Chapter 5
"Good morning!" masigla kong bati sa mga maids nila Aez dito sa mansyon.
Dala-dala ang lugaw na niluto ko kanina ay naglakas loob akong naglakad patungo sa kwarto ni Aez.
"What are you doing here, Sky?" malamig na saad ni Zyler. Para namang bahay niya 'to kung makaharang. Sarap ibuhos sa kanya ang lugaw na dala ko.
"Syempre, para bisitahin ang nilalagnat na si Aez, tumabi ka nga d'yan!" asik ko sa kanya.
"Didn't you really understand what I told you, Skylar?" nakapamulsa nitong saad, matangkad ito kaya kailangan ko pang iangat ang tingin sa kanya.
"Ano naman sa'yo kung patuloy kong bisitahin si Aez? Para sabihin ko sa'yo, Zyler. Magkaibigan kami kaya dapat lang na bisitahin at kumustahin ko siya." sagot ko rito.
Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga, "you're really a hardheaded woman. Stupid!" saad nito bago naglakad pababa.
"May saltik ka talaga!" sigaw ko rin sa kanya.
Akmang papasok na ako sa kwarto ni Aez nang mapansin ang kanyang secretary na aligagang lumabas galing sa kwarto nito.
"Jashlia, may nangyari ba? Bakit namumula ang pisnge mo?" hinarangan ko siya at sinuri ang kanyang mukha.
"W-wala po. a-aalis na po ako, o-okay naman na po si Sir." saad nito nang hindi makatingin sa mata ko. Namumula parin ang kanyang mukha at tsaka mabilis na naglakad papalayo.
"Anyari sa mga tao dito? Nahawaan na yata ng ka-demonyohan ng Zyler na 'yan." bulong ko at tsaka tuluyang pumasok sa loob.
Nadatnan ko si Aez na nakasandal sa headboard ng kanyang kama. Ibinalik ko rin sa pagsara ang pinto at inilapag ang lugaw at wallet sa mesa.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Aez? Masakit pa ba ang ulo mo? Teka, anong nangyari sa secretary mo? Namumula kasi ang pisnge kanina," hinipo ko ang kanyang noo. "Hindi ka na masyadong mainit, kainin mo 'tong dala ko." pagpatuloy ko.
Ngunit nanatili lang itong tahimik na para bang may pinasan na malaking krus.
"Hindi ka parin nakapag-move on kay Jasmine?"
"Skylar, sa tingin ko, hindi pa man nag-one month kaming nagkahiwalay ni Jasmine... N-nagkasala na ako sa kanya," mahina niyang saad.
Agad akong napatakip sa aking bibig habang nanlaki ang mata. "'wag mong sabihin na nambabae ka na?"
Naalala ko pa naman 'yong sinabi ni Jasmine na bantayan ko si Aez, pero paano ko pa pipigilan 'to kung ganitong hindi pa nag isang buwan, nagkasala na? Argh! Ako talaga ang mababaliw sa mga taong nakapaligid sa'kin!
"It's not like that, Sky. I just hate myself anymore."
"Haysst, kumain ka na ngalang, Aez. Kung ano-anu na ang iniisip mo. Na-love sick ka lang, nababaliw kana rin. Pareho kayo ng secretary mong--"
"'wag mo ng isama ang pangalan ng babaeng 'yon, I don't want to hear her name." saad nito at nagsimula nang kumain.
Bumuntong hininga nalang ako at tinapik ang kanyang balikat. "Magpagaling kana CEO, Aldiezar's Company is waiting for you," asik ko. "Aalis na ako, tawagan mo lang ang secretary mo kung may kailangan ka. Hindi ako free ngayong araw kaya siya na muna ang guluhin mo." dugtong ko bago tuluyang umalis sa kanyang kwarto.
Hindi pa man ako tuluyang nakalabas sa mansyon ay kaagad nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha sa bag, 'yong isang cellphone kasi ang tumunog at hindi ko pa man nakita ang caller, alam ko na kaagad kung sino 'yon.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...