chapter 18.5

4K 105 12
                                    

Chapter 18.5

Angel’s POV~

Ano ba naman yang si Bes? Sabi ko na at ganito mangyayari. First time kaya naming maggala ng ganitong araw tapos ang suot parang ewan lang. Buti na lang at handa ako. Hoho

Alam ko ding hindi siya papayag na palitan yung damit nya kaya nakaisip na ako ng plano. Sakto medyo kumpulan sa kinainan namin.

Nung papunta na kami ni Anne sa table ng grupo nakasabay namin yung epal na pinsan ni Drei. Oo epal siya dahil laging nakadikit kay Rico!! Psssh, parang kung sinong maganda, mas maganda pa nga si Anne dun kahit hindi nag aayos ang best friend ko! imagining nyo na lang yun, haha

Napatingin ako sa taban nyang Juice. Sakto, mukang may gamit din pala ang girlaloo na to. Mwahaha

Sorry po kami-sama sa gagawin ko na to. Magkukumpisal na lang ako bukas, promise!

Eto kasi ayos namin:

Ako---Sabel—Anne

Nung dapat bubungguin ko na si Sabel bigla siyang na out of balance dahil sa taas ng heels ng suot nyang wedge kaya hindi na tuloy ang plano ko pero natapon pa din kay Bes yung Juice na taban niya.

Ayaw talaga akong pagawain ng masama ni Kami-sama! Haha

“OH GOLLY!! I’M REALLY SORRY..”  natataranta namang sabi ni Sabel habang tumayo na din sa pagkakabuhal. Ang arte paring magsalita kahit nadisgrasya na ah? Kainis!

“ANNE!! AYOS KA LANG?! Sheez, bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?!” galit na sabi naman ni Nikko habang pinuntahan nya si Anne at tinitingnan kung ayos lang ba sya.

Nikko na din nga pala tawag ko sa kanya kasi naman, OP ako. Lahat sila Nikko tawag, ako lang Mark!

Pero ang sweet ha? Halatang nag ke-care si Nikko kay Best friend ko! hihi, kinikilig ako!!  Buti pa si Bes, yung isa kasi dun pagka torpe! Hayssss

Anne’s POV

Nakapagpalit na ako ng pang ibaba kong damit dahil diba nga natapunan ako ng juice kanina. Ang sakit nga eh, mabigat din pala kasi kahit papaano yung si Sabel muka lang mapayat.

Ayoko pang lumabas ng CR, pano ba naman kasi pinagpalit ako ni Angel ng shorts na hindi naman gano kaiklian pero kahit na! ayoko paring mag short!! >.<

Hindi nabasa yung damit ko lahat sa pants buti na nga lang naglotion ako ngayon, de joke lang! haha

Nakakapanibago kasi, ilang taon na din akong hindi nagsusuot ng ganito kaiksing damit.

Na alala ko pa kanina si Nikko nung natapunan ako ng Juice..

Flashback~

“ANNE!! AYOS KA LANG?! Sheez, bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?!”

Dali-dali naman akong pinuntahan ni Nikko. Muka siyang nag aalala.

“Of course, medyo na basa lang ako ng onti.” Sagot ko habang tumatayo na tapos si Banaria tinulungan ako.

 Woah~ ang bait ata neto sa akin? Baka good mood dahil nakadikit na naman si Drei sa kanya. pssshh

“MAG-IINGAT KA NGA KASI SA SUSUNOD. MAGSUSUOT-SUOT NG MATAAS NA SAPATOS TAPOS HINDI NAMAN PALA KAYANG DALIN.. AYYYSSH nakakadisgrasya tuloy ng ibang tao!”

Hala! Galit nga si Nikko at mukang seryoso pa. Ang OA nya o nag aalala lang talaga sya sa akin?

Hay nako!! Burahin yan~ kelan pa naging ganyan si Mr. Arrogant? Diba?

Inalalayan nya ako hanggang sa makaupo na kami.

“Angel diba sa bi mo may extra kang damit? Ipahiram mo muna kay Anne para makapagpalit hindi yung mukang naihi siya sa pants nya dito. Nakakahiya sa makakakita!” nagsmirk siya pagkasabi niyan.

ARRRGH!! Kainis! Sabi na’t imposibleng magpakabait to! >.<

Tumango naman si Anne na mukang good vibes na dun dahil nagkausap na sila ni Rico. Yung magpinsan kasi na una ng magpaalam na pupunta lang daw sila sa CR.

Pumunta na nga kami sa CR at ayun nagbihis na ako.

End of Flashback~

Pagkatapos ng pagbabalik tanaw (ang lalim! XD) sa nangyari kanina napagdesisyunan ko ng lumabas ng CR.

“GOLLY WOW! Bagay talaga sayo yung ganyang attire Bes! Tangalin na lang yang eye glasses at pony tail mo, chixs ka na! haha tara na at baka nag iintay na yung  Fiance mo dun!” sabi ni Angel.

“Nahahawa ka ng magsalita dun sa magpinsan mamaya nyan hindi ka na din maalis dun sa braso ni Rico.. ” ganti  ko kay Angel

“Sama neto! Cinomplement na nga kita bes.. ” sabi ni Angel sabay pout! >w< paawa ang bestfriend ko! yaan nyo sya~

Nagpunta na kami dun sa iba pa naming kasama. Nagulat si Rico lalo na si Nikko nung nakita nila ako. Yung magpinsan na linta naman tiningnan lang ako ng naiirita at inirapan lang ako.

 Ewan ko ba, hindi kasi ata bagay sa akin yung suot ko kaya kung makareact sila. Di wari sabihin ng deretsyahan sa akin!

Sinakyan lang naming lahat ng rides dun sa amusement park na yun tapos picture-picture din dahil dala ko yung camera ko.

Ganun pa din, yung sila Drei hindi parin mawalay dun kala Nikko pero madalas akong tinitingnan ni Nikko tapos napapansin ko na lang nagde-death glare sya sa paligid. Probema ng lalaking yun?!

Naging masaya naman yung araw ko kasi nakabonding ko ulit si Angel. Parehas na lang namin inenjoy at hindi na lang pinansin yung magpinsan na linta kesa naman magka wrinkles pa kami sa kunsumisyon! Si Angel lang pala dahil ako wala naman akong pakielam nahahawa lang ako kay Bes.

“Oy, wag ka ngang tumawa dyan. Para kang sira!”

Bigla kasi akong napatawa habang tinitingnan itong pitures naming sa Cam ko.

“Paki mo?! Magdrive ka na lang dyan Banaria”

“Nan dito na tayo sa tapat ng bahay nyo o gusto mo sa bahay ka naming umuwi?” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya tapos nag smile siya ng nakakaloko.

Ayyy, oo nga! Nu ba yan, masyado kasi akong busy.

“ARRRGH! Ano naman gagawin ko dun? Tapos na tutorial natin. AH! Pwede ding ibibigay mo na sa akin yung collections mo~  ” sabi ko tapos ngumiti ako sa kanya. Good mood ako no?! ^^

Napatitig siya sa akin dahil dun pero saglit lang.

“Asa ka! Bumaba ka na nga para makauwi na ako.” Nikko

“Oo na, sige bye.”

Bumaba na ako pero nung pagkababa ko bigla siyang bumusina at bumukas yung bintana ng car nya.

“oh bakit?” ako

“BAGAY SAYO YUNG SUOT MO..” sabi niya at bigla na lang pinaandar yung sasakyan.

Teka, nag iinit ata yung muka ko. Tama ba yung rinig ko?

ANO DAW?!

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------

comment. vote.recommend. become a fan

My Nerdy Princess (MNP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon