Hello po!!!
Kahit onti pa Lang readers ko (ewan ko nga kung may nagababasa ba neto e..) i po post ko pa din tong update ko. ;D
Natutuwa po kasi ako sa mga nagfan sa akin..kahit 4 pa lang sila, okay lang sa akin. Na appreciate ko na yun!! Wala lang masaya lang ako!! Haha ang babaw ko lang talaga!! Haha >w<
Okay, tama na..shinare ko lang yung saya ko now! Hihi :">
Dedicated nga po pala sa kanya kasi siya first friend ko sa wattpad!!
-------------------------
Okay on with the story:
His POV~
Nagpaalam na ako kay Rico at Angela, may pupuntahan pa kasi ako e. Si Anne slash Nerdy naman nauna na, may gagawin pa daw, masyado ngang nagmamadaling umalis kanina yung babaeng yun e.
Papunta na ako sa Principal's office ngayon. Pinatawag kasi ako ng Principal. Kakausapin nya daw ako. Baka naman isipin nyong nakipag-away ako agad sa first day ko sa school kaya ako kakausapin ng Principal??
Kung oo, napakasama nyo naman!! Joke lang po..haha pero kahit medyo suplado ako hindi naman ako basag ulo. Tito ko kasi yung Principal ng school nato..bale Business partner nila mama kaya tito na tawag ko but we're not blood related po..kahit onti wala talaga..haha
Habang naglalakad ako papuntang office nakaramdam ako ng gutom kaya dumaan muna ako ng canteen para kumain. Napatingin silang lahat sa akin nung pumasok ako sa loob. Ako naman parang wala lang pero deep inside naiirita na talaga ako sa mga titig nila tas nagbubulungan pa, rinig na rinig ko kaya yung pag murmur ng boses nila..nakakairita! Bakit kasi ang dami pa din studyante dito kahit uwian na??
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na ako sa bilihan ng pagkain.
"isang brownies nga po" sabi ko dun sa tindera na nakatitig din sa akin. Ano ba yan! Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong nilalang?? Haha yabang ko lang! Pero totoo naman kasi e!! >o<
Inulit ko ulit yung sinabi ko kanina dun sa tindera pero ngayon mas malakas na at medyo naiinis na yung boses ko..kairita kaya! Subukan nyong kayo pumunta sa pwesto ko na pinagtitinginan ng lahat??
" ehem..ehem.. Ate isang Brownies po! " natauhan naman yung tindera sa ginawa ko kaya dali dali nya akong binigyan ng brownies..nakakatawa kasi na aligaga talaga yung ale!! XD
Inabot na sa akin nung babae yung brownies at inabot ko na din yung bayad ko sa kanya. Hindi na ako naupo sa canteen para ubusin pa yung brownies ko..baka kasi malusaw ako sa mga tingin ng mga tao dito e..
Naglakad na ulit ako papuntang office. Nang malapit na ako may nakita akong isang girl na lumabas dun sa office...parang si Anne nga e. Aish bat ko ba naiisip yung nerd na yun??
Nung nagkasalubong kami si Anne nga yung girl pero diba may pupuntahan pa daw sya? at ano naman kayang ginagawa nya dito??
"O, akala ko ba may pupuntahan ka pa, e bakit nasa school ka pa din?" bigla kong natanung kay Anne. Curious lang po kasi ako. haha
"ah..e..basta..wala ka ng pakielam dun" sabi ni Ms. Nerdy sabay lakad ulit..nagmamadali masyado?? sabagay madilim na din naman kasi..
"init lang ng ulo? Ayst. Bahala ka na nga.." sabi ko sa kanya tas tumuloy na ako sa principal's office.
Kumatok muna ako ng 3 beses bago ako pumasok ng office. Nakita ko dun si tito Harry na nakaupo dun sa chair. Mukang masaya nga e.
"hello po tito." pag greet ko sa kanya
"oh, hello din iho. Kamusta ka na? Maupo ka na lang dyan sa sofa" sabi nya sa akin with matching smile pa. Pumunta na din ako sa sofa para maupo.
"okay naman po. Uhm bakit mo nga po pala ako pinatawag dito?" tanong ko sa kanya habang nakaupo na.
