Chapter 23:
"We should go this way!"
"No, dine tayo!"
"I said here!"
"Ang arte! Sabing dine eh!"
"But I want to go there!"
"Urgh! Sino ba amo dito? Diba your my slave for this day, huh Anne?"
"Sabi ko nga eh. Tara na po?"
“Ang gulo nyong dalawa. haha” narinig kong sinabi ni Angel.
“Oo nga, ang gulo nyo.” Dugtong naman ni Rico.
Kasama nga pala namin sila ni Rico ngayon.
At ayun, nagpunta na nga kami sa direksyon na gusto ni Nikko.
Wala akong magagawa bukod sa slave nya ako ngayong buong araw ay naka posas pa kami sa isa't-isa kaya wala talaga akong takas sa aroganteng to!
Kainis yung mga freshman na yun! Sa dinami-dami ng tao sa school ngayon kami pa ang napagtripan lagyan ng posas. Four hours daw ang itatagal nung posas at pagkatapos nun bigla na lang daw magiging abo yung posas at free na kaming dalawa.
Ang astig ng posas no? Haha
Aysshh! Ang plano ko pa naman ngayon tatakasan ko tong lalaking to. Wala akong planong magpaalila dito ng buong araw pero ano? Eto ako at sunud-sunuran sa kanya! =3=
"Ang boring dito." pagrereklamo ko.
“Di lang kasi nasunod ang gusto mo. “ nag-smirk siya ”Oh, nan dito na pala tayo eh.” sabi pa nya nun huminto kami sa tapat ng isang malaking booth.
Kinakabahan akong tingnan kung saan kami huminto kasi naman iba ang kutob ko dito. Kahit sa sahig palang ako nakatingin medyo creepy na ang nararamdaman ko.
Wahhh!! Bakit kasi dito pa naisipang pumunta ni Banaria? TT_TT
“Oh ano? Wag mong sabihin na natatakot ka sa ganyan?” tanong nya sa akin.
“Actually, weakness yan ni Bes. Tara na lang sa iba Nikko.” Savior ko talaga si Angel. Kaya best friend ko yan eh. Sana lang pumayag si Nikko. Huhu
“Oo nga Nikko, weakness yan ng best friend ni Angel. Tara na lang sa iba.” Rico
“Inulit mo lang sinabi ko Rico.” Medyo naiiritang sagot ni Angel.
“Alam ko.” sagot naman din ni Rico na naka smile pa kay Bes.
Anong trip ng dalawang to ngayon? Haha
“Edi ibig sabihin natatakot ka nga Anne?” tanong ni Nikko sa akin na halatang may pang iinis yung tono ng boses nya.
“A-anong sinasabi mo? Sinong takot? Baka ikaw Banaria!” bigla ko na lang nasabi yan sa kanya.
“Oh, eh ayos naman pala! Tara na.” ang laki ng ngiti sa muka ni Nikko ng sinasabi nya yan.
“Are you sure Anne?” nag aalalang tanong sa akin ni Angel. Tas napatingin naman ako kay Rico pano pagkatapos magsalita ni Angel sya naman ang nagtanong sa akin ng “Sigurado ka ba Anne?”
“Seriously Rico? What’s wrong with you today? Kung di mo ire-rephrase sasabihin ko tatagalugin mo naman. Anong nakain mo?” nagtatakang tanong ni Angel kay Rico. Miski nga ako nawe-weirduhan na kay Rico. Pano mukang ewan. Haha
Ang nakuha naman nyang sagot kay Rico ay smile lang. Parang baliw lang si Rico!
Pero di ko pa din talaga makakalimutan itong napasukan ko!! TT_TT
Hala ka Anne!!! Mapapasubo ka ngayon!! Huhu, bakit ba kasi takot ako sa mga multo at zombie pero nanunuod naman ako ng ganyan sa Anime eh. Di ko lang talaga ma take kapag ka sa totoong buhay na. huhu
Wala na akong nagawa at pumasok na kami sa loob ng booth. Ang bongga nga ng year level na nag organize ng horror house nato pano ba naman A for the effort! As in ang galing. Nakakatakot talaga! Huhu
Ayun, nung una magkakasama pa kaming apat. Kay Angel pa ako nakatabi. Bali kami ni Angel nakapagitan kay Nikko at Rico.
Kunyari matapang ako pero kung maliwanag lang dito nako! Namumutla na tsak ako!! parang naubos na ata lahat ng dugo sa muka ko tas ang lamig pa ng pawis ko. Halos nakapikit na nga ako dine >.<
Tas maya-maya biglang may something ako na naramdaman na tumaban sa paa ko.
“GYAAAAAAA!!!!!” napahiyaw ako nung nakita ko yung isang pugot na kamay na nakakapit kaya bigla na lang ako nagkakaripas ng takbo.
Alam ko may natangay ako pero ewan ko kung saan kami papunta dahil wala akong paki! Kailangan ko na talagang makaalis dito sa nakakatakot na lugar nato!
“Hindi pala takot ha? haha”
Napahinto ako sa pagtakbo kasi naman. .Wahhhh!! Si Nikko pala yung nahila ko! akala ko si Angel kasi diba si bes yung katabi ko? bakit siya yung nahila ko???
Ay, nga pala! Nakaposas kami kaya malamang siya yung mahihila ko. ayssshhh
“H-hindi nga.. N-nagulat l-lang talaga ako!” utal naman nasagot ko sa kanya habang hinahabol yung hininga ko.
“Halata naman eh. haha” pang-aasar ni Nikko sa akin tapos may bigla syang tinuro sa may likod ko. magkaharap kasi kami ng pwesto.
“A-ano yun?” kinakabahang tanong ko sa kanya pero di sya sumagot kaya naman ako yung tumingin tapos wrong move pala kasi naman!!!
May nakita akong grupo ng zombie na papalapit sa amin tapos ang sinasabi pa nila ay “Braaaaiiiinz..” wahhhh!!! Kailangan ko ng peashooter dito o kaya cherry bomb para patay sila agad!!
Pero tama na ang drama tungkol sa Plants VS Zombies kasi papalapit na talaga sila sa amin. katakot talaga ang itsura nila!!
Dali dali na akong tumakbo tas ayun si Nikko nakasunod lang sa akin. Bigla syang nauna sa akin tapos tinabanan yung kamay ko. Yung kamay namin na may posas yung magkaho-holding hands! >///<
Whatthe. Bakit ganito na lang ang tibok ng puso ko? ang abnormal na naman!! Dahil ba to sa hinahabol kami ng Zombies o dahil sa ha-hawak nya yung kamay ko? >/////<
.
.
.
“wahahaha!! Laugh trip ang muka mo Anne kanina. The best! nyahaha”
Kanina pa ako inaasar ni Nikko ng ganyan simula ng nakalabas kami sa impyernong booth na yon. Sisiguraduhin kong hindi mananalo yung booth na yun dahil sa ginawa nila sa akin! Hmmmp
“Uso ang maka Get-over Mr. Banaria, kanina ka pa tawa ng tawa dyan. Muka ka ng sira ulo.” Ako
“Narealize ko lang na talaga palang magbest friend si Rico at si Nikko. Same attitude, WEIRDOS” si Angel naman.
“Ngayon lang talaga na realize ni Angel. Parehas kaming Weird kaya kami magbestfriend ni Nikko… teka, anong sabi mo? Hindi ako weird no!” si Rico naman.
“Hindi nga Rico, parang pasyente ka lang na nakatakas sa mental” Angel
“Eehhh.. di naman kasi Angel. Parang kanina wagas ang yakap mo sa akin.. yieeee ” nakita ko namula naman si Angel. Yieee, bagay talaga silang dalawa.
Tas ayun nag usap lang yung dalawa habang kumakain kami ng ice cream. Pagkatapos kasi namin dun sa impyernong bahay dumiretso na kami sa ice cream parlor. Eto na yung treat ko sa lalaking tuwang-tuwa parin hanggang ngayon. Mukang ewan talaga to! Lakas ng trip.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ayan, dahil hindi na ako makapag-intay ang tagal nyo kasi eh.. pero sana magustuhan nyo to! ^^