Chapter nineteen

73 8 2
                                    

Chapter 19

Sa mga sumusunod na araw ay gano'n pa rin. Ako ang naging assistant ni Zyler, palaging nakasunod sa kanya. Pero hindi gaya no'ng unang araw namin na magkasama. Ngayon kasi, hahanap na ako ng palusot para hindi kami magkasamang kumain. Simula no'ng araw na magkasama kami ni Zyler na pinanood ang sunset ay hindi ko na alam ang sarili ko kung bakit ako naging ganito.

Itong araw na 'to ngayon ay day-off ko. Oh 'diba! Parang nagtatrabaho talaga ako dahil may pa-day off si Aez sa'kin. Bakit kaya hindi nalang siya ang personal na pupunta dito sa Solana? Nakakainis!

Nakasuot ako ng over sized white t-shirt na tenernohan ko ng short. Nagsuot din ako ng rubber shoes. Hindi naman masama ang panahon kaya pwedeng mag rubber shoes dahil hindi maputik ang daan.

"Skylar, bakit bihis na bihis ka?" tanong ni mama sa'kin nang makalabas ako galing sa kwarto. Pati na rin si kuya ay kunot noong tiningnan ako pataas pababa. Sa pamamagitan lang ng kanyang tingin ay alam kong hindi niya nagustuhan ang outfit ko. Hmp, bahala nga siya d'yan!

"Aalis ako ma, pupunta ako kela Katya ngayon. Sa susunod na araw na ang balik namin sa maynila kaya ngayon ko naisipang makipagkita sa kanya." mahaba kong paliwanag.

"Let's go?" kaagad akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Zyler.

Nakasuot siya ng hoodie jacket at white short. Napataas ako ng kilay sa kanya.

"At sinong may sabing sasama ka sa'kin?"

"Ako," si Kuya ang sumagot.

"Ikaw Kuya?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya na kanyang tinanguan. "Bakit? I mean, bakit kailangan pa niya akong samahan? Maayos naman na ako at kayang kaya ko ang sarili ko." pagmamaktol ko. Ito na nga ang free time ko na makaiwas kay Zyler, tapos ngayon malaman-laman kong sasama rin siya sa'kin?

"Kung hindi ka papayag, edi aalis ka dito sa Solana na hindi kayo nagkita ni Katya." 

"Kuya naman kasi..."

"'wag ka nalang umalis, Skylar." asik ni Kuya at naglakad na palayo.

"Okay lang din sa'kin 'yon," rinig kong saad ni Zyler.

Napapadyak ako bago binalingan ng tingin si Zyler. "Tara na nga!"

Nang makalabas kami ng bahay, akmang papasok si Zyler sa kanyang kotse kaya kaagad ko siyang pinigilan.

"Woops! 'di ka pwedeng gumamit ng kotse!" pigil ko sa kanya.

"Bakit? Mahirap ba talaga ang daan doon?" kunot noong tanong niya kaya napangisi ako.

"Hm, bakit, ayaw mo na ba?" nakangisi kong tanong.

"Wala akong sinabing gan'yan, Skylar." ngumisi siya sa'kin at kumindat. "Let's go?"

"Talagang sasama ka?" pangiwi kong tanong.

"Yeah, any problem of that?"

"Wala naman," sagot ko sa kanya. "Kukunin ko lang ang bike, heto, hawakan mo muna 'yan." inabot ko sa kanya ang dala kong basket. Doon ko kasi nilagay ang kunting baon namin. Medyo malayo ang bahay nila Katya at baka maabutan kami ng gutom sa daan.

"Bike? Akala ko ba mahirap ang daan?" tanong niya ulit.

"Hindi naman masyado, pero kailangan mo 'kong ipag-drive." nakangisi kong sabi rito.

"Gusto mo lang yatang magkaroon ng romantic na bagay sa'ting dalawa, Skylar."

"Tse! Asa ka! Kita mo na ngang pinahirapan na kita--"

"Napansin ko rin ang pag-iwas mo sa'kin nitong nagdaang araw. Are you already into me, Skylar Perez?"

Ewan ko, pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sa simpleng sinabi niya pero kaagad na tumigil ang mundo ko at tanging narinig ko lang ngayon ay ang malakas na pagtibok ng aking puso.

Heart, stop! Nakakaloka ka na!

"A-ano ka ba Zyler! Ang hangin mo pa rin talaga kahit kailan!" naiilang kong wika. Ramdam ko na rin ang pag-init ng aking pisnge.

"Your blushing, pft, cute!" asik niya. Kinuha niya rin sa'kin ang bike. "Sumakay ka na, Skylar Perez."

"Tigil-tigilan mo na rin kasi ako, Zyler!" busangot kong sigaw sa kanya.

Kaya bagonpa man magbago ang isip ko na hindi puntahan si Katya ay kaagad na akong sumakay sa kanyang likuran.

"Kumapit ka sa'kin, baka mahulog ka wala pa naman ako sa likod mo para masalo kita."

"Tse! Mag-pedal ka na nga lang!" sigaw ko sa kanya.

Ang bilis niyang magpatakbo, balak ko sanang hindi kumapit sa kanyang bewang pero napahawak ako bigla nang dumaan kami sa may lubak-lubak na daan.

Nagsisi pa tuloy ako kung Bakit hindi nalang ang kotse niya ang dinala namin.

"Ang presko ng hangin," nakangiti kong saad habang pinakiramdam sa isang kamay ko.

Lumipas ang ilang minuto, dumating na rin kami. Bumaba na ako sa bike at kinuha ang basket.

"Dalhin mo 'yang bike, Zyler. Aakyat pa tayo d'yan para mapuntahan ang bahay nila Katya." sabi ko sa kanya.

Hindi pa man kami dumating sa bahay nila Katya pero napangiti na ako. Naimagine ko na ang kanyang mukha kapag nagkita ulit kami. Medyo may pagka-childish pa naman 'yon.

"Your too excited to see your bestfriend, huh!"

Ngumiti ako kay Zyler. "Yeah," mahina kong sagot sa kanya. Kung kanina ay nauna ako sa kanyang maglakad, ngayon naman ay sinabayan ko na siya. "Simula no'ng umalis ako rito sa Solana, highschool pa yata ako no'n, ngayon lang ulit ako nakabalik sa lugar na 'to." nakangiti kong saad. Pero sa mga mata ko, malalaman mo kaagad na may bahid Ito ng lungkot. No'ng nilisan ko ang lugar na 'to ay lugmok na lugmok ako.

"Bakit ka umalis sa lugar na 'to?" tanong niya. Akay-akay niya ang bike. Hindi na kasi pwedeng masakyan iyon, dahil paakyat na kami ng bundok.

"Dahil kay Tristan. Bestfriend ko siya dati, pero ang tanga ko para mahulog sa kanya. Alam ko na mabasted ako no'ng araw na nag-confess ako sa kanya, pero tinuloy ko pa rin. Akala ko kasi mag-bestfriend pa rin kami pagkatapos kong sabihin ang totoo kong naramdaman, pero," huminga ako ng malalim. "Doon din pala nagsimulang magkalayo kami. May girlfriend na rin siya, kakasagot lang sa kanya ng girlfriend niya no'ng nagconfess ako sa kanya. Kaya---"

"Im sorry," putol niya sa pagkwento ko. "You don't deserve him, Skylar. You deserve something, 'yong 'di ka sasaktan. Ako," kaagad kumunot ang noo ko sa kanyang huling sinabi.

"A-anong ikaw?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I can be your bestfriend if you want," saad niya. "I'm willing to cheer you up, Skylar. Sabihin mo lang sa'kin kung nasaktan ka, don't hesitate to share it with me."

Napakagat labing tumango ako sa kanya. "T-thank you, haha. Pero past naman na 'yon, medyo hindi na masakit masyado." sabi ko. "Oh, andito na pala tayo!" masigla kong saad. Kaagad akong nagtaka nang hindi ko na makita ang bahay nila Katya. "Nasaan na ang bahay nila?" kunot noong tanong ko sa sarili.

"Skylar?" tanong ng ginang.

"Aleng Nena? Tama po ba ako?"

"Oo, Ikaw nga hija! Si Katya ba ang hinahanap mo?" tanong niya na mabilis kong tinanguan. "Wala na siya dito, Hija. Simula no'ng mamatay ang kanyang lola, nasa bayan na siya nakatira. Nurse na rin kasi siya ngayon," mahaba nitong pahayag.

"P-po? Namatay ang Lola ni Katya?" gulat kong tanong.

"Oo, Hija!" napatigil siya nang biglang nagsimulang pumatak ang ulan. "Naku! May nilalabhan pa pala ako! Sumunod kayo sakin, Skylar. Sa bahay na muna kayo hanggang sa mawala ang ulan. Mauna na ako, hija. Sumunod lang kayo," mabilis nitong saad kaya tumango lang ako.

"Tara na Zyler bago pa tayo mabasa ng tuluyan," bago pa ako makalayo sa kanya ay hinawakan niya ang braso ko. "Gamitin mo muna 'tong jacket ko, It's hard when you get sick." saad niya at hinubad ang kanyang jacket. Nang maibigay niya sa'kin ito ay ngumiti siya sa'kin. "Wear that, come on?"

Gaya ng sinabi niya, dali-dali ko itong sinuot at patakbong sinundan si aleng Nena.

Pero ang 'diko magawang baliwalain ay ang malakas na tibok ng puso ko. Inlove na rin ba ako kay Zyler? O normal lang 'to?

Normal lang 'to, walang kakaiba.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon