Chapter 4

6K 128 8
                                        

After 1244364687 years nakapag update na din!! Haha

Wala talaga akong planong mag UD pero dahil sa kanya nagbago tuloy isip ko kaya I’ll dedicate this chapter to her. :D Sorry kung sabaw, kakatapos lang ng exam ko e!!  la talaga akong maisip na isunod dun sa last chapter >w< 

On with the story na nga lang! :D

 -----------------------------------------------------------------------------------

Tok…tok..tok..

“Miss Anne baba ka na po, handa na yung breakfast mo” 

Narinig kong sabi ng isa sa mga maid sa bahay.

“Okay, I’ll be there in a minute Yaya”

Nakabihis na ako and ready na rin to go to school, breakfast na lang talaga ang kulang kaya dali-dali na akong bumaba para kumain.

“Good morning sa inyo!” bati ko sa mga maid namin with big smile yan. Ewan, Good mood si ako e!

“sabay na po kayong kumain sa akin Ya” aya ko sa kanila.

 Ako nanaman kasi mag isang kakain sa napagkahaba naming table sa kusina. Wala kasi si Daddy and Mommy, pati si kuya wala din kaya mag isa lang ako sa bahay kasama mga maid naming. Nakakawalang gana kaya ang pagkain ng mag-isa, try nyo!

“Hindi na po ma’am Anne, mamaya na po kami pagkatapos mo” sabi naman ni Yaya Sally, isa sa pinakamatagal na naming kasambahay. Matanda na din sya kaya parang lola na turing ko sa kanya.

“Ayy..kawalang gana naman po ang kumain ng mag-isa Ya e!” sabi ko sabay pout sa kanila, paawa effect syempre! Haha XD

“ano ka ba Ma’am Anne, kumain ka na lang po dyan at baka malate ka pa sa school mo” suway naman sa akin ni Yaya Sally.

“ano pa nga bang magagawa ko? Kakain na nga po”  Dahil masunurin akong bata kumain na lang nga ako.

After kong kumain hinatid na ako sa school. Ang aga ko ngang nakarating e, Wala pa si Angel. Naupo na lang ako sa upuan ko at isinaksak ko na yung earphone sa iPhone ko tas inilagay ko na sa tenga ko.

Nakadukdok ako habang nakikinig ng music, 30 minutes pa naman bago mag start ang klase e, sadyang masipag lang akong pumasok ng maaga!! J)

Maya-maya lang medyo umingay na din sa room, dumadating na yung mga classmate ko. As usual, parang invisible nanaman ako dito, nerd nga diba?

My Nerdy Princess (MNP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon