Chapter Twenty-one

64 9 0
                                    

Chapter 21

KINABUKASAN nagising akong parang may kakaiba. Pakiramdam ko ay may nakayakap sakin. Nang tingnan ko iyon ay kaagad akong natigilan. Nakayakap sakin si Zyler at sobrang lapit pa ng mukha namin sa isa't isa.

Nakatalikod naman sana ako kagabi sa kanya, pero bakit ngayon pareho na kaming nakaharap sa isa't isa? At ang malala pa, nakayakap siya sakin. Possible rin kayang nakayakap din ako sa kanya kagabi? Oh my god!

Pero sa kabila no'n ay malaya akong natitigan ang kanyang mukha. Perfect nga talaga si Zyler bilang isang Model. Maliban sa kanyang height, ang perfect na rin kasi ng kanyang mukha. Ang kapal ng kanyang kilay, matangos ang kanyang ilong, manipis na labi na sa pisnge niya ay may dalawang dimples na nakapagpadagdag sa kanyang ka-gwapohan. May matataas na pilik mata, may pagka-blue rin ng kanyang bilugang mata, at perpektong pagkahulma ng kanyang mukha. Ano pa nga ba ang kulang kay Aaron Zy Aldiezar? Bukod sa may side siyang maldito, perfect na siya. Napaisip nalang ako, may problema rin kaya siyang kinakaharap para naman makikita ko kahit papaano ang stress sa kanyang mukha.

"Done checking me out?"

"G-gising ka na pala, Zyler." wala sa oras na napabangon ako, ngunit kaagad ding napahiga pabalik nang hilahin niya ako ulit. Pero ngayon ay nakaunan na ako sa kanyang braso.

"Yeah, at alam kong kanina mo pa ako tinitigan, Skylar Perez." aniya.

"So, nagtulog-tulogan ka lang pala?" inis kong tanong sa kanya.

"Hindi ba obvious? Well, I think you also really enjoyed staring at me, at mas lalo mo yatang na-enjoy ang pagyakap ko sa'yo." nakadagan ang kanyang paa sa akin kaya 'di ako basta-bastang makagalaw. "Akala ko ba ayaw mong yakapin kita, Skylar Perez?" pang-aasar niya.

"O-of course, not!" pagdepena ko. "Talagang aalis na dapat ako---"

"Pero bakit natagalan ka?"

"Kasi---teka nga, bitawan mo na nga ako! Umagang-umaga binu-bwesit mo ako, Aaron Zy Aldiezar!" inis kong sambit.

Kahit na binitawan na niya ako ay tatawa-tawa pa rin siya at bumangon na rin.

Niligpit ko ang kumot at banig na aming ginamit. Nauna namang lumabas si Zyler. Nang makalabas, nakahanda na rin si Zyler sa bike. Aalis na rin kasi kami pagkatapos nito.

"Let's go?" aniya, tumango ako sa kanya.

"Wait lang, mag-iwan tayo ng sulat. Baka magtaka pa si Aleng Nena pagdating niyang wala na tayo."

Gaya ng sinabi ko, nag-iwan ako ng sulat para kay Aleng Nena. Sabay na rin kaming naglakad patungo sa kalsada. Nang makarating ay sumakay naman na si Zyler sa bike at nang akmang sasakay na ako sa likuran niya ay bigla niya akong pinigilan.

"Ano?" tanong ko, pero mababakas roon ang pagkairita.

"Suotin mo ang jacket ko, hindi magandang tingnan na nakasakay ka sa bike tapos naka-suot ka ng shorts."

"Jusko, Zyler! Wala namang masama kung ganito ang suotin ko, Isa pa, wala namang masyadong tao dito---"

"If you don't want to wear that, hindi tayo aalis dito."

Napasapo ako sa noo. Ngayon pa siya nag-inarte ng gan'yan, gayong excited na akong makita ulit si Katya!

Tsk! Ang arte talaga niya kahit kailan!

"Sige na nga," napilitan kong saad at itinapis ang jacket na kanyang sinabi. Atleast, 'di ko parin sinunod ng buo ang kanyang utos.

"Kumapit ka," aniya pero nagmamatigas ako.

"Ayoko."

"Damn, Skylar! Are you annoying me?"

"Ano sa tingin mo?"

"Okay, I'm done with this." akala ko ay tuluyan na siyang mag-pedal, ngunit kinuha niya ang dalawa kong kamay at pilit na pinapayapos sa kanyang bewang. "Let's go." aniya at tuluyan ng mag-pedal.

Sa bayan na kaagad kami dumeretso, mas malayo pa kasi kung kunin pa namin ang kotse ni Zyler sa bahay. At mas lalong matagalan dahil siguradong mang-usisa pa 'yon sila mama kung bakit 'di kami naka-uwi. Knowing them, sobrang mapagtanong na mga tao. Hayst!

Nang makarating sa bayan, nangalay na ang pwet ko kakaupo. Napatawa rin ako nang makita si Zyler. Pero as usual, blanko pa rin ang kanyang mukha. Sana naman hindi siya mapagod sa kakapedal, sobrang layo pa naman.

"Okay ka lang, Zyler?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Tch! I'm okay, Tara na at hanapin ang bahay ng kaibigan mo." aniya at nauna ng maglakad.

Napailing nalang ako sa kanya bago sumunod. Maraming tao ang pinagtanungan namin sa kung saan ang bahay ni Katya. Ang hirap naman hanapin ang bahay ng babaeng 'yon! Kung sana hanggang ngayon ay may contact pa kami sa isa't isa edi madali lang sana. Ang bobo ko rin naman kasi noon, e!

At nang sa wakas ay narating na namin ang bahay na kanina pa namin hinanap ay nag-doorbell na kaagad ako. Mamaya lang 'yong babaeng 'yon!

"Wait lang!" familiar na boses ang bumungad sa'min.

Nang mabuksan na nito ay 'di nga ako nagkamaling si Katya 'yon.

"Skylar, i-is that you?" nanlaki ang kanyang mata at napataop pa sa kanyang bibig.

Wala pa ring pinagbago so Katya, sobrang ganda pa rin nito at may pagka-childish. Kung hindi lang talaga 'to maganda, ewan ko nalang kung may papatol ba sa kanya.

"Hindi pa ba obvious, Katya Ramos!" sarcastic kong saad.

"Oh my god! Ohmygod, ohmygod, ohmygod! Ikaw nga!" nagtitiling aniya bago ako dinaluhan ng yakap. "Skylar, namimiss kita! Bakit ngayon ka lang bumalik ha? Ano, okay ka na ba? Hindi ka na ba nasaktan? How about, Tristan? Nagkausap pa ba kayo?" sunod-sunod nitong tanong nang makakalas sa pagkakayakap sa'kin.

"What happened here? Babe, are you okay? Oh, god damn!" may lumabas na isang lalaki galing sa loob.

Naka-topless ito at halatang galing lang sa shower. Sa kanyang kinikilos ngayon, malalaman mo talaga na nag-alala siya. Napasapo siya sa kanyang mukha nang makita kung sino ang bisita ni Katya.

"Can we go inside first before you bet and ask a question about the past?" nairitang sabat ni Zyler.

"Ah-oo naman! Pasok na muna kayo!" binalingan niya ng tingin 'yong lalaki. "Magbihis ka nga, Adam!" bulong niya sa lalaki na nakanguso naman itong bumalik sa loob.

Hindi ko pa man alam ang kung anong meron sa kanila, parang may idea na ako sa namamagitan sa kanila. Hmm.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon