Chapter Two

115 14 3
                                    

Chapter 2

Ding dong! Ding dong! Ding dong!

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag-door bell ng kung sino. Kinusot ko pa ang mata ko bago binuksan ang pinto.

"Ano naman ang kailangan mo? Ki-aga-aga nambulabog ka!" sigaw ko nang 'di tiningnan ang nag-door bell. "A-aray!" napahawak ako sa aking noo nang pinitik niya ito.

"Aez, ba't ang aga mong nambulabog? Gusto ko pang matulog--" hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko nang bigla itong pumasok sa loob. Kasama ang lalaking demonyo, hindi man lang nahiya sa kanyang ginawa last week! Kapal ng mukha talaga.

"Serve us, Sky!" utos ni Aez.

"Magluto ka kung gusto mo, hindi pa nga ako nag-almusal tapos kayo basta-basta nalang mang-utos?"

"Isa akong CEO, remember?" Pang-aasar ni Aez sa'kin na ikinanlumo ko.

Dati rati hindi naman siya ganyan, tapos naging CEO lang ang lakas ng loob na utusan ako.

"Sa office mo lang ikaw CEO, Aez. Bahay ko 'to, kaya 'wag mo akong mautusan."

"What's these kind of thing?" agad akong napalingon sa boses ni Zyler na mababakas ang pandidiri habang inangat ang pula kong panty gamit ang kanyang hintuturo.

"Manyak! Ibaba mo 'yan, hayop!" sigaw ko at walang pasabing tinakbo ko ang pagitan namin.

"Pfft," dinig kong tawa ni Aez. Sinamaan ko siya ng tingin nang makuha ko ang panty ko kay Zyler.

"Pwede ba, umuwi na kayo sa bahay niyo. Kundi, pumunta na kayo sa office niyo, wala akong oras para makipag-asaran sa inyo." asar kong saad. Akmang papasok ako sa kwarto nang magsalita ulit si Zyler.

"You forgot to bring this," saad niya, nang tingnan ko iyon ay ang bra ko naman ang hawak niya.

Hinablot ko kaagad iyon sa kanya, "'Wag mo ngang pakialaman ang gamit ko! Lumayas na kayo dito, ginulo niyo lang ang tahimik kong condo!" padabog kong sinara ang kwarto.

Magpinsan nga talaga sila, ang hilig mang-asar. Alam na alam kung paano ako inisin.

Saglit akong naligo at nagbihis, nang matapos ay kinuha ko sa kama ang laptop. Balak kong magsulat ngayon dahil nitong nakaraan, 'di ako masyadong nakapagsulat dahil nawi-wili ako sa website.

Gulat ang rumehestro sa mukha ko nang makitang nasa hapag na si Aez habang kumakain, si Zyler naman ay walang reaksyon ang mukha habang prenteng naka-upo.

"Ano pa ang ginawa nyo dito?" taas kilay kong tanong.

"Kumakain," sagot ni Aez.

"Tsk! Tsk! Tsk! CEO ka ba talaga, Aez? Sa pormahan mong 'yan, para kang isang patay gutom na nangangailangan ng ayuda." dismayado kong saad. Binalingan ko ng tingin si Zyler na blanko ang kanyang mukha, parang walang paki-alam sa paligid. "At ikaw--"

"Zip your mouth, I don't need your stupid opinion." malamig nitong saad. Ang suplado talaga, nakikituloy na nga ganyan pa niya tratuhin ang may-ari ng bahay.

"I don't care din, tabi nga d'yan!"

"Tss," asik niya bago tumayo, "just tell her right away bro kung ano ang pakay natin, hindi ako makakatagal sa ganitong klase ng lugar." maarte nitong anas.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon