Buti na lang talaga at may ice cream kaya medyo lumalamig yung ulo ko. Yung naka cone yung binili ko kasi nga hindi ako makakasubo kapag yung naka cup. Right hand kasi yung nakaposas sa akin tas yung kay Nikko yung left hand naman nya kaya ayun free syang kumain ng kumain! Ang unfair!! >.<
Pagkatapos naming kumain nagyaya na namang umalis si Nikko. At kahit natatamad na ako ayun napasama parin kasi naman diba nga isang hamak na slave lang ako ngayong araw na ito? =,=
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa may nakita silang booth na kung saan ay kailangan mong pumasok sa isang maze tas paunahang makalabas. By partner yung game at dahil nakaposas kami ni Nikko, kami ang mag partner. No choice ako kahit medyo masakit na yung paa ko kakatakbo.
“We will win this game.” Determinadong sinabi ni Nikko yan kay Rico at Angel.
“Hindi kami magpapatalo tol.” Si Rico naman na halatang determinado din.
Kami naman ni Angel nag good luck lang sa isa’t-isa. Tas ayun nagsimula na nga ang nakakalokang labanan.
Pumasok kami sa magkaibang lagusan.
Naglalakad –lakad lang kami ni Nikko at siya lang yung nagdedecide kung saan kami dadaan. Sana tama nga sya.
Tas maya-maya may biglang isang dambuhalang Domo-kun ang humahabol sa amin. ang cute nya sana kaya lang kasi nakakatakot pa din. Haha
Takbo lang kami ng takbo hanggang sa nailigaw na namin yung malaking Domo-kun. Akala namin tapos na dun pero isang malaking Rilakkuma naman ang humahabol sa amin ngayon.
Takbo parin kami ng takbo. Wala bang katapusan yung maze na to? Pagod na ako kaya bigla akong nadapa.
“Ayos ka lang Anne?” tanong sa akin ni Nikko.
“O-oo.” Tatayo na sana ako ng bigla ulit akong nabuhal. Medyo na sprain siguro yung ankle ko.
Umupo naman si Nikko sa akin ng patalikod tas sabi sumakay daw ako.
“Ayoko.” Pagtanggi ko sa kanya, nakakahiya kaya!! >.<
“Dali na Anne, ayan na siya!!” hiyaw ni Nikko tas bigla na akong napasakay sa likod nya kasi naman nakakatakot talaga si Rilakkuma!! Kahit ang cute din nya sana.
Nung tumatakbo na ulit kami, I mean si Nikko lang pala kasi nga buhat nya ako tas yung isang kamay pa namin naka posas kaya medyo mahirap, kino-kontrol ko na lang yung bigat ko. pano ba naman, nakakahiya kay Nikko. Pabigat pa ako sa kanya.
Ang gwapo pala talaga nya kapag sa malapitan. Kahit pawis na pawis na sya dahil sa pagtakbo lalong dumadagdag sa kagwapuha- ano ba tong pinag-iiisip ko?! >.<
“Ayyyssh Anne! Sa halip na kabahan ka dahil sa may dambuhalang Rilakkuma na humahabol sa inyo eh pinagpapantasyahan mo pa tong lalaki na bumubuhat sayo!! Iba ka talaga!” narinig kong sabi ng konsensya ko. kasi naman Anne eh!! >.<
Nakalabas na din kami sa wakas at kami ang nauna ni Nikko! Yehey!! Ang saya~ haha
“Wahhh~ nanalo tayo Nikko!! yieee” nasabi ko na lang tas napahigpit ako sa yakap ko sa kanya. Nakapasan parin kasi ako sa likod nya. Napabitaw na lang ako nung narealize ko kung ano yung ginagawa ko.
“Sorry.” Sabi ko na lang.
“Ang bigat mo. Mag diet ka na nga.”
Takteng panira naman oh! Ganda ng mood tas biglang gumaganon? Kahit kelan talaga tong lalaking to!! >.<
“Ang sama mo talaga!!!” galit na sabi ko sa kanya tas binaba na nya ako.
Tumawa lang sya kaya lalo akong nainis!!! BV tong si Banaria!! >.<
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Happy 12k MNP~ thanks sa support nyo guys!! ^o^
kahit halos 3/4 ata eh silent reader.. huhu, labas na kasi kayo at mag-ingay!! ahaha
comment-- vote -- be a fan! ~^___^~