Chapter 20

3.7K 94 7
                                    

Chapter 20:

Monday na ba talaga ngayon?? Hala, parang ayoko ng ituloy to.

Ano ba yan kinakabahan talaga ako! Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong ganito ang itsura?

"Sheez, Anne kaya mo yan! Eto na eh. Wala ng atrasan to." sabi ko sarili ko bago bumaba ng sasakyan.

Nagpalate talaga ako ngayon at ng pagpasok ko sa room namin nagsisimula na ang klase.

"I'm sorry miss but mali ata ang napasukan mong classroom. Are you a new student?" tanong nung teacher ko.

Nako kinakabahan ako. Kaya ko to!

"No ma'am, I'm in the right room and sorry if I came late." sabi ko at dumiretso na sa pwesto ko.

Nakita kong nakangiti si Angel kaya medyo lumuwag yung nararamdaman ko pero nung kay Rico na ako napatingin bigla na namang sumikip ang dibdib ko.

Hala! Bakit nakatulala si Rico sa akin? TT_TT

Hindi ko maiiwasang madaanan si Nikko papunta sa pwesto ko. Nakita ko din ang expression nya at halatang gulat din sya. Si Drei? Ayun inirapan lang ako. Nainsecure ata. Nyahaha, joke lang.

"Good morning Anne." nakangiting bati sa akin ni Angel

"Ano? Si Anne yan?! Yung nerd nating kaklase?!" biglang sigaw nung isa kong classmate na lalaki

"Di nga? Baka naman bluff lang to ni nerdy o kaya kapangalan lang nya?" sabi pa nung isa.

"Pano naman magiging ikaw si Anne eh ang laki ng pagkakaiba nyo?" tanong nung isang girl na madalas mang bully sa akin. Yeah, natatandaan ko yung itsura nila but I don't care kung ano name nila.

"Kung ayaw nyong maniwala edi wag nyo!" sabi ko tapos nag smile na lang, yung medyo pang asar. Be good Anne!

Pinatahimik na lang kami ng teacher sa harap at nagpatuloy sa klase. Si Rico kulit ng kulit sa akin, tinatanong kung bakit daw biglang nag-iba ang itsura ko.

First time nya din kasing makita yung ganitong look ko. Nung naging close kasi kami ayun nerd na ako nun.

Natapos na ang klase at maayos naman ang lahat pwera na lang sa hindi matapos na tanong nila na “ikaw ba talaga si Anne?” o kaya “bakit ka nagbago ng itsura?”

Ako naman ayun, hindi ko din sila masagot kasi hindi ko nga din alam kung bakit. Haha ang loko ko!

Palabas na ako ng room kasama si Angel ng biglang..

“Pahiram saglit si Anne ha?”

At bigla na lang ako hinila. Nung tumingin ako kay Angel nakatawa pa tapos nag “Fighting pose” pa. sheez..

“Uy ano ba? Saan mo ba ko dadalin?” tanong ko kay Nikko na napaka arogante talaga kahit kelan. Hilahin ba naman kasi ako! >.<

Hindi lang sya sumagot. Nice talking ha?! Hihila-hilahin ako tapos hindi naman pala ako kakausapin.

Huminto kami dun sa may SG at binitawan nya na ako.

“Anong problema mo?!” pagalit na tanong ko kay Nikko.

“Bakit ganyan na itsura mo?” tanong nya

“Pake mo? Buti hindi mo ata kasama yung linta ay este si Drei?” sabi ko tapos sabay lagay ng dalawang kamay ko sa likod.

“Bakit nga?!” medyo pagalit na tanong nya.

Ayyy, bakit naman sya nagagalit? Masama bang magbago ng itsura?

“Hindi ko nga din alam eh..”

Katulad ng sagot ko sa iba ang sinagot ko sa kanya at tuluyan ng umalis. Iniwan ko syang may halong pagtataka sa muka. Yaan na sya! Haha

 --------------------------------------------------

short update muna! haha, sorry kung lame!!!  yan lang talaga eh~ XD

comment your reactions and vote if you like it!! ^____^

My Nerdy Princess (MNP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon