Chapter Ten

77 10 0
                                        

Chapter 10

Nang makalabas ako sa building, malakas na buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago tuluyang sumakay ng kotse.

Dahil sa kabaliwan ng Zyler na 'yan nakalimutan ko ang balak kong sabihin kay Aez. Bwesit talaga siya sa buhay ko.

Sa mall ang balak kong puntahan. Matagal-tagal narin kasing hindi ako nakapag-mall.

"'diba siya 'yan?"

"Hindi naman siya pretty, pero bakit siya pa?"

"Oh god! I'm so broken right now!"

Bulong-bulongan ng mga babae sa may katabi ko. Patuloy lang ako sa pamimili ng mga dress. Ni isa wala pa akong napili, maganda naman lahat pero papatayin ka naman sa mahal niyon.

"Hindi sila bagay, eww!"

"Right! Walang taste si Aaron Zy Aldiezar."

"Mas bagay naman sana kami, tsk! Tsk!"

Well, masyado yatang sikat 'yong kumag. Kahit nasa mall, pangalan niya parin ang narinig ko. Nakaka-badtrip!

Sinagot ko kaagad ang cellphone nang tumunog ito. Si Chloe pala ang tumawag.

"Chloe, bakit?"

"Wala kang sasabihin sa'kin?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ha? I mean, wala namang nangyaring maganda na dapat kong sabihin sa'yo."

Inipit ko ang cellphone sa aking balikat at tiningnan ang isa pang pulang dress. Off shoulder ito at above the knee.

"Wala? Sure ka ba sa sinasabi mo, Skylar? Pati 'yong sa inyo ni Zyler hindi maganda para sa'yo?"

Nabitawan ko kaagad ang dress na hawak ko kanina.

"Anong tungkol samin ni Zyler? At saan mo nasagap ang pekeng balita na 'yan?" medyo napalakas ang boses ko.

Dali-dali akong lumabas ng mall. Biglang nawalan ako ng ganang bumili pa nang nabanggit palang ni Chloe ang pangalan ni Zyler.

"Girl, nag-viral ang post ni Zyler. Ngayon lang niya ni-post oh, pero thousands na ang nag-retweet sa kanyang post sa tweeter. Pati sa Facebook at instagram niya. My god! Ngayon ko lang din nalaman na isa palang sikat na model si Zyler."

"Anong pinost niya na hindi ko alam, Chloe? Mapapatay ko na talaga 'yang Zyler na 'yan!" hindi ko mapigilang sumigaw sa inis.

"I-check mo ang social medias mo ngayon, Skylar. Kayo lang naman ang pinag-usapan ng lahat." asik nito bago ako pinatayan ng tawag.

Gaya ng sinabi niya, nagpunta kaagad ako sa facebook. Pati sa nga r'pier ay nakakalat ang mukha ni Zyler kung saan kasama ako.

'I want ya'll to meet my girl.' tanging caption nito ngunit marami kaagad ang na-intriga.

Nagtangis ang bagang na pumara ako ng taxi. "Manong, sa Aldiezar's Company po." asik ko.

Nang makarating sa building, maraming mga tao na nakaabang sa labas. Pero kadalasan sa mga iyon ay may dalang camera's.

"Bababa kaba miss?" tanong ng driver.

"Manong, kasi..."

"May gagawin pa ako miss, kung pwede bumaba ka nalang po." asik nito.

Wala akong nagawa kundi bumaba sa taxi. "Hayst! Hindi man lang mapakiusapan." Inis kong saad nang makaalis ito.

Napaangat ang tingin ko sa building. Kung aakyat ako ngayon d'yan, paniguradong walang nakakilala sa'kin. Kaya pwedeng-pwede akong makapasok.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon