Chapter 12
"Ma'am, sumunod ka nalang daw po kay Sir. Nasa balkonahe lang po siya," saad ni Shane. "May tatawagan lang po daw muna siya." dagdag nito.
Tumango ako sa kanya. "Sige, salamat." asik ko.
Pumunta muna ako ng sink at naghugas ng kamay nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Shane kanina, busy pa rin naman siya sa pagpunas ng mesa. Saglit kong pinunasan ang aking kamay at kinuha ang phone sa bulsa.
Kumunot ang noo ko nang makitang si Aaron ang caller. Tsk! Ang isang phone pala ang nakuha ko kanina.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
Pumunta rin akong balkonahe, medyo matagal-tagal rin kasing hindi kami nag-tawagan ni Aaron. Na-miss ko na rin ang mga sweet gestures nya.
["Hello, baby!"]
"Y-yes?" naiilang kong sagot.
Parang pakiramdam ko kasi nang tumagal ay parang naging magkapareho na sila ng boses ni Zyler.
["Bakit ganyan ang boses ng baby ko?"] asik nito na ikinangiti ko. Alam na alam na talaga niya kung paano ibalik ang mood ko.
"Wala naman," nagpakawala ako ng isang buntong hininga. "Kumusta ka na, Aaron. Antagal mong hindi nagparamdam sa'kin, ah!" may pagtatampong saad ko.
["Did you miss me, huh!"] pang-aasar nito.
Pakiramdam ko namumula na ako ngayon dahil sa init ng aking mukha.
"K-kasi naman..."
["It's okay, Abigail. Normal lang naman na mamimiss mo ako, 'cause I feel how you miss me. I miss you too, Abigail."] asik nito na ikinahinto ko.
Ngunit hindi dahil sa sinabi niya, 'yon ay ang makita ang pigura ng lalaking nasa balkonahe habang nakatalikod sa kinaroroonan ko. Sa nakita ko ngayon, parang sa isang iglap ay sinagot ang mga katanungang nabuo sa aking isip nitong nakaraan.
["Hello, are you still there?"] asik nito sa kabilang linya.
Parang nanghina ang aking tuhod. Kilala ko na si Aaron, kilalang-kilala na.
"A-aaron?—"
["Yes? May problema ba, Abigail?"]
"N-no, wala naman. Paalam na muna."
Hindi pa man siya nakasagot ay kaagad ko na itong pinatay at nanatiling tiningnan si Zyler na bumalik na ulit sa kanyang pagkakaupo.
Nanaginip ba ako? Kung siya si Aaron, may magbabago rin kaya sa naramdaman ko? Bakit parang mas lalong bumigat ang aking pakiramdam?
"What are you staring at?" baling nito sa'kin habang may malawak na ngisi sa kanyang labi.
Alam kaya niya? Pinagtripan lang ba niya ako o sinabayan lang ang aking kabaliwan?
"Skylar, is there . . . Is there anything problem?" he asked.
Umiling ako. Lumapit na rin ako sa sofa at umupo.
Hintayin ko siyang magtagtapat ng totoo. Kung pinagtripan niya ako, p'wes, sasabayan ko siya hanggat sa aamin na siya.
"What do you want to talk about?" tanong niya.
"Tungkol sa ginawa mong kalukuhan, siguro kailangan na palipasin muna natin bago ka umamin tungkol sa ginawa mo. Bukas aalis ako, sana sa pagbalik ko magiging maayos na ang lahat, Zyler." diretsa kong saad.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomansaA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...