Nikko’s POV~
Ilang araw na ang nakalipas simula nang magising si Anne galing sa pagka comatose. Ilang araw ko na din siyang hindi binibisita simula ng araw na nagising siya.
Nakakainis kasi eh. Sobra.
Nakakainis na pagkagising nya at ng nakita nya ako ang una agad nyang tanong sa akin ay “SINO KA?”
Sa lahat naman ng tao ako lang yung nakalimutan nya. Sabi ng doctor baka daw dahil yun sa nangyari kay Anne baka daw natrauma kaya nakalimutan nya ako. pero bakit? Wala naman akong ginagawa ah?
Baka naman pinagtitripan lang nya ako? napagkasungit kasi sa akin kapag dinadalaw ko kaya nga hindi na ulit ako dumalaw dun eh.
Lagi ko nga yang iniisip kapag gabi hanggang sa mapupunta sa nangyari dati nung engage pa kami. Minsan bigla na nga lang ako napapatawa dahil sa pag aaway namin dati. Para pala kaming baliw hindi nyo man lang sinabi! Ahaha
Pero nakakairita talagang isipin na ako lang yung nakalimutan nya!! Takte, nakakainis!! >.<
Hindi na nga pala kami pumapasok ngayon, bakasyon na kasi. Hindi nga naka attend ng recognition si Anne kasi nakaconfine pa sya nun. Ako nga pala yung first honor, natalo ko sya. Wahaha, syado inis siguro sa akin nun kung yung dating Anne pa sya.
Hay, namimiss ko na talaga ang masungit na nerd na Anne. =3=
“Oy, teka chicks yun oh.” Ayan, si Rico simula ng lumipad si Angel papuntang states ganyan na hobby nyan, ang mangbabae. Pero hanggang friends lang naman ang ginagawa nyan, alam ko namang si Angel talaga gusto nya nagpapakatorpe lang.
“Kapanget.” Matipid na sagot ko.
“Lahat na lang panget sayo! Si Anne lang ba maganda para sayo?!?”
“Kelan ko sinabing maganda yung nerd nayun? Si Miku Hatsune nga ang type ko no!”
“Takteng fiction character na yan, ano bang magagawa nyan sayo? Hindi yan magiging sayo, hanggang panaginip mo na lang yang si Miku mo. haha” pang iinis sa akin ni Rico.
“Manahimik ka na nga lang. Ingay mo.”
Nasa mall nga pala kami ngayon ni Rico, naggagala tas siya nanghahunting ng mabibiktima. Pssshh
“Nikko?” biglang sabi nung babaeng nabunggo ko sa NBS.
Nung tingnan ko nagulat ako na dahilan ng hindi ko pagkakareact agad.
“Ikaw nga! Kamusta ka Nikko? Still remember me? It’s Aina your ex-girlfriend.”
Siniko ako ni Rico kaya ako natauhan. Kailangan talagang sabihin na ex-girlfriend? Proud ata itong babaeng to eh.
“Oh, chikabebs pala si ex hindi mo man lang sinabi.” Siniko ko si Rico dahil dun. Pati ba naman siya? Hay nako Rico.
“Yeah, I remember you. Excuse us, may gagawin pa kasi kami kaya mauna na kami. Bye!” sabi ko
“Teka, don’t tell me hindi ka parin nakakapagmove on Nikko?” tanong ni Aina.
“Of course not! Matagal na akong nakapagmove on sayo no. ”
“He has Anne now.”
“Yeah, I have Anne now.”
Teka, anong sabi ko??
“Ahh, akala ko lang naman. Ahaha, regards sa relationship nyong dalawa ni Anne! Bye~”
At umalis na nga si Aina.
“Oy Rico ano yung sinabi mo kanina?!” pagalit na tanong ko sa kanya.
“Bakit hindi mo pa rin ba narerealize Nikko?” ganting tanong nya sa akin.
“Huwag mo akong sagutin ng isang tanong pa ulit Rico.”
“Teka, mukang hindi mo pa nga nare-realize na mahal mo na si Anne.”
“Ano ba yang sinasabi mo?!”
“Teka, sagutin mo lang ako ng oo o hindi ah? Mabilis ba ang tibok ng puso mo kapagmagkasama kayo?”
Napatango naman ako, madalas kasing ganyan lalo na kapag kaming dalawa lang ang magkasamang dalawa. Nagiging abnormal yung heart beat ko.
“Gusto mo lagi mo siyang nakikitang nakasmile.”
Yeah, ang ganda nya kasi kapagnakasmile sya. Kahit nung nerd pa itsura nya nagiging princess sya sa paningin ko kapagnasmile na sya. Ayyyt, ang bakla takte!
“Namimiss mo sya kahit kakakita nyo palang kahapon.”
Kaya nga ako pumapasok ng school dahil dyan eh!
“Konting skin contact lang parang nagwawala na yung buong katawan lalo na ang puso mo?”
Naalala ko nung festival sa school. Nung nakaposas kami ni Anne nun? Dai ng kaba ko nun!! Buti nga di nya naririnig eh!! >.< tapos parang may kung ano pa sa tiyan ko na para akong maiihi. Shetness, nakakabakla!
“At puro si Anne lang ang iniisip mo sa mga tanong ko sayo.”
Eeeehhh?? Oo nga no!
“Hindi ah!” deny ko sa kanya.
“Deny ka pa. Best friend mo ako kaya kilala kita Nikko. Kung ako sayo magtatapat na ako ngayon malay mo bigla kang maalala ni Anne. ahaha”
Shet, ano ba tong narealize ko? Kaya ba wala man lang akong naramdaman kay Aina kanina kasi may iba na akong mahal at iyon ay si Anne?
Hayyy, ang gulo na ng isip ko!!! >.<
----------------------------------------------------------------
sorry sa pagkatagal na update, busy much sa school si ako eh. haha
kamusta na kayo? ngayon na lang ulit ako nakapag lagay ng author's note! haha, very short chapter na po ang susunod dito tas epilogue na kaya sulitin na ang pagvote at pag comment!!! para naman ganahan din ako~ tarang mag ingay mga tao sa wattpad!!! mehehe :))
by the way guys, try to read my new story entitle 'The Only You' na nasa library ko lang po tas pa comment naman kung itutuloy ko pa ba o hindi! thanks~ :))
enjoy reading! :D