Chapter Eight

86 9 1
                                        

Chapter 8

"Who are you really, Skylar Perez?"

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagligpit narin ako, may balak kasi akong gagawin ngayong buong araw.

Medyo masakit parin ang ulo ko, ngunit mas importante na mapuntahan ko ngayon si Chloe.

Kring...Kring!

"Hello," ipinatong ko sa balikat ang cellphone at sinimulan lagyan ng gatas ang cereal.

"Skylar, wala ka bang balak na bumisita dito sa'tin? Miss na miss ka na namin ng papa mo." Nangulilang saad ni Mama sa kabilang linya.

Napangiti ako at isinantabi na muna ang ginagawa.

Itinapat ko sa aking bibig ang cellphone. "Ma, namimiss ko rin naman kayo. Pero alam mo naman na may trabaho ako dito, aside sa pagsusulat, kailangan ko ring maghanap ng trabaho para may dagdag income ako."

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni mama sa kabilang linya. "Maghintay nalang kami sa pag-uwi mo dito anak. Wala rin kaming oras ng papa mo para bisitahin ka. Basta ipaalala ko lang sa'yo na 'wag na 'wag kang magsulat sa bar. Naku, Skylar! Baka kapag nagkataon ikaw pa ang matipuhan ng mga kalalakihan. Ah basta! Mag-ingat ka palagi d'yan, kung may problema tawagan mo kaagad si Aez para matulungan ka! Bye na."

Napahagikhik na tiningnan ko ang cellphone ko nang mamatay na ang tawag.

"Haysst, namimiss ko na ang bunganga mo mama!" at saka ito hinalikan.

"MAGANDANG umaga po," bati ko sa isa sa mga kasambahay nila Chloe.

"Magandang umaga din po ma'am, Skylar. Nasa kwarto lang po si ma'am Chloe. Lasing po siyang umuwi kagabi at hanggang ngayon hindi pa lumabas. Nag-alala na ako sa amo ko dahil hindi rin kumakain, ni-buksan nga ang pinto hindi niya ginawa." Mahaba nitong litanya.

Nag-alalang napatango ako. "Akin na ang susi. Magluto ka narin Manang at dalhin mo sa taas."

Nang maibigay ni Manang, agad ko ng tinungo ang napakahabang hagdanan papunta sa kwarto ni Chloe.

Sa tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang nabalitaan na hindi siya kumain.

Nang marating ko ang pinto ng kanyang kwarto, kumatok ako ng pangatlong beses.

"Manang, I already told you that I don't want to eat! Ibalik mo na 'yan sa baba," sigaw nito mula sa loob.

Napabuntong hininga ako bago buksan ang pinto.

"Hindi ka ba makaintindi manang–oh, S-skylar."

Inilibot ko ang paningin sa loob ng kanyang kwarto. Nakaupo siya sa kama, wasak na wasak ang kanyang mga gamit. May unan sa sahig pati na ang kumot. May basag na flower vase at pati salamin ay nabasag.

Kunot noong tiningnan ko siya ng seryoso. "May problema ba?" I asked her. Ini-lock ko ang pinto bago siya nilapitan.

Umiwas siya ng tingin sa'kin. "Umuwi kana, Sky."

"Chloe, tinatanong kita. May problema ka ba? Kung meron man, sabihin mo sa'kin para matulungan kita. Hindi 'yong ganito, baka mamaya niyan ano pang mangyari sa'yo!"

"Umuwi ka na Skylar, can you? Dahil kahit na sabihin ko sa'yo ang dahilan, wala ka namang magawa." akmang bubuka pa ang kanyang bibig ngunit itinikom niya ito ulit. "Mas mabuti pang umalis kana, Sky. Bumalik ka nalang sa ibang araw."

Inisa-isa kong pulutin ang kanyang mga gamit.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan, Chloe. At hindi ko kakayanin na hanggang pag-alis ko ganyan ka parin. Hindi ako sanay na makita ang isang mahina na Chloe." umupo ako sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay. "Malalampasan mo rin ang lahat ng 'yan, andito lang ako para damayan ka, Chloe."

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon