Chapter one

204 13 4
                                    

Chapter 1

Umagang kay aliwalas ng panahon, ito talaga ang hanap ko. Preskong hangin at tahimik na lugar. Kung saan, madali akong makakuha ng ideas para sa isusulat ko.

Yeah, im a writer, a 23 years old writer.

‘Skylar Perez at your service,’

Matapos ang pagmuni-muni na aking ginawa, agad na akong pumasok ulit sa condo na aking nerentehan. Tanging sereal lang ang kinain ko bago hinarap ulit ang computer para ipagpatuloy ang pagsulat.

Sa gitna ng pagtipa, biglang tumunog ang phone ko. Kahit na ayaw kong ma-disturbo ng kung sino, kinuha ko parin ito at sinagot.

"Hello?" bungad ko. Isinarado ko muna ang laptop.

"Sky, pwede ka bang pumunta dito sa coffee shop ngayon? May dapat tayong pag-usapan ngayon." boses ni Chloe sa kabilang linya.

"Chloe, alam mo naman siguro na busy ako sa mga oras na 'to, 'diba?"

"Oo. Pero still, maghintay parin ako." saad nito bago ako pinatayan ng linya.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. No choice kundi puntahan siya, paniguradong mabura lahat ng ideas na nasa isip ko mamaya. Panira talaga 'tong Chloe na 'to kahit kailan.

Gaya ng usapan namin, kita mula dito ang bruha na kumakain. Parang isang linggo lang na hindi kumain sa inasta niya.

"Sky!" kaway nito sa'kin.

Napairap ako sa kawalan bago siya nilapitan, umupo ako sa kanyang harapan.

"Anong pag-usapan natin?" panimula ko kaagad.

"Wait lang," kahit na kumakain ay kinuha niya parin ang kanyang cellphone sa kanyang bag at nagtipa ng kung ano bago ipinakita sa'kin.

"Oh, ano 'yan?"

"Hindi mo ba nabasa?" Busangot nitong saad. "Ipinakita ko na nga sa'yo ng harap-harapan, tinanong mo parin."

"Nabasa ko naman, pero what i mean is para saan 'yan at pinabasa mo sa'kin? Anong importante?" naguluhan kong saad.

Wala akong ka-idea-idea sa kung ano ang Omegle na pinakita niya sa'kin.

"Jusko, 'yan ang sikat ngayon, Sky. Mukhang ikaw nalang siguro ang nag-iisang tao dito sa mundo, except sa mga bagong silang na mga bata kung ano ang meron sa Omegle." pairap nitong saad. "Sulat ka ng sulat kaya wala ka ng alam kung ano ang mga pangyayari sa mundong iyong ginalawan."

"Straight to the point na, Chloe. Para saan 'yan at nang makauwi na ako," bagot kong saad.

Kung ano-anu nalang ang nasasagap nitong babaeng 'to.

"May chrome ka 'diba? Sikat na sikat 'to ngayon 'e, at syempre bago ko ipakilala si Omegle sa'yo, mag-expect kana na ni-try ko 'yan. At grabe girl, kahit sinong strangers na maka-chat mo ay pwede. At baka d'yan mo narin mahanap ang lalaking itinadhana sa'yo, kung hindi isang pinoy, baka nasa foreigner! Wahh!" Kilig na kilig ito habang ni-kwento ang tungkol sa Omegle daw.

"Chloe, alam mo naman na wala akong oras para sa mga ganyang bagay," asik ko rito. Napa-iling pa ako sa kabaliwan niya. "Kung gusto mo, ikaw nalang ang gumamit nyan baka mahanap mo ang lalaking nasa imagination mo." Itinaas ko ang kamay ko sa isang serbedora, lumapit naman ito sa'kin. "isang coffee. kahit ano nalang, si Chloe ang magbabayad,"

Hanggang sa makalabas kami ay bukambibig parin niya ang Omegle na sinasabi niya.

"Libre mo 'ko ng ice cream," saad ko.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon