Chapter 14
Matapos naming mag-usap ni Tristan, kaagad ko na siyang iniwan doon at pumasok sa loob.
Nadatnan ko sina mama na nakaupo sa sofa.
Pati si Zyler ay nando'n rin, nakakunot ang kanyang noo at seryoso akong tiningnan habang papalapit sa kanila.
"Are you okay, Sky?" si kuya kaagad ang nagtanong.
Saglit akong suminghot at tumango sa kanya. Nginitian ko rin sila mama para ipakitang okay na ang lahat. Pero sa totoo lang, hindi pa talaga.
Paano ko makalimutan kaagad si Tristan? Siya ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Sabay kaming lumaki, sabay kaming nag-aral at sabay kaming umuwi dahil kapit bahay lang naman namin siya.
FLASHBACK
"Hi Skylar!" bungad kaagad ni Tristan sa'kin nang lumabas ako galing sa classroom.
Nakabusangot ko siyang tiningnan. "Bakit ngayon ka lang, Tristan?" may pagtatampong asik ko sa kanya.
"Sorry." 'yon lang ang sinabi niya pero kaagad na akong ngumiti ng malapad at inaya na siyang umuwi.
Dahil nga probinsya sa'min, may madaanan pa kaming lubak lubak na daan.
"Tristan, pwedeng magpahinga na muna tayo saglit?" asik ko at umupo sa medyo may kalakihang bato.
"Skylar, hindi na pwede. Alas sais na oh, baka mapagalitan tayo ngayon."
"Ikaw naman kasi eh, dahil lang do'n sa transferred student na 'yon hindi mo na ako pinuntahan ng maaga sa classroom ko." kaagad na nagsituluhan ang aking luha. "May bago ka ng bestfriend kaya muntik mo na akong makalimutan!" hindi ko na mapigilan ang sariling hindi pumalahaw ng iyak.
"Skylar, I'm sorry. Anong dapat kong gawin para tumahan ka?"
Pinalis ko ang luha sa'king pisnge. "Gagawin mo ba 'pag sinabi ko?" asik ko, pero patuloy parin sa paglandas ang mga luha sa'king pisnge.
"Yeah, I'll do it. Pero dapat uuwi na tayo, baka nag-alala na sila Tita satin ngayon."
Tumayo ako at akmang pahiran ko ang sariling luha at sipon gamit ang aking kamay nang pigilan niya 'yon.
"Let me wipe your tears." hinubad niya ang kanyang uniform at iyon ang ginamit pampunas ng aking pisnge. "Cute ka na ulit," asik niya na sinamaan ko ng tingin.
"Hindi ako cute!"
"Bakit? Cute ka naman talaga, ah." natatawa nitong saad.
"Sabi kasi ni mama na kapag tinawag akong cute, ibig sabihin bata pa ako sa paningin niya." nakapout kong saad.
"Bata ka naman talaga, Skylar. What do you think, dalaga ka na?" asik niya at tuluyan ng humagalpak ng tawa.
"Ang sama mo talaga sa'kin, Tirstan!" sigaw ko sa kanya.
Sabi ni mama, ang dalaga daw hindi na iiyak. Kaya nagsisi akong umiyak ako sa harapan niya kanina.
"S-sorry."
"Kantahan mo ako Tristan habang nakasakay ako sa likod mo." utos ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng may pagtatanong. "Masakit kasi ang paa ko. Nakaapak ako ng thumbtacks kanina."
Dumaan naman sa kanyang mukha ang pag-alala. "Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan, Skylar? Edi sana kanina pa kita isinakay sa likod ko."
"Ngayon ang gusto ko, 'e. Kaya sige na, isakay mo na ako sa likod mo. Akin na ang bag mo, ako na ang magdala!"
Dahan-dahan siyang lumuhod sa lupa at sumakay naman ako sa kanyang likod. Habang naglalakad siya ay kumanta na rin siya na sinabayan ko rin.
Ang totoo, nakaapak ako ng thumbtacks dahil hinanap ko siya. Nasa likod lang pala siya habang nakipag-usap kay Coreen. Hindi man lang nila napansin na dumating ako.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...
![Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/263770815-64-k844986.jpg)