Anne's POV~
Mag dadalawang oras na akong naghihintay dito sa garden ng school. Naiinip na ako!! Ang tagal naman kasing dumating ni Mr. Arrogant e. Baka naman hindi ako siputin nun? Aysh, lagot talaga sa akin yung lalaking yun pagdating!!
Sunday ngayon pero nakapasok parin ako sa loob ng school. Alam nyo naman na ang secret ko diba? pero kung naguguluhan ka eto magpapakilala ulit ako sayo.
I'm Anne Marie Reyes ang anak ni Harry Reyes na principal ng school na pinapasukan ko ngayon. Mayaman ako but my classmates including my schoolmates didn't know it. Si bes Angel, si Rico, kayo at syempre yung fiance ko daw na si Mark lang ang nakakaalam ng totoo kong identity.
I'm hidding my true self by acting as a nerd. Hindi naman ako nahihirapan kasi mahilig din naman talaga akong mag-aral since then. Sa katunayan nga malapit na akong ma awardang best actress e. Lol in my dreams! Haha XD
Naalala ko bigla yung days na normal lang ako, yung hindi sikat pero hindi binubully ng tao? Hindi pa ako nerd nun and i have lots of friends in school. Masayahin din ako and always interacts with different kind of people. Madaming naiinggit sa akin kasi nga matalino na ako, mayaman and i have many friends pa. Pero dahil din dun kaya lumipat ako ng school at nagpakanerd.
Ano ba yan!! Naiiyak na naman tuloy ako ngayon. Stop it Anne. Matagal na yun and that kind of person ay dapat kinakalimutan na at binabaon na sa nakaraan.
*breathe in*
*breathe out*
*breathe in*
*breathe out*
*breathe i-*
"huy anong ginagawa mo?"
"Ay breathe in ka!" napahiyaw ako dahil sa gulat dun sa nagsalita."Ano ba! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot dyan?!" hinampas ko sya sa braso kasi naman e...
"Ang brutal mo talaga!!! Anong sumusulpot? Diba may usapan tayo ngayon?" tanong ni Mark na hinihimas pa yung brasong pinaglandingan ng hampas ko.
"e bakit kasi ngayon ka lang? Alam mo bang dalawang oras na akong nag-iintay sayo dito?!?!" sumbat ko naman sa kanya.
"sorry naman, nalate kasi ako ng gising kaya ngayon lang ako nakarating. Bakit kasi ang aga-aga mong dumating?" tanong niya
"Aba't ako pa talaga ang kinwestyon mo ha? Buti nga ako on time e ikaw lalaki ka pa naman din tapos babae yung pinag-iintay mo. Wala ka talagang kagentle-gentle man sa dugo daig pa kita!!" sabi ko sabay dila >:P
"Edi sana naging lalaki ka na lang. Palit na lang tayo ng gender, gusto mo?"-Mark
"Did I hear it right? Gusto mong maging girl??? Bakla ka? Hala!" °o° sabi ko na gulat na gulat may kasama pang takip sa bibig.
"huwag ka nga! Tuwid kaya to! Lalaking-lalaki to dre~ tsaka sa gwapo kong to sasabihin mong bakla ako? Tsk tsk"-Mark
"woah, taas ng self-confidence natin ah? Tsk. Umpug kaya kita dyan para matauhan ka?"-ako
"Sama neto, tama na nga yan at simulan na natin yung paggawa ng contract."-Mark
Sasagot pa dapat ako pero pinigilan na nya ako. Tsk nasa mood ata akong dumaldal ngayon? Haha
