Chapter Seven

70 10 4
                                    

Chapter 7

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha.

Hindi na masakit ang ulo ko, mukhang effective ang pagbabantay ni Zyler sa'kin buong gabi.

Kagabi ginising niya din ako ng 10pm tapos pinakain at pina-inom ng gamot. Akala ko hindi marunong magbantay ng pasyente, may tinatago din pala.

I tidied up a bit before leaving the room. Ang inasahan ko ay si Zyler ang bumungad sa'kin, ngunit si Chloe ang bumungad sa'kin na nakapan-dekwatrong nakaupo sa sofa.

Tch! Ba't ko ba siya inasahan?

"How are you," Chloe asked casually. Kumakagat pa ito ng mansanas.

"Medyo okay na," I answered.

"Aba, dapat lang! Isang Aaron Zy Aldiezar kaya ang nag-alaga sa'yo buong gabi, kaya dapat lang na magiging okay kana ngayon." She teasingly said that I had a hard time.

"Wala kang trabaho?"

"Na-uh, pero may ka meet up ako ngayon. Dinaanan lang kita, just in case na may mai-kwento ka."

"Ang tanong, meron ba?" I told her impatiently. Dumeretso din ako sa ref, ngunit bago ko paman mabuksan 'yon ay naagaw na ng atensyon ko ang nakahain sa mesa. "Ano 'to? Nagluto ka para sa'kin?"

"Of course not! Si Zyler kaya ang nagluto n'yan, bilin niya sa'kin kanina hindi daw kita iiwan dito hanggat 'dika kumain. Kaya kainin mo na 'yan at nang mapag-iwanan na kita."

Hindi ko man gustong kainin but I felt guilty because he still took care of me last night. Sobrang sama ko naman kung hindi ko man lang 'to galawin.

I nodded to Chloe. "Pakisabi, salamat sa pagbabantay niya."

Nang makaalis na si Chloe, sinimulan ko naring kumain.

Agad na napangiti ako, kung kagabi hindi ko nalasahan ang mga niluto ni Zyler, ngayon naman sobrang busog ko na dahil sa sarap ng mga niluto niya.

Bakit feeling ko ang galing niya sa lahat ng bagay?

"Ayan, tapos na!" I was happy to say that I finally finished what I wrote. Ang pagpasa nalang ng manuscript ang kulang. Hindi pa man masyadong sikat ang mga sinusulat ko, pero may iilan na rin ang nakakilala sa mga librong isinulat ko.

Hindi man dinumog at pinagkaguluhan, masaya parin ako dahil may iilan na nagbabasa nito.

Kring kring! Kring kring!

Glad I pressed Aaron’s call. "Hello?"

"Hi, Abigail." His voice was tired kaya agad akong nag-alala.

"May nangyari ba? O-okay ka lang?" sunod-sunod kong tanong.

Bigla kong naalala ang magkapareho nila ni Zyler, wala namang masama kung ungkatin ko.

"I'm okay, Abigail. I was just tired from work, but I just heard your voice, I'm totally fine now."

"Are you sure, n-natulog ka ba kagabi?" I asked him. Desperada na rin akong malaman kung sino siya.

He was silent for a moment. "Y-yeah. But still, I need some rest for now, Abigail. Bye, just call you later," saad nito at hindi na hinintay na mag-goodbye din ako pabalik sa kanya.

Maya-maya pa ay may biglang nag-doorbell. Iniwan ko ang cellphone sa kama at agad na pinuntahan ang pinto.

As soon as I opened it, Zyler's bulging eyes opened up to me. Parang pagod na pagod ito.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon