Chapter 28
"I like you, Skylar. I-i think, I like you," 'yan ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.
Paano ako maniwala sa kanya gayong alam ko kung paano siya maglaro? Isang malaking kasinungalingan na magustuhan niya ako sa maikling panahon naming pagsasama. Isang Aldiezar na magkagusto sa isang tulad ko? Imposible.
Para akong statwa na hindi makagalaw, gusto ko siyang itulak, gusto ko siyang pigilan sa kanyang ginagawa. Ngunit wala akong lakas para gawin ang lahat ng gusto ko. Parang sa isang iglap, nanghina ako ng tuluyan.
"B-babe, a-are you really falling Inlove with that girl? A-are you kidding me?" wala sa oras na itinulak ko si Zyler.
Pareho kaming napahiwalay sa isa't isa nang marinig ang boses ni Coreen na ngayon ay tuloy-tuloy na sa pagdaloy sa kanyang pisnge ang kanyang luha.
"Y-your unbelievable, Zyler! A-akala ko may mapapala pa ako. A-akala ko sa paglaban ko sa pagmamahalan nating dalawa ay may mapapala ako, a-akala ko ang suyuin ka kahit na mahirap ay may babalik pa sa'kin." napasinghap siya at pinahiran ang kanyang pisnge. "Akala ko lang pala ang lahat, i-im sorry for disturbing you two, a-aalis na ako." asik niya at patakbong lumabas sa loob.
Isa sa naging dahilan kung bakit hindi ko magawang bawiin si Tristan sa kanya, dahil sa kanyang pagiging mahinhin. Hindi ko kayang saktan ang isang tulad niyang alam kong walang laban.
Napatawa ako ng pagak at naghilamos. "Ang tanga ko," tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nando'n pa rin si Zyler sa kung saan siya kanina. "Muntik mo na akong napaniwala ro'n, Zyler! Sabi ko na nga ba, e! Bakit ba hindi ko kaagad nakuha na nagbibiro ka lang? Sana sinabi mo kaagad sa'kin para naman masabayan kita," mahaba kong litanya.
"Skylar,"
"No need to say sorry, Zyler." kagat labing sunod-sunod ko siyang tinanguan. "Alam ko na ang dapat kong gawin, hindi kita dapat ibuko." asik ko at iniwan siya sa loob.
Nang makalabas ay wala na sila Chloe sa mesa namin kanina. Kinuha ko ang bag ni Chloe, nawalan na ako ng gana para ipagpatuloy ang party na sinasabi ko. Dalhin ko nalang si Chloe papunta sa kanilang bahay. Ayaw kong makita si Tristan doon, kaya sa mansion nalang nila Chloe na muna ako matulog ngayong gabi.
LUMIPAS ang ilang araw, naging mabuti na ulit kami ni Zyler. Nagtatrabaho na rin ako sa companya ng mga Aldiezar. Nabalitaan na rin ng mga reporters na nakabalik na kami rito sa Maynila, ang noon ay pinagkaguluhan kami ay ngayon ay unti-unti ng nawala. Naging model rin si Zyler sa companya nila Aez. Sa isang madaling panahon, ang noo'y sikat na companya ng mga Aldiezar ay mas lalo pang sumikat. Marami na ring nag endorse sa Aldiezar's Company galing sa iba't ibang bansa.
Masaya ako sa naging outcome, sikat si Zyler pero mas naging sikat pa siya nang naging kapartner niya si Coreen Bartolome sa pagiging model. At higit pa roon, ay may sarili pa silang movie na gagawin. Ang isa sa naging dahilan kung bakit ako nagtatrabaho? Simple lang naman, gusto ko lang makita si Zyler. Ewan ba, pero mas gusto kong sinasaktan ang sarili ko.
Simula no'ng gabing akala ko ay totoo na ang lahat ay hindi na binanggit ni Zyler ang tungkol doon. Si Coreen naman ay akala ko lalayo na siya, ngunit mas lalong inilapit niya ang sarili kay Zyler. Sikat siya sa pinanggalingang bansa kaya isang hiling lang niya na isa siya sa mag-endores bilang isang model at maka-partner pa nito si Zyler ay kaagad itong pinayagan.
Ang tanging masasabi ko lang, ang unfair ng mundo sa'kin, psh!
"Hey!" kaagad akong napabalik sa wisyo nang pumasok si Aez dito sa office ko.
"Aez, ba't naparito ka?" kunot noo kong tanong. "May importante ka bang sasabihin?
"Sabay na tayong mag-lunch nila Zyler ngayon." anunsyo niya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"May bago kasi tayong kasamahan, let's go?" saad niya kaya kaagad na akong tumayo at hinanda ang sarili para sa lunch na magaganap.
Gaya ng sinabi ni Aez, dito kami sa isa sa pinakasikat na restaurant kumain. Pagdating namin kanina ay nando'n na si Jashlia, siya ang nagpa-reserve sa lahat ng pagkain na nasa mesa ngayon.
"Hi, Jashlia!" masaya kong tawag sa kanyang pangalan.
"Ms. Perez," pormal nitong saad. Lumapit ako sa kanya at nakipag-beso.
Agad ring naghihiyawan ang mga kababaihan sa labas, nang tingnan ko iyon ay sina Zyler at Coreen ang magkasabay na bumaba sa kotse. Blanko ang mukha ni Zyler, ngunit hindi pa rin mawala sa kanya ang pagiging pogi sa harapan ng lahat.
Nang makalapit na sila sa'min at unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi, akmang uupo na ako nang biglang nagsalita si Aez.
"He's here," asik niya dahilan para mapalingon kaming lahat sa may likuran.
"T-tristan?" hindi makapaniwala kong tanong. At hindi ko rin maiwasang hindi tingnan ang kung ano ang reacksyon ni Coreen, gayong magkasama kaming tatlo.
Kitang-kita ko rin ang gulat sa mata ni Tristan nang makita niya si Coreen.
"Coreen Bartolome, y-your back?" sa isang iglap, bumalik ang Tristan na kilala ko. Ang ipagpalit ang kanyang kaibigan para lang kay Coreen.
"Okay, let's eat!" anunsyo ni Aez.
Magkatabi sila ni Jashlia, ngunit kaming apat ay nakatayo pa rin.
Hindi ko alam kung masaya ba ako na nagkita sila, pero nang tingnan ko si Zyler, nagtangis ang kanyang bagang habang nakatingin kay Tristan. Galit siya? Nagselos ba siya dahil kilala ni Tristan si Coreen? Paano nalang kung malaman pa nitong naging ex din ni Coreen si Tristan?
"T-tristan, what are you doing here?" pabulong na tanong ni Coreen, sakto lang para marinig naming apat.
"I'm here for my girl," saad ni Tristan at sa'kin nakatuon ang paningin.
Kumunot ang aking noo. Another kasinungalingan na naman. Napapikit ako at hindi makapaniwalang tingnan si Tristan. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong.
"Your already here, Skylar. Did I keep you waiting long? Sorry if I took too long, let's eat?" ani Tristan at lumapit pa sa'kin.
Walang ni-isang salita na lumabas sa aking bibig. Nagpatianod lang ako sa gusto ni Tristan at hindi na umalma.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...
![Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/263770815-64-k844986.jpg)