Chapter 3
"Good morning, CEO!" sarkastiko kong bati kay Aez sa harap ng kanyang office. Kakapasok ko lang at bumungad kaagad sa'kin ang nakaupo na si Aez sa kanyang swivel chair at si Zyler naman ay prenteng naka-upo sa sofa.
Ay iba din, feeling amo. Ano kaya ang trabaho niya? Tamad!
"Don't stare at me like that, baka isipin ko na natamaan kana sa'kin." ngisi nito.
"Luhh, asa ka po! Ako, matamaan sa'yo? Magbigti ka nalang, Zyler. Hindi ako magkakagusto sa'yo, I swear!" singhal ko sa kanya.
Lumapit ako kay Aez na busy sa kakatipa sa kanyang laptop at may ni-permahan din siyang mga sandamakmak na papeles sa kanyang harapan.
"So, kanino ka pala dapat matamaan? Sa pinsan ko?" pang-aasar ulit ni Zyler.
Napairap ako sa inis, "May saltik ka talaga kahit kailan, Zyler! Hindi ko alam kung totoong Aldiezar ka ba talaga, ang layo-layo kasi ng agwat mo sa ugali ni Aez. Tingnan mo nga siya, ang sipag, 'e samantalang ikaw, ang tamad!" inis kong saad. Magsasalita pa sana ito, ngunit agad ko ng inunahan. "Zip your mouth, I don't need you stupid opinion." asar kong saad, ginaya ko lang naman ang sinabi niya sa'kin. Dapat makabawi ako sa kanya oras-oras.
"Aez," pang-i-isturbo ko kay Aez, busy parin ang kanyang mata sa laptop.
"Yes?"
"Pwedeng ma-isturbo ka kahit ngayong buong araw lang?" saad ko. Sinarado niya ang kanyang laptop at seryosong tumingin sa'kin.
"Whole day?" tumango ako. "Skylar, marami akong--"
"Please? Sa bar lang naman ang punta natin ngayon, at promise bukas tutulungan kita dito sa office mo. 'diba day off din ng secretary mo?"
"Yeah. but still, Skylar. May meeting ako,"
"I-cancel mo lahat, tapos bukas na bukas din ako ang magiging secretary mo whole day. I-move mo nalang bukas lahat ng schedule mo ngayon, please?"
Malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tumayo, "Alright, I have no choice!" napipilitan nitong saad, tinawagan niya din ang kanyang secretary para i-cancel lahat ng scheds niya ngayong araw.
"Hello, Chloe! Ayaw mong sumama?"
Napangiti ako nang malaman ang reaksyon ni Chloe, sasama din pala siya. Pati narin si Jasmine tinawagan narin namin, mahirap na 'pag hindi sinama, kakaiba pa naman ang utak no'n.
Pagkarating namin sa bar, sa VIP room na kaagad kami. Sunod na nakarating ay si Chloe kasama si Jasmine na busangot ang mukha.
"Bar na naman, Aez?" bagot nitong saad.
"Jasmine,"
"Ano ba kasing meron dito sa bar at palagi kayong pumunta dito? Tell me, nambabae ka ba?"
Napa-iling nalang ako sa ka-OA-han ng babae. Kinuha ko ang laptop sa bag at syempre, junk foods.
Sinama ko talaga sila dito dahil gusto kong makakuha ng mas maraming ideas. Sanay akong magsulat sa mga ganitong lugar, malakas man ang tugtog, ngunit malaya namang makapag-liwaliw ang aking isip at marami din akong maisulat.
"Cheers!" sigaw nila. Itinaas ko narin ang juice na hawak ko, at pagkatapos ay seryoso na ulit ako sa pagtipa.
"Akala ko ba may party na maganap, Skylar?" ani Chloe.
Inangat ko ang paningin sa kanya, "mag party na kayo d'yan, kailangan ko lang talagang magsulat ngayon."
Dismayang bumalik si Chloe sa inupuan, maya-maya pa ay nagsialisan na sila para pupuntang dance floor.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
Любовные романыA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...