“Miss”
Ang tagal nyang sumagot, pasuspense pa talaga!!! >.<
.
.
.
.
.
.
“Si Anne po ang gusto kong kapartner.” Sabi niya ng expressionless ang face.
So ayos na ang problema dahil nakapagdecide na si Mr. Arrogant at si Anne daw ang gusto nyang kapartner, sabi na e hindi ako pipiliin nya.. pero teka ..
ANONG SABI NYA? ANNE DAW?? AKO YUN AH??
Pero baka namali lang ako ng rinig?? As if naman ako piliin nun!
“WHAT?? SI ANNE ANG GUSTO MONG MAKAPARTNER?” gulat na gulat na sabi ni Bianca, so totoo ngang ako pinili nya at hindi ako nagkamali ng rinig.
“ay wait lang class, pinapatawag lang ako sa office, ayusin nyo na lang yung groupings nyo gusto ko pagkabalik ko okay na para ipapaliwanag ko na lang yung tungkol sa project nyo” sabi ni Miss tas bigla ng umalis.
“baka naman gutom ka lang Mr. Banaria ” tanong ko bigla ng pagkaalis ni Miss, hindi din kasi ako makapaniwala na ako pinili ng lalaking to e, baka trip ako nitong asarin.
Biglang nagtawanan yung mga classmate ko dahil sa tanong ko.
“so ano Ms. Rosalez? si ANNE na daw ang gusting kapartner kaya wag ka ng umangal pa” biglang singit ni Angel my bestfriend.
“errr..siguro binlock mail yan ni Nerd kaya pumayag si Mark na maging kapartner nya! Kawawa ka naman Mark at isang Nerd pa yang naging partner mo!” sabat ni Bianca
“FYI Ms. Bianca Rosalez hindi ko bina blockmail tong lalaking to! And sino naman ang may gustong kapartner nyan e ang yabang yabang nyan? Sayong sayo na kung gusto mo!” sabi ko, kainis na e! parang napakabig deal na ako kapartner ng Arrogant na to!!! >o<
“Ikaw na nga pinili ko ganyan pa sinasabi mo sa akin Anne.” Biglang nagsalita si Mark.
Aww patay! Nagalit ata itong lalaking to sa mga nasabi ko.
“yieee..sweet!!” kantsyaw naman ng mga classmate kong ewan.
“stop!! Ang lakas talaga ng loob mo Anne na pagsabihan ng mayabang si Mark no? tsaka tiyak naman palabas mo lang to para kaawaan ka nya e.” sabi naman ni Bianca
“enough na nga to! Tsaka sino ka ba ha? Wala kang karapatang husgahan si Anne dahil ako ang nagdecide na sya ang maging partner ko, kaya stop insulting her!”
Nagulat ako kasi si Mark yung nagsalita. Pinagtanggol nya ako kay Bianca, parang galit pa nga kaya natahimik kaming lahat. Si Bianca din parang natulala, hindi makapaniwalang pinagtatanggol ako ni Mr. Arrogant. Napaupo na tuloy kami kasi nakatayo kami kanina nung medyo nagsasagutan kami.
Nasira na yung katahimikan ng dumating na si Miss Quirino.
“okay, mukang na ayos nyo na yung groupings nyo kaya I’ll discuss your project na. Bawat magkapartner dapat mag tatanim ng isang plant”
Naputol yung sinasabi ni Miss kasi nag groan yung mga classmate ko.
“wag munang magreklamo class,hindi pa ako tapos magpaliwanag. Dapat imomonitor nyo yung paglaki ng plant na yun araw-araw”
“e anong connect sa art nun Miss?” tanong ng isang classmate ko. May point sya no?
“hindi pa kasi tapos e, hay nako patapusin muna kasi ako, ang magsalita pagdi pa ako tapos may minus” natahimik naman sialng lahat.
“Sa loob ng isang buwan dapat idodrawing nyo yung changes na mangyayari sa plant na yun, you should work with your partner ha? Kahit anong gusto nyong paraan ng pag iillustrate ng paglaki ng plant na yun. Dapat gamitin nyo ang pagiging creative nyo class. Pwedeng ianimated nyo, comics strip or anything na gusto nyo, any reactions class?”
“aww Miss~ pano kung wala kaming talent sa ganyan? Yung hindi creative?? Pwedeng wag ng idrawing??”
Ang daming nag agree sa nagsalita na yun, ang hirap ng naman kasi ng pinapagawa ni ma’am e. Pero keribels ko yan! Haha
“hindi pwedeng hindi idrawing. Kaya nga art subject natin ngayon e, tsaka lahat tayo may hidden creativity sa katawan hindi nyo lang pina practice kaya hindi na e enhance” woah, lalim nun Miss ah? Haha XD
“okay, any question with our project?” tanong ni Miss
“none Miss” pilit na sagot ng lahat
“uhmm..by the way 2 weeks na lang bago ang examination nyo. Alam kong hindi pa ganong nakakahabol sa lessons natin si Mr. Banaria kaya I’ll assign Ms. Reyes to be his tutor”
Aangal na dapat ako kaya lang naunahan ako ni Miss.
“bawal umangal Ms. Reyes dahil ang Principal na mismo ang nag utos nyan sa akin and that’s the reason kaya pinatawag nya ako kanina.”
“okay Miss” umokay na lang ako kahit labag sa kalooban ko.
“ I think everythings okay, so that’s it for today good bye class!”
hay nako, kamalasmalasan nga naman ng araw ko! Sarap upakan ng nakaisip ng idea na yun pero syempre joke lang, lab ko ata yung taong yun! Haha
“huy nerd itutor mo daw ako” biglang sabi ni Mark habang iginilid yung katawan nya paharap sa akin.
“ano pa nga bang magagawa ko? Hayst! Patay na talaga ako sa mga fan girls mo nyan!!”
“tsk..gustong gusto mo nga tsak yan e! haha”
“kadiri ka Mr. Banaria!! Kung di mo lang ako pinagtanggol kanina nako! Baka masapak na kita.” Galit na sagot ko, kainis e trip nanaman ako nito.
“napaka brutal mo naman, dapat nga matuwa ka dahil makakasama mo ako araw araw e” sabi ni Mark with nakakalokong smile nya.
“urgh..maiisip ko palang yun nasusuka na ako! Kung di lang siya yung nag utos nun e!!! >.<”
“tama! Dapat mong sundin ang principal dahil lagot ka dun pagnagreklamo ako dun, haha” with evil laugh pang sabi ni mr. Arrogant.
Natatakot na tuloy ako, iisipin ko palang yung pwedeng mangyari! 1 whole month na kapartner ko sya sa project and 2 weeks pa nun ay pagtuturo sa kanya isama mo pa yung death glare ng mga fan girl nya. Ano po bang ginawa kong masama para parusahan ako ng ganito??? Help me guys!!!! TT_TT
----------------------------------------------------
vote and comment kung nagustuhan! :D
