Chapter Twenty-three

71 7 0
                                    

Chapter 23

Matapos naming kumain, matagal pa kaming nag-usap ni Katya. Kung kanina ay nasa sala lang kami, ngayon naman ay nandito na kami sa kwarto. Nag-relax pa talaga ako at pinahilot ko sa kanya ang namamanhid kong katawan.

Kasalanan naman niya kung bakit nangyari 'to sa'kin, e. Kaya dapat lang na gagawin niya 'to sa'kin.

Nang matapos ay bumaba na rin kami, alas singko na ng hapon at kailangan pa naming umalis. Bukas na ang b'yahe namin pabalik ng maynila kaya dapat talagang nando'n na kami ngayon sa bahay para mag-impake.

"Skylar, 'di na ba talaga kita mapigilan?" nakangusong saad ni Katya.

Umiling ako sa kanya. "Kat, medyo matagal-tagal rin ang naging bakasyon namin. At may problema pa kaming haharapin bukas sa maynila. Kailangan naming malinis ang pangalan na 'yon bago pa tuluyang lumaki ang issue," malungkot kong turan.

Napatango naman siya. Sinabi ko na rin kasi sa kanya kung ano ang mga nangyayari kaya naintindihan niya rin ang sitwasyon ko ngayon. Kailangan niyang intindihin.

"Ang daya-daya mo kasi, 'e. Mag one month ka na pala dito sa Solana, pero 'di mo man lang naisipang dalawin ako."

"Sorry na, Kat,"

"Babe, let them be. It's already 5 in the afternoon. Magb-bike pa sila baka magabihan pa sila masyado." saad ni Adam.

"Sige na nga! Mag-ingat kayo, ah! 'wah niyong kalimutang pumunta sa kasal namin, ha!"

"Oo na, aalis na kami." pero bago pa tuluyang makaalis, binalingan ko pa ng tingin si Adam. "Ikaw ah! 'wag kong malaman-laman na niloko mo 'tong kaibigan ko, dahil 'pag nagkataon na hindi mangyari ang inaasahan kong kasal niyo, magtago ka nalang talaga sa palda ng nanay mo!" dinuro ko pa siya, pero nang matapos ay ngumiti na rin ako. "Concern lang ako sa kaibigan ko, pero congrats sa inyo ah!"

"Thank you, And you can count on me not to fool your friend." aniya at inakbayan pa si Katya.

"Sige, aalis na kami, Kat---"

"At ikaw sir Zyler," tawag pa niya kay Zyler. Tiningnan ko naman si Zyler na ngayon ay nakakunot ang noo. "'wag ko ring marinig na umiyak 'tong kaibigan ko dahil sa'yo, ah! Dahil babayagan talaga kita! Sige na, umalis na kayo bago ko pa man tuluyang pigilan kayong umalis!"

"Tara na Zyler, 'wag mo ng intindihin---"

"I will," sagot niya kay Katya. At ang loka-loka, kinilig na naman! Ang liit lang talaga ng kasiyahan nitong babaeng 'to.

Nang tuluyan na kaming makaalis sa kanilang bahay, naakap naman ako kay Zyler. Mabilis na ang kanyang pag-pedal dahil paniguradong mas lalo kaming magagabihan ngayon sa daan.

"We're leaving tomorrow, what's your plan?" tanong niya sa kalagitnaan ng b'yahe.

"mag-impake ako ngayon, and then,"

"Sasabay ka ba sakin? Well, the answer is yes! Kailangan naman talagang sasabay ka sa'kin bukas."

"Baliw! Sariling tanong, sariling sagot. Tch!" Mas hinigpitan ko ang aking hawak sa kanya. "Sige, sabay na tayo bukas. Ahm, dadaan pa ba tayo sa building para nagpaalam ka?"

"Yeah, I think. Pwede ring hintayin mo nalang ako sa airport. Darating ako sa oras." aniya.

Kung kahapon ay may inis pa akong naramdaman sa kanya, ngayon naman ay tuluyan ng gumaan ang loob ko sa kanya.

Kung magpakilala na kaya ako sa kanya bilang Abigail? Pero paano naman kung mahal pa niya 'yong ex niya?

Tch! 'diba nga sabi niya may nagustuhan na siya? At ang malala ngayon, dalawang babae pa!

Nang makarating sa bahay, kaagad na kaming pumasok. Nadatnan namin sila mama at gwy na hila-hila ang dalawang maleta. Habang si papa naman ay nakaupo sa may sofa.

"Pinag-impake niyo 'ko, mama?" nakangiti kong turan.

"Yes ate, bukas na ang alis niyo pero ngayon pa kayo naka-uwi kaya naisipan naming ipag-impake ka na." sagot ni Gwy. "At susunod din ako sa maynila 'pag nag-graduate na ako this next week." aniya na tinanguan ko naman.

"Congrats, Gwy! Ang galing naman ng kapatid ko, college na sa susunod na pasukan!" nakangiti kong saad. "Ipagpatuloy mo 'yang pag-aaral mo Gwy, 'wag kang tumulad sa'kin---"

"Yes, I will ate! Haysst, kakarating mo lang pero kumuda kana naman. Sige na, mag beauty rest pa ako at bukas 'di ako siguradong magising ako ng maaga para ihatid kayo, ate. Take care to your trip nalang," asik niya. Humikab pa siya bago tuluyang umakyat papunta sa kanyang kwarto.

"Hindi na ba kakain si Gwy, ma?" takang tanong ko kay mama.

"Kakatapos lang naming kumain, oh s'ya! Kumain na rin kayo, hijo. At pagkatapos magpahinga na rin kayo para may energy kayo bukas sa b'yahe."

Gaya nga ng sinabi ni mama, kaagad na kaming pumunta sa kusina at nagsimula ng kumain. Ang dami kong nakain sa bahay nila Katya, tapos pagdating dito sa bahay sobrang dami pa rin. Pero, I wonder kung bakit hindi pa rin ako tumaba.

"Goodnight, Skylar Perez." ani Zyler nang nasa bungad na ako ng pinto ng aking kwarto.

Trip talaga niyang tawagin ako sa buo kong pangalan, 'e. Binalingan ko naman siya ng tingin at ngumiti sa kanya.

"Goodnight, Zyler."

"Go to bed early so you can wake up early tomorrow. Maaga ang b'yahe natin bukas, 'wag mong kalimutan."

Tumango ako sa kanya. "Yeah, sige na, goodnight."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at kaagad na akong pumasok sa loob.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Gosh! Sana sa pangalawang beses na pagtibok nito ay hindi na ako makaranas ng masaktan. Sana sa pagkakataon na 'to hindi na maulit ang dati na sobra ang epekto sa'kin.

Saglit akong nag-half bath at nang matapos ay sumalampak na ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone at nipindot ang number ni Aaron para i-message. Ipagpatuloy ko pa kaya ang pagpapanggap? O ibuking ko na ang sarili ko sa kanya?

Hindi ko namalayan ang sariling nagtype na ako at agad na ni-send sa kanya.

To: Aaron

Goodnight, sleep tight!

sent 8:12pm

Matapos kong ma-sent, kaagad kong nabitawan ang cellphone sa may dibdib ko.

Ibig sabihin nito, pinagpatuloy ko ang pagpanggap. Sana. . . sana kapag dumating ang araw na kinakatukutan ko ay mapapatawad pa rin niya ako.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon