Chapter 16
Panira talaga ang bulaklak na 'yon! Kung hindi dahil do'n edi sana hindi ako napahiya kay Zyler ngayon.
Kanina pa ako naiinis sa kanya dahil sa kanyang tawa. Halata kasing pinagtatawanan niya ko sa ginawa ko kanina. Nang matapos kasi akong mapahiya, siya pa ang may ganang mang-aya sakin na umuwi na. Ang sarap niyang iwanan sa may gitna ng palayan!
Nang makarating sa bahay, busangot kong binati sila mama at papa. Mag-a-ala-sais na rin kasi, pero wala pa rin talaga akong ganang ngumiti man lang.
"Anong nangyari sa mukha mo, ate?" tanong ni Gwy.
Si Celestia Gwy ang bunsong kapatid namin ni Kuya Kean Jhail. Ang ganda ng pangalan nila 'no? Samatalang ako, napagkamalan pang lalaki ang pangalan ko. Ang unfair ng mundo sakin.
"Oo nga, Sky! Anong nangyari at nakabusangot ka riyan?" tanong naman ni Mama.
"Dzuh! Palagi naman ng busangot ang mukha ni ate, mama! 'wag ka ng magtaka, tch!" asik ni Gwy sabay flip hair.
Maldita talaga 'yang Gwy na 'yan! Ngayon lang ulit kami nagkita, pero wala man lang pa-welcome home. Mas lalo akong na-badtrip.
"Shut up, Gwy!" angil ko naman. "bago mo ako ma-malditahan, kumusta na muna ang pag-aaral mo?"
"It's totally fine, ate!" sagot niya bago ako irapan at naglakad na papunta sa kusina.
"Ma, bakit naging gan'yan na kalala 'yang Gwy na 'yan?"
"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa kanya noon, Skylar? Gan'yan na gan'yan ka, lalo na't gusto mong puntahan si Tristan---"
"Tumigil na kayong dalawa riyan, tara na sa kusina para kumain." saad naman ni papa. "Zyler, hijo. Tara na."
"Sige po Tito, sabay nalang kami ni Skylar."
"Kung 'yan ang gusto mo, sige." tiningnan naman ako ni Papa. "Skylar, pumunta ka na sa kusina para makakain na 'yang bisita mo."
"Pa---"
"Nagtaka ka pa sa ugali ni Gwy, 'e gan'yan ka naman." ani Mama at pumasok na rin sila sa kusina.
Bumaba si Kuya, kagagaling niya lang din yata sa kanyang kwarto. Medyo mapungay pa ang kanyang mata, dahil na rin siguro sa galing siya sa pagtulog.
"Tara na, Zyler. Pa-VIP ka naman yata masyado." asik ko sa kanya.
"Skylar," saway ni Kuya sa'kin.
"Tama naman talaga Kuya---"
"Tumigil ka na."
Busangot ang mukhang nagpunta ako sa kusina. Nakaupo na si Gwy katabi sina mama at papa.
"Hanggang ngayon ate---"
"Shut up, 'di ka na nakakatuwa Gwy!" putol ko sa kanyang dapat sabihin.
Napaismid naman siya at nagsimula ng sumandok ng pagkain.
Nang matapos kaming kumain, hinatid ko naman na si Zyler sa kanyang magiging kwarto. Tinuro ko lang sa kanya 'yon, hindi ko na siya sinamahan sa loob. Pagod rin kasi ako sa mga nangyayari aa buong araw. Una, ang pagkikita namin ulit ni Tristan. Pangalawa, 'yong pagpunta ni Zyler dito ng biglaan. Pangatlo, ang kahihiyang nagawa ko plus nadagdagan pa ni Gwy.
Pagkapasok sa sariling kwarto, kaagad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama. Napahinga ako ng maluwag, hanggang sa hindi ko na namalayang nahila na ako ng antok.
KINABUKASAN nagising ako nang matamaan ng sinag ng araw ang aking mukha. Agad akong napabangon nang makita ang suot ko.
"Tsk! Hindi pala ako nakapagbihis kagabi. Gano'n na ba talaga ako kapagod?" asik ko sa sarili.
Siguro dahil na rin sa pagod, galing pa rin pala ako sa byahe kahapon. Tapos todo gala na ang ginawa ko buong maghapon.
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nang matapos ay nagbihis at saglit na sinuklay ang aking buhok bago lumabas ng kwarto. Ngunit kaagad din akong napatigil nang bumungad sa akin ang mukha ni Gwy. 'Yong tipong hindi pa man siya nagsasalita pero pakiramdam mo ay kailangan mo ng magpaliwanag sa kanya.
"Ate, magsabi ka nga sa'min ng totoo." asik niya. Kumunot ang noo ko sa pabiglaan niyang inasta.
"Anong pinagsasabi mo riyan, Gwy? Wala naman akong naalalang may nagawa akong mali para magpaliwanag sa inyo, ah!" mahaba kong litanya.
"No, hindi 'yan." pumasok siya sa kwarto ko kaya sinundan ko na rin siya. "Sabihin mo, sino at ano ang relasyon mo sa lalaking 'yon? Sa pagkakaalam ko pa naman, wala kang naging boyfriend, ah? Pero bakit biglaan yata ang pagdala mo ng lalaki sa bahay natin?" asik niya at nagpalakad-lakad sa aking kwarto. Kung umasta naman, para siya ang ate sa aming dalawa.
"Anong pinagsasabi mong boyfriend? At correction sa sinabi mong pagdala ko ng lalaki sa bahay natin, hindi ko siya dinala dito."
"Oh, edi, anong ginawa n'yan dito?" pang-uusisa pa niya.
"May pinagawa si Aez sa kanya dito sa Solana, Cagayan."
"Anong pangalan niya? At bakit dito pa niya naisipang tumuloy?"
"Aaron Zy Aldiezar," kaagad kaming napaharap sa may pinto. Nasa hamba ng pinto si Zyler. Nakapamulsa siya habang inilibot ang kanyang paningin sa buong kwarto ko. "Well, hindi na masyadong masama ang kwarto mo. Hindi kagaya sa condo mo sa maynila." saad niya.
"Omg! Don't tell me, my god!" tili ni Gwy. Kung maka-react talaga 'to, napaka-OA.
"Anong tini-tili-tili mo riyan, Gwy? Para kang tanga!"
"Eh kasi naman! You heard it naman, right? Condo raw! It means, nagpunta siya sa condo mo!" napatakip pa siya sa kanyang bibig. "Ngayon mo kailangang ipaliwanag ang lahat, ate. Sabi mo kanina hindi mo dinala 'yang Zy—ah basta! Pero may nabanggit siyang condo mo, tell me! Anong ginawa niyo sa condo?" nanlaki ang kanyang mata. Binatukan ko nga siya. "Aray! Bakit ka nananakit, ha? Ayaw mo bang mabesto?"
"Tigil-tigilan mo 'yang kaka-imagine at pag-isip ng masama, Gwy! Isa pa, kung ano man ang nangyari sa condo ko, wala ka na ro'n. Besides, I'm already 23." kompyansa kong sagot. "Lumabas ka na nga! Bindi ka nakakatulong sa'kin, naiirita ako sa ka-OA-han mo."
"Your Gwy, right?" sabat ni Zyler. Tumango si Gwy sa kanya. "you can ask me if you have any more questions."
"No thanks." asik niya at lumabas na ng kwarto.
Napahinga naman ako ng maluwag. Wala naman sana akong kasalanan, pero bakit kailangan kong magpaliwanag? Minsan talaga walang laman 'yang utak ni Gwy.
Nang mapatingin ako kay Zyler ay nando'n pa rin siya. "Ikaw? 'di ka pa ba lalabas?"
"Nagpaalam na ako kay Tito na magpasama ako sa'yo ngayon." saad niya na kaagad nanlaki ang mata ko. Balak ko pa namang gumala ngayon at puntahan si Katya Ramos. Namimiss ko na rin ang babaeng 'yon. Tapos ngayon, ilalaan ko ang oras ko para lang samahan siya?
"At saan naman?"
"Sa pupuntahan ko, sabi ni Aez maging secretary daw kita dito."
"Ano? Nababaliw na ba siya? Ni Wala nga siyang binigay sa'kin na pera! At kahit na may pera, hindi ko pa rin 'yon tatanggapin. Ngayon lang ako naka-uwi dito sa probinsya namin kaya gagala ako. Ayaw kong sumama sa'yo," iritang saad ko.
"Do you remember the issue about us? I just texted our location now to the reporters, they can find us right away. So ano, sasama ka sa'kin, o pagkakaguluhan ka ng pres?" pananakot nito sa'kin dahilan para mas lalong uminit ang dugo ko sa kanya.
Wala sa sariling napapadyak ako. "argh! Bakit ba ang dami mong pakulo, ha!"
"So ano, sasama ka na?" nakangisi niyang tanong.
"Eh, ano pa nga bang magawa ko? Tara na nga!"
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...