Chapter 22: Part I~
Good morning sa inyo!!! :)
Monday na nga pala kaya papunta na ako sa school. Wahhh~ excited na ako, feeling ko magiging masaya ang festival ngayon.
Pagdating ko sa school pinuntahan ko na agad yung room namin. Nakita ko dun na busyng busy yung mga classmate ko na nag aayos para sa café nabubuksan na namin mamaya. Maaga din akong pumasok para naman makatulong ako sa committee na na-assign para sa design ng magiging café.
Ilang minutes na din kaming nag aayos tapos biglang may nag announce na pumunta na daw lahat sa Gymnasium dahil magsisimula na ang opening ceremony para sa festival ngayon.
.
.
.
.
Isang oras din ang naging ceremony at sa wakas natapos na. Pumunta na ang bawat istudyante sa room nila para ayusin ang iba’t-ibang pakulo na inihanda nila.
Bukas kasi ngayon ang Academy, lahat pwedeng pumasok kahit taga ibang school ka pa. Inaabangan talaga to ng lahat lalo na ng mga studyante sa ibang school.
Ang pinakamadaming kitaing section ay makakatanggap ng price, ewan ko lang kung ano yun. haha
“Naeexcite na ako Bes!” excited na sabi sa akin ni Angel habang papunta kami sa classroom namin.
“Ako din naman eh. Nadala mo naman siguro yung binake natin diba?” –ako
“Makakalimutan ko ba yun? Haha Dalian na natin kailangan pa nating isuot yung maid outfit natin!” si Angel habang masayang-masaya na naglalakad
“Excited na din ako dun.” Mahinang sabi ko sa sarili ko.
“Pssshh…” narinig kong sabi ni Nikko na nasa tabi ko ngayon. Dinilaan ko lang sya tapos naglakad na nga kami papunta sa room.
.
.
.
“Oh eto na, magpalit na kayo dun. Hiwalay ang bihisan ng girls sa boys. Dalian nyo guys ha? Para kapag may kailangang irepair ay maayos na din agad.” Sabi nung head ng committee na gumawa ng costume namin.
Sumunod naman kaming lahat at nagbihis na.
Pagkatapos ng ilang minute lumabas na kaming lahat. Nakapila yung girls tapos katapat naman namin yung boys.
Nahihiya talaga ako! Feeling ko di bagay sa akin to!! >///< naka pigtail pa kami, pano sabi ni Angel kailangan daw. Nag insist pa nga ako na isang pony na lang akin kaya lang bawal daw. >3<
“Gyaaa!! Bagay sa inyong lahat yung damit! Ang galing ko talagang mag design!! Omo, ang daming bishies dito!! Nakikita ko na ang tagumpay. Mwuhahahahaha ” sabi nung classmate ko kanina na nag utos sa aming magbihis.
Para syang baliw na nangangarap dun. Naiintindihan ko naman sya kasi alam ko Otaku din ang isang yun eh.
Oy! Hindi ibig sabihin non na baliw ang mga otaku ha?! Jolly persons lang talaga kami! Lols~ XD
“Tara na guys at i-open na natin ang Café na magpapa in love sa lahat ng tao na papasok dito ngayong araw na ito.” Sabi pa nya tapos nagbukas na nga ang room namin.
.
.
.
.
