Chapter 25:
Harry Reyes’ POV~
I thought everything will go right after that plan pero di ko pa man din naisasagawa mukang wala ng pag asa. Nakalimutan ko yung about sa naging agreement namin ni Anne. Dapat hindi na ako nag aksaya ng oras pa.
I gave her 2 months to decide if she wanted to be with Nikko forever. Siguro masyado pa talagang bata ang princess ko para sa ganung bagay.
She’s back to her usual self now since the day we had a dinner with the Banaria family. Nabalik na naman siya sa pagiging introvert nya.
“Hindi na po sila nagpapansinan ni Mr. Banaria. Madalang na din po siyang kasama nila Ma’am Angel at mas dumalas na siya ngayon sa library.” One of my personnel reported.
Akala nyo wala akong pakielam sa kung ano ang ginagawa ni Anne no? Pero hindi ko magagawa yun, she’s my princess kaya naman lagi ko syang pinagmamasdan with the use of my hired body guards.
I know all the bullying na ginagawa sa kanya ng mga classmate nya. I confronted her about that but she begged me not to do anything with those shitty bullies. Siguro dahil yun sa nangyari dati at ayaw ko ng maulit yon kaya naman sinunod ko na lang sya.
“I’ll leave now sir para mabantayan si Ma’am Anne.”
“No, you should take a day off now. Exam lang naman kaya maaga sya tsak uuwi ngayon.”
Anne’s POV~
“Oh.. the nerd is back na pala. So what happened to the ‘ooh-so-popular-you’? di ba effective? ahaha”
Yan, bumalik na nga pala ako sa dati. Yung nerd na ako? Wala naman ng nang aaway sa akin pwera lang dito kala Bianca.
Naalala nyo pa ba sila? Medyo matagal silang natahimik sa pang bubully sa akin dahil diba nga tinry kong maging isang normal na tao pero di ko feel kaya bumalik na lang ulit ako sa pagkanerd. haha
“She’s ignoring us again Bianca!! Ottoke?”
“Stop with that alien-word Dane!! Ey Nerd! Nawala na ba ang dila mo kaya di ka na makapagsalita?”
Patuloy lang sila sa pagkakausap sa akin pero ako wala lang response. Naglagay na lang ako ng extra effort sa pagko-concentrate sa pagrereview ng notes ko.
“Urgh! Still useless and no fun! Let’s live her girls~”
Ayun, buti naman at umalis na sila, sagabal sa pag-aaral ko eh.
*sigh*
Eto na ang last day ng exam kaya naman todo aral talaga ako. Kailangan kong bumawi, nataasan kasi ako ni Banaria nung last quarter kaya ngayon dapat mas galingan ko pa. Hindi dapat ako magpa apekto sa mga nangyayari ngayon dahil ginusto ko naman to diba?
Ay nako!! Nakalimutan ko na nga yan dahil todo-todo na talaga akong magreview pero eto sumagi na naman sa utak ko.
Nakausap ko na nga pala si Angel tungkol dito. Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari lalo na yung tungkol sa agreement namin ni Dad.
Sinabi ko din sa kanya yung tungkol sa pag aalinlangan ko na parang ayaw ko ng tapusin ang engagement pero ang sinabi lang nya iba na daw talaga to at baka daw inlab na daw ako kay Banaria kaya ganun.
Ako magkakagusto dun? Sa aroganteng lalaki na yun? Sa lalaking laging sinusundan ng linta? Sa lalaking laging laman ng utak ko since nung dinner sa pamilya nila?
Pakshet oh! Nawiwindang na naman ako!! kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ko!
“AYAN NA SI SIR!!”
Yan buti naman at nang maituon ko na sa iba ang isip ko hindi yung puro kaewanan naiisip ko. Last na exam na to ngayong 3rth year ako kaya, WOOOOH! KAYA MO YAN ANNE MARIE REYES!!
.
.
.
.
Tapos na din sa wakas! Wala ng klase simula bukas puro clearance na lang at pasahan ng extracurricular ng mga kasali sa honor at syempre isa na ako dun. Hoho
Nasa locker ako ngayon para ilagay yung mga gamit ko ng may biglang humawak sa balikat ko at marahas na iniharap ako sa kanya.
“Kamusta ka naman Nerie?”
Iba ang naging kutob ko dahil sa ngiti na nakapinta sa muka nya. Kahit nagulat ako dahil sa pagtawag nya sa akin sa dati kong palayaw ay itinago ko pa din yun.
“Namiss mo ba ako BESTFRIEND kasi ako miss na miss na kita. Bakit ba kasi bigla ka na lang lumipat ng school?”
--------------------------------------------------------------------------------------------
may second part pa po ito!!! ^^
yan, bago ang first day ko sa school nag post ako ng Ud ha? haha.. ano kaya ang reward ko? mehehe
btw, 5 or less chapters na nga lang po pala ito...
kaya wagasin nyo na ang pagbibigay ng comments and votes!! irecommend na din sa iba para mas maging masaya!!
Goodluck sa akin bukas!!! ^^~
