Chapter Twenty-five

75 7 0
                                        

Chapter 25

Pagdating sa condo, hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Rumehestro pa rin sa utak ko ang pagbabalik Coreen. Alam kaya ni Tristan 'to? At no'ng umalis ako sa Solana, anong nangyari sa kanila? At bakit naging ex ni Zyler si Coreen gayong nasa Solana lang naman si Coreen at nasa ibang bansa si Zyler?

'Yan ang mga katanungang kanina pa tumakbo sa aking isipan. Blanko na ulit ang aking pag-iisip, 'yong kaninang antok sa airplane na gusto kong ituloy ay nawala bigla.

Kinuha ko ang cellphone at kaagad na ni-dial ang number ni Aez na kaagad naman nitong sinagot.

["Hey! Kumusta ang b'yahe?"] bungad ni Aez. Kahit na hindi niya ako nakita ay tumango ako.

"Maayos naman," maikli kong sagot.

["Magkasama kayo ni Zyler ngayon, Skylar?"]

"Hindi. May dumating kasi, ahm, I think siya si Coreen. Am I right?"

Saglit siyang natahimik sa kabilang linya. Sa tagal na naming magkaibigan ni Aez ay nasabi ko na rin sa kanya halos lahat ng secreto ko. Siya ang naging kasama ko, kaya hindi maiwasang hindi magkwento.

["S-skylar, I'm sorry."]

"For what?" agad kong tanong sa kanya. Wala naman kasi akong mahanap na sagot para sa kanyang pag-sorry.

["D-dahil nilihim ko ang tungkol kay, Coreen. Yes, I know she’s the one you’re always referring to, so I’m sorry I didn’t tell you right away. Dapat matagal ko ng sinabi sa'yo 'to, 'e!"]

"Ano ka ba Aez! Wala kang dapat na ikahingi ng tawad. Kung nagsorry ka para roon, ano naman kung magkakilala kayo? Hindi rin naman naging kami ni Tristan noon, kaya wala kang dapat ipag-alala." mahaba kong litanya.

Mabigat na buntong hininga niya ang narinig ko sa kabilang linya. ["Tungkol kay Zyler---"]

"Aez, natawagan mo ba si Chloe?" pag-iba ko kaagad sa usapan.

["No--"]

"Sige thank you, bye na muna, Aez. Tatawagan ko na muna si Chloe." sabi ko bago tuluyang pinatay ang tawag.

Nasa kwarto ako ngayon at hindi ko alam ang susunod na gagawin. Kaagad kong kinuha ang jacket sa may maleta at isinuot iyon. Kailangan kong ma-i-share ito kay Chloe ngayon kaya kahit hindi pa ako nakapagbihis ay kaagad na akong umalis ulit sa condo.

Pumara ako ng kotse at kaagad ng tinungo ang bahay nila Chloe. Ngunit kaagad akong napatigil dahil nakitang pailan-ilan na mga reporters. Oo nga pala, nandito kami ni Zyler para ayusin ang problemang 'to. Pero paano nga ba? Dinagdagan na naman niya ang pagsisinungaling sa mga tao kanina. Lalo na kay Coreen, ginamit niya ulit ako.

"M-manong, dito na lang po." nagbayad ako kay manong at bago pa man bumaba ay isinuot ko na rin ang sumbrero para hindi ako makilala.

Naging successful naman ang aking ginawa, wala ni-isang nakapansin sa pagpasok ko rito sa loob ng bahay nila Chloe.

"Manang, nasaan po si Chloe?" tanong ko kaagad nang makapasok ako sa loob.

Agad na nanlaki ang mata ni Manang, hindi niya malaman kung ano ang gagawin.

"Nasa kwarto po ba? Hm, puntahan ko, ah!" saad ko ngunit kaagad na rin niya akong pinigilan.

"H-hija, hindi pwede---"

"Nagmaldita na naman ba ang bruhang 'yon, Manang? Don't worry po, okay? Kakalma rin 'yon 'pag ako ang kakausap,"

"Pero---"

'di ko na pinakinggan si Manang, kaagad na akong umakyat. Nang magpunta na ako sa may pinto, may awang ito ng kaunti kaya sumilip ako roon. Agad akong natigilan sa nakita, may hawak-hawak si Chloe na isang USB habang nasa kama ang isang naka-topless na lalaki. Tulog ito habang mariing pinagmasdan ni Chloe at tumatawang mag-isa.

"Akin ka lang, walang aagaw sa'yo mula sa'kin." aniya't humalakhak.

Parang kinilabutan naman ako sa narinig. Hindi siya si Chloe na kaibigan ko. Matagal ko ng kilala si Chloe at ang ganitong eksena ang hindi niya magawa.

Walang paalam kong tinulak ang pinto at bumungad sa'kin ang gulat na mukha ni Chloe.

"S-skylar, n-nakauwi ka na pala." asik niya, pilit na tinabunan ang lalaking nakahiga pa rin hanggang ngayon sa kanyang kama.

"Chloe, ano 'to? Ano 'tong pinanggagawa mo? Akala ko ba?" kaagad akong sunod-sunod na napailing.

"S-skylar, mahal ko siya, a-at Ito nalang ang tanging alam ko na gawin para lang mapasakin siya," tumutulo ang kanyang luha habang sinabi ang mga katagang iyon.

"Pero, Chloe. Kung mahal mo siya, tsaka mo lang gawin ang bagay na 'yan kung pareho kayo ng naramdaman para sa isa't isa. Sa tingin mo ba d'yan sa ginawa mo na kapag nagising 'yan ay magiging maayos ang lahat? Na kapag nalaman niya ang kadesperasahang ginawa mo ay mamahalin ka niya agad? Chloe, kung mahal mo siya, hayaan mo munang mahalin mo ang sarili mo!" sigaw ko sa kanya.

Nanginig na rin ang kamay ko, hindi siya ang kilala kong Chloe sa nakikita ko ngayon. Hindi siya Chloe na isang desperada at gustong gusto ng atensyon. Ibang-iba siya ngayon.

"Oo na, Skylar! Demonyo na ako! Tanga! Desperada! Hayok sa atensyon ng lalaking mahal ko! Karibal at isang kontrabida sa estorya nila ng babaeng mahal niya! Pero kasalanan ko bang ganito ako? Nagmahal lang ako Skylar, pero bakit pinagkaitan ako ng lahat? Bakit!" humagulhol na siya at umupo sa kama. "Skylar, may mali sa'kin, 'e! Mahal na mahal ko 'yang lalaking 'yan, pero anong nakita niya kay Xia at nagkagusto pa siya roon? H-hindi ko talaga maintindihan, Skylar." umiiyak niyang anas.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Chloe, walang mali sa'yo. Sadyang 'di pa talaga siya ang nakatadhana sa'yo. Kaya sa ngayon, hintayin mo lang ang lalaking totoong nagmahal sa'yo. Gawin mo ang kung ano ang tama, Chloe. 'wag kang magpapadala sa mga demonyong nasa utak mo sa ngayon."

Matagal-tagal pa siya bago tumahan. "S-skylar, may nagawa ako. Tara sa labas tayo mag-usap." aniya na tinangua ko naman.

Nang makarating kami sa labas, ibinigay niya sa akin ang USB na kanina lang ay hawak niya. Patuloy pa rin sa pag-agos ng kanyang luha.

"May pinahiya ako, at siya si Xiarra Marie Merzandes. Naging tanga ako, pinost ko sa social media 'yan,"

"C-chloe, nagawa mo 'yan?"

"Skylar, sorry! Sorry na, in-edit ko lang din naman 'yan, e. Hindi 'yan t-totoo. Please, 'wag ka ng magalit sa'kin, i-ikaw nalang ang pag-asang meron ako ngayon,"

"Hindi ka dapat sa'kin manghingi ng sorry, Chloe. Dapat doon ka kay Xiarra," suhestiyon ko na kaagad naman niyang inilingan.

"Ang dami kong kasalanan sa kanya, may binayaran pa akong tao para lang mapasa walang sala ako. Hindi ko alam kung paano siya harapin, h-hindi ko talaga alam, Sky. I don't think I can face her any more,"

Muli ay niyakap ko siya, "Lilipas din ang lahat ng 'to, Chloe. Tahan na,"

Hindi ko alam na sa loob ng isang buwan na wala ako ay ganito na ang nangyayari rito sa maynila. Parang mas lalong lumala lang ang nangyari, kung sana pala hindi ako umalis ay mapipigilan ko pa sana si Chloe.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon