Chapter 4
"Hello, Skylar." lasing ang boses ni Aez sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko, paniguradong nasa bar na naman ang kumag na 'to.
"Nasa bar ka na naman, Aez Rafaelle Aldiezar?" taas kilay kong saad.
"Yeah, pwede mo ba akong puntahan?" asik nito.
"Aez, alam mo naman na galit na sakin si Jasmine dahil sa kakapunta ko sa'yo d'yan sa bar. mukhang kailangan mo ng kontrolin ang sarili mo na 'wag magpunta d'yan,"
"Skylar, 'yon nga ang problema, we just broke up," saad nito, dinig na dinig ko rin ang paghagulhol niya sa kabilang linya.
Nagpakawala muna ako ng mabigat na hininga, "Sige, hintayin mo ako d'yan." tanging sambit ko tsaka naghanda para puntahan siya sa bar.
NANG makarating ako sa kinaroroonan niya, mag-isa itong uminom.
"Aez," tawag ko sa kanya. Umupo narin ako sa kaharap nitong upuan.
"Skylar, you know how i love my girl right? Lahat ng iniisip niya, hindi ko naman magawa 'yon. I-i can't cheat her...I can't," asik nito at tuluyan ng lumuha.
"I know, Aez. Pero wala tayong magawa kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Sa ngayon, hayaan mo muna siyang magpalamig. Trust me, one day, ma-realize niya na mali siya ng iniisip at siya rin ang kusang lalapit at hihingi sa'yo ng tawad."
"I don't want to lose my girl, Skylar. Hindi ko kaya,"
"It's okay, Aez. Hayaan mo munang mag-isip si Jasmine, bigyan niyo muna ang sarili niyo ng espasyo."
Matapos naming mag-usap, agad ko na siyang hinatid sa mansion. Pagkarating sa kwarto saglit ko siyang kinumutan.
"She's leaving, and im dying to think that I already lose my girl." nakapikit nitong saad. Tinapik ko ang kanyang balikat bago lumabas.
"Kamusta na siya?" bungad ni Zyler sa may hamba ng pinto.
"Hindi okay, broken 'yong tao 'e." kaswal kong sagot.
"Thank you for bringing him here, but sorry to tell you this. 'wag mo munang puntahan si Aez, we already know why they're breaking up, right? Sana maisip mo 'yon." saad niya at tuluyan ng pumasok sa loob.
Kasalanan ko ba talaga kung bakit naghiwalay ang dalawa?
Pinilig ko ang ulo ko, Tama si Zyler, alam ko naman na ang dahilan kaya dapat hindi na muna ako magpakita kay Aez. Sana pala inisip ko muna ang lahat na kung may masira ba akong relasyon sa pagpunta-punta ko sa bar kasama si Aez. Kung sana hindi ako bobo, wala sanang mangyaring hiwalayan ngayon.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at ni-dial ang secretary ni Aez, "Hello, is this Jashlia Magsino Sanchez?"
"Yes po, sino po 'to?" inosente nitong tanong.
"Ahm, this is Skylar Perez, bestfriend ni Aez Rafaelle Aldiezar. Can you come here at his house now? Paki-bantayan na po muna siya, as a secretary, isa sa duty mo ang pangalagaan ang CEO." deretsang saad ko. Ni-hindi ko na pinag-isipan ang mga katagang lumabas sa aking bibig. Basta ang importante may magbabantay sa ngayon kay Aez.
‘kumain kana, Abigail.’ chat ni Aaron ang unang bumungad sa messages ko.
Sumandal ako sa headboard bago nagtipa ng i-re-reply sa kanya.
‘nawalan ako ng ganang kumain, honestly, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay ngayon.’ pagsusumbong ko sa kanya.
‘Kumain ka, Abigail. I don't want to hear that kind of reasons of yours, saan ba ang address mo para mapuntahan kita kaagad?’ reply nito na nakapag-pangiti sa'kin. Beside sa mga friends ko, mas na-share ko kay Aaron ang mga bagay na hindi pa alam ng mga kakilala ko in person. Mas magaan kasi ang loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...