Chapter Fifteen

82 7 0
                                    

Chapter 15

Hindi ko na sinabi sa kanila kung ano pa ang mga pinag-usapan namin ni Tristan. Naintindihan naman iyon nina Mama at papa. Pati si kuya hindi na rin tinanong kung ano ang napag-usapan namin.

Nakaupo parin si Zyler sa may sofa habang tiningnan ako ng may pag-alala sa kanyang mukha. Nginitian ko siya para ipaalam na okay na ang lahat.

"Skylar---"

"Gusto mong mag-ikot dito sa lugar namin?"

"Are you okay?" binaliwala niya ang sinabi ko.

Ngumiti ako sa kanya at sinabayan ng pagtango. "Oo naman! Ano namang dahilan para maging malungkot ako?" lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa kanyang balikat. "Magbihis lang ako, samahan kitang ikutin ang buong barangay namin." asik ko at naglakad na paakyat sa may kwarto ko.

Pagkarating sa kwarto, saglit kong tinanaw si Tristan mula sa bintana ng kwarto ko.

Hanggang ngayon, nando'n parin siya. Nakapamulsa habang nakatingin sa kung saan. Bestfriend pa rin naman kami 'diba? Pero bakit nasaktan pa rin ako sa tagal ng panahon? Tsk! Para naman akong tanga!

Pumasok na ako sa CR at naligo. Ni-ready ko na rin ang pag-alis namin ni Zyler. Sa paraang mag-ikot sa lugar na 'to naisipan kong i-refresh ang utak ko. Nitong nakaraan parang blanko na 'to palagi.

Paglabas ko ng kwarto, nando'n pa rin sa may sofa si Zyler. Gano'n pa rin ang kanyang posisyon simula kanina. Lumingon siya sa kinaroroonan ko at tumayo.

"Aalis na tayo?" he asked.

"Yeah. Hindi ka ba magbihis man lang?" naguguluhan kong tanong.

"I don't even know where my room is." deretso nitong saad. "Let's go, wala na tayong oras sa pag-ikot kapag nagtagal pa tayo dito sa bahay niyo. It's already 4 in the afternoon."

"Okay."

Siya ang naunang maglakad palabas na sinundan ko naman. Hindi ba siya na-bo-bored sa kakaupo sa sala? Tsk!

Kinuha ko ang bike at sinundan siya. Nang mapalingon siya sa gawi ko ay kaagad na kumunot ang kanyang noo.

"Pwede mo ba akong ipag-drive?" saad ko nang mapalapit ako sa kanya.

"Is this your way to get rid of the pain you feel?" asik niya. "If you do, then, ipag-drive kita. Just tell me where the road to the destination is."

Tumango ako sa kanya. "S-sige."

Inabot ko sa kanya ang bike na kaagad naman niyang tinanggap.

"Sumakay ka na." asik niya na sinunod ko naman.

Nang nagsimula na siyang mag-pedal ay kaagad akong napahawak sa kanyang bewang. Ang sarap din ng presko ng hangin na dumampi sa aking pisnge.

Gaya ng napag-usapan namin, tinuruan ko naman siya sa kung saan siya dapat dadaan na kanya namang sinunod. Sa bawat daan na nadaanan namin ay may mga taong nagulat sa muling pagkakita sa'kin. Medyo matagal na rin pala simula no'ng hindi ako umuwi dito. Kung hindi lang talaga dahil sa issue na ginawa ni Zyler baka ngayon 'di pa rin ako umuwi dito sa Solana, Cagayan.

May nadaanan naman kaming malawak na palayan, at sa kabila naman no'n ay ang mga naggagandahang mga bulaklak. Sari-sari ang mga ito, na kahit hindi naman inalagaan ay sobrang ganda pa rin na akalain ng lahat ay pati ang bulaklak ay inalagaan din ng may-ari ng palayan.

"Itigil mo muna saglit, Zyler." saad ko Kay Zyler at nauna ng bumaba nang hindi na medyo mabilis ang kanyang pag-pedal.

"Wag mo na ulit gagawin 'yon." asik nito na inismiran ko.

"Ang alin?"

"Yong pagbaba mo ng bike kahit nakaandar pa." iritable nitong saad.

"Tsk! Takot ka bang masaktan ako?" natatawa kong saad. "Don't worry Zyler, sanay naman na akong masaktan. Wala pa 'yang mga pasa-pasa na 'yan kung puso ko na ang nasugatan."

"Just don't do that again, Skylar. Lalo na't ako ang driver. Baka mamaya n'yan hindi na ako makauwi sa maynila dahil lang sa nangyari sa'yo."

"Palusot ka pa, 'e! Nag-alala ka lang talaga sa'kin hindi mo lang maamin-amin, 'diba?" natatawa kong saad.

"Tch!" asik niya't may kinuha sa kanyang bulsa. Ang kanyang cellphone.

"Wag ka ng mag-abalang tatawag sa kung sino," paunang salita ko dahilan para mapatingin siya sa'kin ng may pagtataka. "Dahil walang signal dito sa'min, lalo na't smart 'yang sim card mo. Kung nag-alala ka kay Aez, ako na ang hahanap ng paraan para matawagan mo pa rin siya."

"Tch!" tanging singhal niya at ibinalik sa bulsa ang cellphone.

Napahalukipkip ako habang tinanaw ang magandang bulaklak. Gano'n na rin si Aez, nakapamulsa siyang tiningnan ang mga ito habang nakakunot pa rin ang kanyang noo.

I wonder kung hindi ba mangangalay ang kanyang noo dahil sa kakakunot. Tsk!

Nang mapatingin siya sa'kin ay kaagad akong nagpatay malisyang tiningnan ang kung ano sa kanyang likod. Ayan, titig pa Skylar!

"Dito ka lang, may kukunin lang ako." aniya.

"Saan ka pupunta? Don't tell me, iiwan mo ako dito?" nanlaki ang matang tanong ko sa kanya. Dahil kung gagawin niya 'yon, leletchonin ko talaga siya ng buhay!

"you overreacted again, tch!" asik niya at pinitik ang aking noo.

"Aray, ah! Nananakit ka na Zyler, hindi mo ba inisip na sa'min ang lugar na 'to? Kayang kaya kitang ipapatumba sa mga kapitbahay namin!"

"Tch!" singhal niya ulit at naglakad na papunta sa may maraming bulaklak.

"Hah! Hindi ka ba takot sa'kin?"

Tumalikod ako sa kanya at saglit na nag-isip. Kunsabagay, ano namang nakakatakot sa'kin kung ngayon pa lang sinabi ko na sa kanya kung ano ang pwede kong gawin?

Hayst! Ang bobo ko talaga! Kung masama lang siya kanina pa ako tumba, tsk!

"Skylar---"

"Ay, juskong hinayupak ka!" gulat kong saad nang magsalita siya sa may likuran ko.

Pagharap ko sa kanya ay kaagad akong napatigil dahil sa lapit ng aming mukha. Nang bumalik ako sa tamang wisyo, napakagat ako sa pang-ibabang labi bago siya inismiran.

"ANO?" malakas at irita kong tanong sa kanya.

"Ang init talaga ng dugo mo sa'kin, I wonder why you are like that to me." asik niya. Hinawakan niya ng aking ulo. "Don't move," saad niya at dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa'king mukha.

H-hahalikan ba niya ako? Bakit hindi niya ako pinapagalaw? P-pipikit na ba ako?

Nang papalapit na ng papalapit ang kanyang mukha ay dahan-dahan naman akong pumikit. Ngunit kaagad rin akong tinablan ng hiya nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking tenga. May nilagay ng kung ano sa aking buhok.

"Ayan, pwede ka ng dumilat."

Gosh! Sabihin niyo, may mukha pa ba akong maiharap sa kanya ngayon? Hiyang-hiya na talaga ako sa sarili ko!

Kaagad akong tumalikod sa kanya, baka makita pa niya ang namumula kong mukha, mahirap na!

"T-tapos na pala," nanginginig ang boses na saad ko. Hinawakan ko ang aking buhok at doon ko lang nalaman na bulaklak pala ang nilagay niya kanina.

Panira kang bulaklak ka!

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon