Chapter 30
"Dahil realidad na 'to, Zyler. Walang Abigail, walang Aaron, at lalong lalo na, wala 'yang naramdaman mo."
"Dahil realidad na 'to, Zyler. Walang Abigail, walang Aaron, at lalong lalo na, wala 'yang naramdaman mo."
Paulit-ulit kong narinig sa aking tenga. Kahit na umuulan, naglalakad pa rin ako habang patuloy na dumadaloy ang mga luhang sunod-sunod na nagsituluan. Parang nakiramay pa ang ulan na 'to sa naramdaman ko.
Wala na kong balak na sumakay ng taxi, kahit na giniginaw ay patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Mahal ko na rin si Zyler! Pero bakit 'di ko kayang sabihin sa kanya ang totoo?"
Dahil hindi kami bagay! Tama si Coreen, Zyler doesn't suit me. Nasa taas si Zyler, at ako? Nasa baba lang. Noon pa man, walang para sa'kin.
Sana pinanindigan ko na ang sarili ko na walang paki-alam sa mga pag-ibig na 'yan. Sana noon pa lang nilayo ko na ang sarili ko sa mga ganyan. Edi sana ngayon, hindi ako nasaktan ng ganito! Bakit ba kasi sa lahat ng tao, sa lalaking imposibleng maabot pa ako nagkagusto? Bakit sa lahat ng tao, bakit kay Zyler pa?
"Bakit sa'yo pa talaga, Zyler! Bakit!" sigaw ko.
"Because you are destined for me, Skylar Perez."
Malabo na ang paningin ko, ngunit kitang-kita ko si Zyler na papalapit sa'kin.
"Zyler, sinabi ko nang---" akmang ipagtabuyan ko ulit siya, ngunit kaagad na niya akong hinapit payakap sa kanya.
"Where are you scared, Skylar? Why are you all afraid to love me? Shouldn't I be loved, Skylar?" sunod-sunod nitong tanong habang nakayakap pa rin sa'kin. "Please Skylar, Let your heart be free to love me. Please?" iniharap niya ako sa kanya. "Bakit ba takot na takot kang magmahal, Skylar? Tell me para mailayo ko rin ang sarili ko sa'yo para hindi ka masaktan,"
"Dahil natatakot ulit akong mangyari ang nakaraan, Zyler! Natakot ako na baka maulit at ang huli ay ako na naman ang maiwan! Natakot ako na aabot ulit sa punto na ako lang ang masaktan at mag-move on, lahat kayo, nakakatakot kayong mahalin. Natakot ako na baka kinabukasan, masira ulit ang pangarap at buhay ko para lang sa letseng pagmamahal, Zyler! Natakot ako, sobrang takot,"
"I'm sorry. shh, I can't hurt you, Skylar. Let me show you what is real love." saad niya at muli akong niyakap.
Sa isang iglap ay parang nawala ang takot na naramdaman ko. Sa isang yakap lang niya ng mahigpit sa'kin, ay pakiramdam ko safe na safe na ang puso ko.
KINABUKASAN nagising akong masakit ang ulo. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, nandito pa rin naman ako sa kwarto. Hindi ko na rin maalala kung paano ako napunta at nakauwi rito sa condo matapos naming mag-usap ni Zyler kagabi. Pinasakay niya rin ako sa kanyang kotse kaya kaagad na akong hinila ng antok kahit basang-basa na.
"Oh my god! si Gwy!" bulalas ko at kinuha ang cellphone. Kahapon pala nakalimutan kong pupunta na siya dito sa condo! Paano na 'to ngayon?
"How are you, hindi ka na ba mainit? Kumusta ang pakiramdam mo?" biglang pumasok si Zyler sa kwarto dala-dala ang isang bowl na naglalaman ng soup.
"O-okay lang naman ako," bigla akong nahiya. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang pisnge ko. Talaga bang nasabi ko ang lahat ng 'yon kagabi? Gosh! Nakakahiya!
"You blushed again, Skylar Perez." inilapag niya sa maliit na mesa ang soup at tumabi sa'kin. "I was worried about you last night, baby." kinilabutan ako sa baby niya.
"Baby?" ngiwi kong tanong sa kanya.
"Yes, why?"
"Kasi naman, nakakakilabot 'yang baby,"
"Tch! Eat this soup that I cooked for you, so that you can also gain strength. Ang sakitin pala ng mapapangasawa ko, kailangan ko na yatang mag-gym lagi para may lakas ako para alagaan ka," saad niya.
"Pinagsasabi mo riyan?" namula kong asik sa kanya.
Nang makalabas siya ay kaagad ko namang sinunod ang sinabi niya, kumain naman ako.
Matapos ay biglang tumunog ang isa ko pang cellphone. agad namang nawala ang kaba ko nang makitang si Gwy 'yon. Nakahinga ako ng maluwag nang sinabi niya kung saan siya ngayon, at kela Glacelle lang din pala.
Nang makauwi si Gwy nagkasakit pa ito kaya sinisi ko ang sarili, pero kalaunan ay naging mabuti na rin ang kanyang pakiramdam.
Sa mga sumunod na araw, hindi na muna namin pinahalata, wala pang nakaalam maski isa sa relasyon namin ni Zyler. Naging mas sweet na rin si Zyler sa'kin kahit na nasa opisina kami, kitang-kita ko din kung paano manlisik ang mata ni Coreen. Minsan nakaramdam ako ng selos between them, pero nawala naman kaagad 'yon dahil sa pinaramdam ni Zyler sa'kin na ako lang talaga at wala ng iba.
Ang corny niya minsan, pero ang sweet! Parang paulit-ulit lang akong na-inlove kay Zyler.
"May nagpabigay sa'yo," saad ni Zyler at binigay sa'kin ang isang envelope. Kumunot naman ang noo ko bago ito binuksan. "Wedding invitation?" nanlaki ang matang sigaw ko.
Napatayo na rin ako dahil sa excitement na naramdaman.
"Wedding invitation? For whom?" kunot pa rin ang noong tanong ni Zyler.
"Hello! Napaka-makalimutin mo talaga, Zyler! Naalala mo si Katya Ramos?" tumango siya. "Yeah! Bukas papuntahin na nila tayo sa Solana Cagayan, para maghanda dahil in the next day, kasal na nila!" excited ko paring sabi. Ngunit napatigil naman ako nang makitang parang hindi siya masaya. "May problema ba, Zyler?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Dapat wala siyang problema ngayon, dahil gusto ko pa namang magkasama kaming pumunta sa kasal nila Katya at panuorin ang wedding bow nila sa isa't isa.
"Nope," saad niya. Ngunit kitang-kita ko pa rin ang pagtangis ng kanyang bagang.
"Wala raw, pero ano 'yan? Galit ka yata sa'kin, baby?" lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Walang pasabing hinalikan ko siya ng smack sa kanyang labi. "Please, sorry na kung may nagawa akong mali?"
"I'm just afraid that Tristan might be there too," aniya na tinanguan ko naman.
"Oo naman, nando'n talaga si Tristan dahil kababata rin namin siya ni Katya." walang ideyang sagot ko. "Bakit?"
"You don't really see it, Skylar Perez? I'm jealous of you, So when we go to their wedding, I have one condition that you must fulfill." deretso niyang saad.
Napangiti naman ako nang malaman ang kaniyang rason. Yumakap rin ako sa kanyang bewang, "sige, anong kondisyon 'yan?"
"Don't approach him if you don't want trouble in their marriage. I might even break that man's skull." nanggagalaiting wika niya.
Mas lalo akong napangiti at sunod-sunod na tumango. "Sige, simple lang naman pala." ewan, pero imbes na magalit sa kanya ay mas lalo akong kinilig. Nagselos siya, so it means, mahal niya talaga ako.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...