EPILOGUE

138 11 3
                                    

EPILOGUE

Dumating na ang araw na hinintay namin, nandito na kami ni Zyler sa Solana. Napapayag ko rin naman kasi siya, dahil sabi niya, as long as na tutupad ako sa usapan namin ay pwede kaming pumunta.

Bongga ang kasal nila Katya kaya marami ring pres ang pumunta. Mayaman din kasi si Adam kaya hindi na ako magtaka kung bakit bongga ang kanilang kasal.

"You may now, kiss the bride!" anunsyo ng pari.

Kilig na kilig akong nakatingin sa kanilang dalawa. Nang matapos ay pumesto na kaming lahat para sa ihahagis na bulaklak ni Katya na ako ang nakasalo.

"Kailan ang kasal, Skylar Perez?" mapangutyang tanong ni Katya. Kung kanina ay ang ikinasal ang pinagtutuunan ng pansin, ngayon naman ay kami na. Plus simahan pa ng nagkikislapang mga camera.

Tago pa ang relasyon namin ni Zyler kaya wala pang dapat na makaalam.

Tiningnan ko sa mata si Zyler at laking gulat ko nang hinapit niya ako papunta sa kanya at hinalikan.

"Next year," bulong niya sa'kin.

"Anong ginagawa mo, Zyler?" pabulong ko ring saad sa kanya.

"Gusto ko lang ipaalam sa lahat na may nagmamay-ari na sayo, at ako 'yon." bulong niya bago ibinaling ang paningin sa pres, at ang iba ay hindi na napigilang lumapit sa'min para mag-interview.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw namin, matamis ang binigay na ngiti ni Katya sa'min bago sumakay sa kotse nila.

"Paano niyo po ipaliwanag ang nakita namin kanina, Sir Aaron Zy Aldiezar?"

"Ang ibig sabihin ba roon ay may magaganap na kasal sa inyo?"

"Paano naman ang inaakala ng lahat na may relasyon pa kayo ng sikat na model/actress na si Coreen Bartolome?"

"Ano po ba ang exact status niyong dalawa?"

Sunod-sunod na tanong ng mga reporters, hinawakan ako sa kamay ni Zyler. At nang mag-angat ako sa kanya ng tingin ay hinalikan niya ulit ako sa labi. Tulala at hindi makagalaw, tanging boses lang ni Zyler ang narinig ko.

"She's my girl and soon to be my wife. That's it, I hope you get what I mean right away." saad ni Zyler bago niya ako hinila palabas sa nagkukumpulang reporters.

LUMIPAS ang ilang buwan, mas lalong naging busy pa si Zyler. Mas maraming project ang kaniyang ginagawa. Ang sinulat kong story na Meet In The Web ay pumatok naman iyon at ginawan ng movie na ang mag-portray rin ay si Zyler, ngunit ang babaeng gaganap ay si Coreen. Pero wala naman ng problema roon dahil nalaman ko ring nagkabalikan na si Tristan at Coreen. Talagang mahal pa ni Coreen si Tristan kaya pala ang sungit sungit niya sa'kin no'ng pinaselos siya ni Tristan.

Halos araw-araw rin ay may interview ako dahil sa mga pinapalabas kong mga books na ang daming na ho-hookt. Kaya umalis ako sa kompanya ni Aez. Pansamantala lang din naman ang pagpasok ko roon.

At ngayong araw na 'to ang pinaka-nakakakaba sa buong buhay ko. Gaya nga ng napag-usapan namin ng mga magulang ni Zyler ay ang magmeeting kasama ang family ko.

"Zyler, kinakabaha ako," nanlamig ang kamay ko at hindi ko maintindihan kung ano ang pakiramdam na 'to.

"Skylar, just chill and relax, okay? Hindi naman nangangagat sila mommy," he chuckled.

Naka-upo kami sa parehabang mesa. Tanging hinihintay nalang namin ang pagdating ng mga magulang namin.

Unang dumating sila mama at si Gwy, hindi nakasama si Kuya dahil bumalik naman na ito sa ibang bansa. Mapangutyang tiningnan ako ni Gwy at tiningnan rin niya si Zyler na animo'y pinagbabantaan na niya ang buhay nito.

"Kuya Zyler, ah! Kahit gan'yan 'yang kapatid ko, 'wag na 'wag kong mabalitaan na sinaktan mo sya, dahil ako ang makakalaban mo!" ani Gwy nang tuluyang makalapit sa'min. "Ate, congrats at sa wakas nagka-boyfriend ka na rin!" pabulong niyang anas.

"Tumigil ka nga, Gwy! Nakakahiya 'yang pinagsasabi mo!" namumulang saad ko. Nang napatingin ako kay Zyler ay nagpipigil na rin sya ng tawa. Argh! Pinagtutulungan ba nila ako?

"Good evening po, Tito/Tita," bati ni Zyler kila mama.

"Good evening, Hijo!"

Hindi pa man tuluyang nakaupo sila mama ay syang pagdating ng dalawang kasing tanda lang nila mama at papa. Naging familiar na rin ang kanilang mukha sa'kin kaya ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko dahil sa kaba.

"G-good evening, T-tito/ T-tita," kinakabahan kong bati sa kanila.

"Hi mom, hi dad!" tanging sambit ni Zyler at nakipag-beso kaya 'yon nalang din ang ginawa ko.

Kasunod naman nila ang lalaking ubod ng gwapo, parang nakakita lang ako ng isang adonis. Huwaw!

"Hey bro!" saad ni Zyler.

Kaya pala, magkapatid pala, tsk!

Nagsimula na kaming kumain, nanatili lang akong nakatungo. Nakakahiya, first time ko 'to kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko, Hija." panimula ng mommy ni Zyler. "Noon pa man ay gustong gusto na naming pumunta agad dito sa pilipinas just to meet you personally at ipaayos ang kasal. You know, Hija, naging heart broken 'yang anak namin kaya nawalan kami saglit ng pag-asang magkaroon ng apo galing sa kanya," dugtong pa nito. "But now seeing you, two? Hindi talaga ako nagsising pinalayas ko ang anak ko at pinalipad papunta rito," kumikinang ang kanyang mata habang nagkwento.

"Mommy," saway ni Zyler sa ina.

"That's true, hija! Kaya nagpapasalamat talaga kaming nagkakilala kayo. Balita namin kaibigan ka ng pamangkin kong si Aez?"

"O-opo, T-tito."

"Good to know that, na-kwento ka na rin sa'min ni Aez," bumaling si Tito kela mommy. "Ang bait at ang ganda ng anak niyo, kumpare!" puri nito.

Shemms! Nahiya naman ako!

"HAHAHA mabait talaga 'yang anak namin kumpare, kahit gan'yan lang 'yan, ang laki ng naitulong sa pamilya namin 'yan." si mama ang sumagot.

Nagtuloy-tuloy pa ng usapan nila at humaba pa ng humaba. Busog na ako kaya uminom ako at para na rin maiwasan ang kabang naramdaman.

"So, kailan ang takda ng kasal para mapag-usapan na rin kung saan i-held ang kasal ng mga anak natin?" muntik ko ng maibuga ang tubig nang magsalita ang mommy ni Zyler. "Zyler?" tawag nito sa anak.

"Next year," walang pagdadalawang isip na sagot ni Zyler na sinabayan ko rin ng pagtango.

Nang sa wakas ay natapos ang mahabang pag-uusap ay lumabas kami ni Zyler. Umupo sa gilid ng bench dito sa labas alng restaurant na ni-rentahan ni Zyler ngayong gabi para sa family dinner. Busy pa rin sila sa pag-uusap tungkol sa apo na ibibigay namin ni Zyler, wiling-wili naman sila mama sa naging usapan.

"The fresh air, isn't it?" panimula ni Zyler. Tumango naman ako sa kanya.

Hinubad niya ang kanyang jacket at ipinatong sa may balikat ko saka umupo sa may tabi ko, inihilig din niya ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Want to know what my first impression of you was?" tango lang ang sinagot ko sa kanya. "Talkative, arrogant and quarrelsome. But when did I get to know you well? And when we were together in your province, I found out that from the very beginning I was attracted to you. I love you, Skylar Perez-Aldiezar." saad niya. Napangiti naman ako sa narinig, ang ganda lang sa pandinig no'ng karugtong ng surname ko.

"Sa'kin naman? First impression ko sa'yo ay pogi ka sana, masungit naman! At 'di ko inasahan na ang isang tulad mo ang magparamdam ulit sa'kin ng pagmamahal."

"Nagsisi ka?" nakanguso niyang tanong.

"Syempre hindi! Kaya nga mahal na mahal kita, e! I love you, more and more, my Aldiezar!" inangat ko ang tingin sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi. Akmang bibitaw na'ko nang mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya at pinalalim ang halik.

                  

                      THE END

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon