kanya.

“Sa lahat ng ginawa ko bakit ganun? Ikaw pa din! Lagi na lang nasa iyo ang lahat ng atensyon na kailangan ko!”

“Ano pa bang atensyon ang sinasabi mo? Tumahimik na nga ako diba?” lakas loob na tanong ko sa kanya.

“HAHA, IYAN NGA ANG NAKAKAINIS EH! WALA KA NA NGANG GINAGAWA NASAYO PA DIN LAHAT. LUMAKI KANG MAYAMAN TAPOS NAN DYAN PA LAGI SI TITO HARRY PARA SAYO. SI ANGEL NA YUNG TIPO NG KAIBIGAN NA MAPAPAGKATIWALAAN MO TALAGA AT MAS NAIINIS AKO KASI KAHIT HINDI NA NGA KAYO NAGPAPANSINAN NI NIKKO HALATA NAMANG NASAYO PA DIN ANG ATENSYON NYA. HINDI MAN NYA SABIHIN PERO HALATA KO DAHIL SIMULA NG MATAPOS YANG TAENG ENGAGEMENT NYO AY MAS LALO NA SYANG UMIWAS SA AKIN! ANO BA KASING GINAWA MO SA KANIYA NERIE?!”

“Teka tama na nga, naguguluhan na ako eh. Ano bang pinagsasasabi mo?”

“Nagkukunwari ka pang inosente?! Naalala mo ba nung first year tayo, diba nun tayo nagsimula na maging mag bestfriends. Nagpromise pa nga tayo nun sa isa’t isa na walang lihiman kaya naman lahat talaga sinasabi mo sa akin. Haha, natatawa nga ako sayo nun kapag nagkukwento ka sa akin ng tungkol sa secrets mo. ”

“TAMA NA DREI!! AYOKO NG MAALALA PA YUNG NANGYARI NG NAKARAAN! KINALIMUTAN KO NA YAN KAYA PLEASE LANG TAMA NA!!! ” naihiyaw ko sa kanya kasi ayoko na talagang makinig dahil bumabalik na naman ang sakit ng nangyari dati.

“Nung time na may kumakalat na iba’t ibang tsismis tungkol sayo diba lagi ka sa akin nun nagsusumbong? May nagsabi pa nga sayo na ako daw yung naninira sayo pero di ka naniwala at pinagtanggol mo pa ako kaya naman nagalit sayo yung kaklase natin na yon kaya mas madaming kumalat na masamang tsismis tungkol sayo. Pero mas naging maganda talaga nung nakita mo ang first love mo at ako na magkasama at magkaholding hands. Naging kami nun dahil wala lang gusto lang kitang inisin at makita kung ano ang magiging reaction mo kapag yung best friend mo at yung first love mo naging mag on.”

“Stop it Drei!!” umiiyak na ako ng sinasabi ko yan pero tuloy tuloy pa din siya na para bang nag eenjoy sa pagkukwento sa akin.

“Di nga ako nagkamali dahil priceless yun! Ang sarap mong panoodin na umiiyak. Ahaha, ay hindi pala. Ang pinakamaganda mong naging reaction ay nung bigla na lang kitang simulang iwasan dahil tapos na ako sa paggamit sayo. Nagmamakaawa ka pa nga sa akin tapos sorry ka pa ng sorry kahit hindi mo naman alam kung ano ba talaga ang ginawa mong mali. Salamat nga pala dahil sa pagtulong ng Dad mo dati sa pamilya ko naging mayaman na din kami ngayon. Muka ka talagang tanga nun! Ahaha ”

Napaupo na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi ko na kaya, iyon pala ang dahilan kaya nya talaga ako kinaibigan dati. Ang gamitin si Dad para umangat ang pamilya nila. Napakasama nya grabe!

“Tapos bigla ka na lang nagtransfer ng school kasi nga wala kang makitang kakampi, galit kasi ang lahat sa iyo nun dahil sa mga pinagkakalat ko na masasama tungkol sayo.”

Bigla akong tumayo at sinampal sya. Hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig nya. Masyado syang nag eenjoy na ipaalala sa akin ang nakaraan.

“Ano, masaya ka na ba Drei sa mga ginawa mo sa akin? *sob* masaya ka ng maging isang hamak na KONTRABIDA SA BUHAY KO??!!”  hiyaw ko sa kanya. Oo hiyaw dahil galit na talaga ako ngayon.

*bogsh!*

“HOW DARE YOU TO SLAP ME???!!! AT AKO KONTRABIDA SA BUHAY MO? FYI, IKAW ANG KONTRABIDA SA SARILI KONG STORYA.”

Bigla akong tinulak ni Drei at tumama yung ulo ko sa isang matigas na bagay.

“Awwww, ang sakit.” Mahinang sabi ko.

“Yan ang napapala ng mga nananakit sa akin. Haha, Don’t tell anyone about this katulad nung tinulak kita sa hagdan kaya ka nagkagasgas tas sa pagkaka alam ko ang dinahilan mo pa nun ay nalaglag ka sa hagdan kaya nagkasugat ka at ang lahat ng iyon ay aksidente lang. So pathetisc. ahahaha”

Wala na akong pakielam sa sinasabi nya dahil parang may nararamdaman ako. Sinalat ko ang ulo ko at pagkakita ko may nakita akong dugo sa kamay ko. Shit, kaya pala medyo nahihilo ako.

“Oh G. I didn’t do anything!”

Iyan ang huli kong narinig bago nan dilim ang paningin ko.

My Nerdy Princess (MNP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon