chapter 21

4.2K 94 14
                                        

Ayan, dedicated sayo kasi I wuv your comments! nakakaloko yung mga nickname mo sa dalawa! haha 

sana magustuhan nyo po ito! ^^

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 21~

Tatlong araw na din ang nakakalipas simula nung nagpasya akong bumalik sa dating ako at sa loob ng maikling panahon na yun mas napatunayan ko na mahalaga talaga sa tao ang panlabas na anyo.

Kung dati madalas akong nabubully ngayon hindi na gano, madami-dami na sa aking lumalapit at nakikipagkaibigan. Hindi pa naman nila alam na ako yung anak ng Principal sa school namin kaya siguro masasabi ko na hindi naman sila plastik.

Ang dami talagang nagbago simula nung Monday. Hindi pa nga din ako sanay sa itsura ko ngayon eh. Mas nasanay na talaga ako sa mas komportableng damit hindi katulad ng suot ko ngayon na yung sakto lang yung blouse ko tapos yung skirt ko above the knee na din ang length just like my schoolmates.

“Alam nyo naman na siguro kung anong meron sa Monday diba?” hyper na sabi ng homeroom teacher namin.

“Valentine’s Day!” hiyaw nung isa kong classmate na babae

“And that means sa araw din na yun gaganapin ang most awaited festival sa school natin. Anong gusto nyong gawin this year? ” hr teacher

“Horror house!!” sabi nung isa kong classmate

“OH! Maid café.. ” biglang nasabi ko

“I want to do Café din!! Yung girls naka maid outfit tapos yung boys butler. Gyaaa~ bagay tsak kay Nikko yun!!” Girl classmate1

“Yeah, tsak bebenta yun lalo na sa mga studyante ng ibang school.”gc2

“pssshh..” napalingon na lang ako kay Nikko nung narinig ko yan. Mukang hindi siya intiresado sa nangyayari.

Pero ang mas napansin ko talaga ay yung nasa tabi nya. Si Drei kasi ayun nakapulupot nanaman ang kamay dun sa lalaking mukang walang pakielam sa mundo. Bakit ba hindi pa din ako sanay sa kanila? =,=

“Oh, mukang nagkakasundo ang lahat sa Maid café kaya iyon na ang gagawin natin.” Sabi nung teacher

Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko dun sa harap. Nagplano na ang lahat. Nag assign ng iba’t-ibang committee upang mas mapadali ang trabaho. Namili na din kung sino-sino ang magiging maid at butler, sino ang sa counter, mascot, taga ayos ng food and tea at marami pang iba.

Nakasama ako dun sa mga napiling maging maid. Si Angel kasi ang pilit, minsan lang naman daw kasi tsaka gusto daw nyang itry magsuot ng maid outfit. Dinamay pa ako, ayysshh.

Pero excited na ako, para kaming naka cosplay nun! Haha

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Saturday na ngayon at nan dito kami kala Angel. Na assign din kasi kami na gumawa ng cookies at nag prisinta na si Bes na dito sa kanila kami magbake.

Overnight din to kasi wala magulang nya kaya masaya tsak! Haha

"oh ano, kumpleto na ba tayo?" tanong ni Angel sa amin.

My Nerdy Princess (MNP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon