Chapter Twenty-four

58 7 0
                                    

Chapter 24

KINABUKASAN maaga na akong bumangon. Ginawa ko na ang morning routin at may mga dinagdag pa ako sa mga gamit na inimpake ni mama. Nang matapos ay lumabas na ako, tiningnan ko ang kwarto ni Gwy. Nakasarado pa ito at paniguradong tulog pa ang gagang 'yon. Napailing nalang ako bago tuluyang bumaba.

Nadatnan ko si Zyler na naghahanda na rin. Siguro mas maaga pa 'tong nagising kesa sakin. Excited talaga siyang makabalik sa maynila na another problem na naman ang haharapin, haysst! Makayanan kaya naming linisin ang fake news na 'yon? Tch!

"Skylar, are you ready? Ipinaghanda na kita para makakain ka na muna ng agahan bago tayo aalis." saad ni Zyler.

Kumunot naman ang noo ko. "Ipinaghanda mo ako?" tumango siya. "Sa ganyang bihis mo?" tumango ulit siya at sinamahan pa ng matamis na ngiti at ang kanyang pamatay na kindat. Oh well, nadali niya ako sa ganyang tinaasan niya ako ng kilay, ah!

"Let's eat, come on!"

"Sila mama?" tanong ko sa kanya nang mapansin na kami palang ang nandito sa sala.

"Kumain na sila, may gagawin pa raw kaya hindi nila tayo mahatid." aniya. Nagsimula na rin kaming naglakad patungong kusina.

"Hm, okay!"

Nang marating namin ang lamesa, may nakahain nga na mga paborito kong ulam. Tch! Paano kaya niya nalaman na paborito ko ang kaldereta at adobo? Pero ang ikinagtaka ko, marunong pala siyang magluto. Well, hindi ko nahalata, ah! Dahil sa bukod na gwapo siya at mayaman, model pa! Sinong mag-aakala na marunong pala siyang magluto?

"'Don't stare at me, Skylar Perez. Start eating, mapagmamasdan mo rin naman 'tong gwapo kong mukha sa eroplano mamaya." nakangisi niyang saad.

"Tch! Sigurado ka bang ikaw ang nagluto nitong lahat?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Oo naman, bakit, 'di ka ba makapaniwalang marunong magluto ang isang Aaron Zy Aldiezar?" nakangisi pa rin nitong tanong.

Inirapan ko nalang siya at nagsimula ng sumandok ng kanin. "Ewan ko nalang sa'yo, Zyler!"

Matapos kumain ay kaagad na kaming umalis dala ang kanyang kotse. Pero ngayon ay may driver ng kasama, dahil hanggang airport lang din naman itong kotse.

Sumaglit kami sa building na pinagtatrabhoan ni Zyler.

"Just wait for me here, Skylar. Babalik ako kaagad," aniya. Tumango lang ako at kinuha ang cellphone.

'yong isang cellphone ang ginamit ko, hindi 'yong reserbang sim na para kay Aaron. Baka kapag maisipang mag-text no'n mabuking pa 'ko. Mahirap na.

Nang ma-open ko 'yon ay sunod-sunod na text messages ang bumungad sa'kin na puro kela Chloe at Aez lang naman. May napakaraming missed calls pa, aning inaasahan nila? Maka-reply ako gayong ang hina ng signal. At Isa pa, ngayon ko lang din na-open 'to kaya wala talaga silang maaasahan na reply galing sa'kin.

To: Chloe

Babalik na kami riyan ngayon, Chloe. See you!

Sent 9:36AM

To: CEO Aez

Babalik na kami riyan, Aez. 'wag ka ng mag-abalang tumawag, wala rin namang signal. See you!

Sent 9:40AM

Ang hina talaga ng signal kaya 'di na-sent kaagad.

Nakabalik na si Zyler kaya nagpatuloy na ulit ang b'yahe. Nang nasa airplane na, natulog lang din naman ako. Hindi nagtagal ay nakarating kami kaagad sa maynila.

"Are you tired?" tanong kaagad ni Zyler nang makababa kami.

"Hindi masyado, medyo nahihilo lang ako." napahilot pa ako sa sentido.

"You want something to eat? Kakagising mo lang din naman kaya siguro gan'yan ang pakiramdam mo, how about, take medicine first, because it might get worse and turn into a fever." aniya na kaagad kong inilingan.

"No need na, Zyler. Thank you," sagot ko sa kanya.

Tinulungan niya rin akong dalhin ang maleta ko, ako naman ang nagdala sa kanyang bag dahil magaan lang din naman 'yon.

"Babe!" kaagad na kumunot ang noo ko nang may babaeng familiar ang mukha na lumapit sa'min. "Babe, I've been waiting for you! Jake and I are no longer married, we are free to be together again. 'Diba sabi ko naman sa'yo na gagawan ko ng paraan 'diba?" masayang sambit ng babae.

Tiningnan ko si Zyler, hindi siya makatingin sa mata ng babae. Siya na siguro ang ex ni Zyler. Ewan, pero parang nasaktan ako sa narinig. Nakaya niyang ipaglaban si Zyler, hindi kagaya ko na andaling sumuko.

"Coreen Bartolome, We've been done since the night I found out the truth. Hindi mo ba naalala ang gabing ikaw mismo ang bumitaw?" saad ni Zyler. Bakas sa kanyang boses ang pagpipigil, pero kalaunan ay hinawakan niya ang aking kamay. "Siguro alam mo na ang balita ngayon, Coreen. I have my girlfriend now and I've moved on with you for a long time. For now, maiwan ka na namin ng girlfriend ko. Medyo pagod din kami sa b'yahe galing sa bakasyon." ani Zyler.

"C-coreen Bartolome?" hindi makapaniwala kong tanong.

Inakay na ako ni Zyler palayo roon, pero nanatili akong blanko. Si Coreen, bumalik na! Siya. . . Siya ang dating girlfriend ni Tristan? A-at, papaanong iyon din ang ex ni Zyler? Nagkataon lang ba ang lahat? O sadyang pinaglaruan lang ako ng tadhana?

May sumundo kay Zyler kung kaya't kinuha ko na ang aking maleta mula sa kanya.

"Salamat sa pagdala nito, Zyler. Pero 'di mo na ako kailangang ihatid sa bahay." saad ko.

Walang ni-isang reporter na nakasalubong kami dahil wala namang may alam na ngayon ang balik namin dito sa maynila bukod kela Aez at Chloe.

"Pero Skylar,"

"I insist, Zyler." ngumiti ako sa kanya. "May dapat ka pa ngang ayusin, e." nilingon ko si Coreen na ngayon ay mabilis ang paglalakad papunta sa'min. "Sana maayos niyo 'yan, Zyler. Ayaw kong madawit sa kung ano man ang problema niyong dalawa." ani ko bago siya tuluyang iwanan.

"Babe, I know your just mad at me. Pero sana naman pakinggan mo ako! You don't need to use someone para lang mapaniwala ako na nakapag-move on kana sa'kin, Babe. Please, please comeback to me? H-hindi ko kayang iiwanan mo ulit ako..." hindi ko na sila pinakinggan pa. pumara na ako ng taxi at kaagad ng pumasok.

Nakita ko pa sa salamin kung paano nang-amo si Coreen. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon, iwas na iwas pa rin ako kay Coreen. Katulad pa rin ba ng dati? Magparaya pa rin ba ang huli kong option?

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon