Chapter 18
Anne’s POV~
Ilang araw na din nakakalipas simula nung nagtransfer si Drei sa school namin at sa loob ng ilang araw na yun lagi siyang naka cling kay Nikko.
Lagi silang dalawa magkasama and tuwing magkakasama kaming lima parang may sarili silang mundo.
Hindi sa nagseselos ako no! Ang totoo nyan, nandidiri pa ako. Oo, disgusting dahil kay Banaria ba naman dumidikit ang sama kaya ng ugali non! Pssshhh pero sa bagay same lang sila ng ugali. Nyahaha, ang sama mo na din Anne!
“Wala pa ba sila?” pagrereklamo nya.
Nasa amusement park nga pala kami ngayon dahil Saturday na at sabi nila kailangan daw naming magrelax man lang.
Kami palang ni Nikko ang nan dito, tagal nila bes yan tuloy kanina pa reklamo ng reklamo yung isang bata dine.
Curious kayo kung bakit kami magkasama ngayon nitong aroganteng to? Sasabihin ko kaya lang baka hindi kayo maniwala kasi ako hindi din makapaniwala! Haha
Eto na..
Sinundo nya kasi ako kanina sa bahay at pinagpaalam nya ako kay Dad na may lakad kami.
Ayaw ko naman kasi talagang sumama, dinahilan ko pa na hindi ako pinayagan ni Daddy pero sa totoo lang payag naman yun sa lahat ng gusto kong gawin.
Ayun, mukang ewan lang kasi ang aga nya sa bahay. 8 palang ata nasa bahay na tapos ginising pa tuloy ako ni yaya dahil nga dumating siya. 10 pa naman usapan naming ng pagkikita-kita. Paimportante! Tsss dun pa sa bahay kumain ng breakfast!
“Tinext mo na ba Anne? Humanda sa akin yung si Rico pagdating nila!” reklamo na naman ulit niya.
“malapit na daw sila kaya wag ka ng magreklamo dyan” sagot ko naman.
“sinong malalagot dre?”
“Oh buti dumating na din ang mga nag-aya ng gala na to? tsss" naiiritang sabi ni Nikko.
"Si Rico kasi ang tagal gumayak parang babae. Haha" sabi naman ni Angel
"Sige na nga, mabagal na ako gumayak sabi ng Anghel ko eh." sabi ni Rico sabay ngiti kay Bes ko.
Uy! Bakit may ‘ko’? yieee, iba yun ah? Matanong nga si Bes, hindi na kasi kami nakakapag kwentuhan ngayon.
"Oh, mukang nagkakalanggaman na kayo dyan eh wala pa ako. Hi Guys! ^^"
"Ano naman kung wala ka pa? Sana nga di ka na dumating eh..pssshh" bulong ko sa sarili ko.
Dumating na nga pala si Drei at may kasama syang who-knows-who na babae na halos wala ng suot sa ikli ng damit. Same sila ng style ng damit ni Drei, magkaiba lang ng kulay.
"Guys, it's okay lang naman na I'm with my cousin right? She's insisting on coming with me kaya ayan. Don't worry she's kind like me. Right Pretty Sabel?" maarteng sabi ni Drei tapos bigla na namang nag cling kay Nikko. Tsss parang linta!
"Ang arte bes! Dapat hindi na lang natin inaya yan ngayon. Nagsabit pa ng kamag anak nyang linta. Kainis!" bulong sa akin ni Angel na halatang naiinis na pero nakangiti pa din.
Pano ba naman naka cling na kay Rico yung si Sabel na pinsan ni Drei. Magkamag anak na linta! Yuck~ ayaw ko pa naman sa mga ganung hayop.
"Inaya ba kasi natin huh Bes? Tsss diba siya lang naman nagprisinta? And don't mind them na lang baka tubuan bigla ng buntot ang Anghel ni Rico. Haha" ako