Chapter Twenty-nine

68 7 0
                                    

Chapter 29

GABI na at kailangan ko pang tapusin ang lahat ng papeles na nandito sa aking mesa. Inaya na ako nila Aez at Jashlia na umuwi, ngunit mas minabuti kong umayaw na muna para bukas wala na akong ibang gagawin kundi ang bagong paparating na papeles na ulit. Hinintay pa sana ako ni Jashlia ngunit may nakalimutan pa si Aez kaya wala siyang nagawa kundi iwanan nalang ako.

"Kaya mo 'to, Skylar!" asik ko kahit na ramdam ko na ang antok. Ang bigat na rin ng talukap ng mata ko, parang ilang oras nalang babagsak na.

"May hinihintay kang lumabas, Skylar Perez?" kaagad kong inangat ang tingin ko kay Coreen. Nakahalukip-kip siya habang inilibot pa ang kanyang paningin sa loob ng office ko.

Sobrang nakafucos na ba talaga ako sa ginagawa para hindi ko mapansin ang pagpasok ni Coreen? O sadyang hindi lang siya kumatok?"

"Anong ginagawa ng isang Coreen Bartolome sa office ko?" hindi ko mapigilan ang magiging sarcastic sa kanyang harapan.

"Just want to check you, pa'no ba 'yan, aalis na kami ni Zyler, wala ka bang balak na umuwi?" mapangutya nitong saad.

Napailing nalang ako at ipinucos na ulit ang mata sa computer. "Umuwi na kayo kung gusto niyong umuwi. Hindi mo na kailangang ipaalam ang kung ano ang nangyari sa'yo sa loob ng isang araw." inangat ko ulit ang paningin sa kanya. "Besides, wala naman akong paki-alam sa kung ano ang gagawin mo." dagdag ko pa bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Totoo pala ang bali-balita noon tungkol sa'yo," napatawa pa siya. "Noong highschool pa tayo hindi ako naniwala na mang-aagaw ka at hayok sa atensyon, but now seeing you like that? Hindi na ako magtaka kung bakit ka nandyan sa kinauupuan mo ngayon," bakas sa kanyang boses ang pang-iinsulto ngunit hindi ko hinayaan ang sariling ibuhos ng pagod at inis sa kanya.

"Bakit mo inungkat ang nakaraan, Coreen? Bakit, nanghihinayang ka ba sa iniwan mo?" natatawa kong tanong sa kanya. In-off ko ang laptop at tumayo para pantayan siya. "Bakit mo pa kasi siya iniwan? Para sabihing biktima ka? At dahil sa pa-victim effect mo, ngayon, anong nangyari sa'yo? Ni-isa ay walang bumabalik sa'yo." kinuha ko ang bag. "Salamat sa pagpapaalala ha, anong oras na pala at kailangan ko pang puntahan si Tristan sa office niya, puntahan mo na rin si Zyler para sabay kayong umuwi." akmang tatalikod na ako nang bigla ulit siyang nagsalita.

"Bakit lahat ng gusto kong lalaki ay naging kaagaw kita, Skylar? Can you just find another one? Hindi ba pwedeng makibagay ka nalang? Zyler doesn't suit you anymore, lalo na si Tristan!"

"At ngayon nakikialam ka na sa buhay ko, Coreen?" humarap ako ulit sa kanya at patango-tango pa. "Ah, I knew it! Hindi keri ng ego mo na manalo ako sa'yo? Hindi mo kayang makita na ang isang Skylar Perez, hindi nakapagtapos ng pag-aaral, mahirap at hindi model ay natalo ang isang sikat na si Coreen Bartolome? Well, sorry Coreen, walang magagawa 'yang sinasabi mo." ngumisi pa ako sa kanya bago siya tuluyang iniwan sa opisina.

Kung noon ay nagawa niya akong lokuhin sa pagiging santa-santita niyang mukha, ngayon hindi na. Dahil unti-unti ng lumabas ang ugali niyang bulok. Matagal na rin kasi niyang tinatago kaya bulok na.

Ang totoo, hindi ko talaga kasama si Tristan. Nang makababa ng building ay hindi ko maiwasang hindi masaktan sa bawat eksenang pumasok sa isip ko. Wala ng taxi na dumaan kaya naglakad nalang ako, may nadaanan akong ice cream parlor. Mukhang uuwi na yata siya kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Manong, isang ice cream nga po," saad ko at inabot sa kanya ang pera.

"Ito hija, salamat."

"Maraming salamat din po manong,"

Nang makaalis na si Manong, umupo ako sa may ilalim ng puno at tinanaw ang naggagandang paligid. Preskong presko ang hangin, ang sarap sa pakiramdam.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at in-open iyon. Sunod-sunod naman itong tumunog, at isa lang naman ang may alam sa number ko, kundi si Aaron.

From: Aaron

Abigail, pwedeng magkita tayo? I just want to see you, and tell you something.

5:08

From: Aaron

I think I love you, Abigail. I can no longer lie about how I felt for you, and especially about what I was hiding.

5:11

From: Aaron

Abigail, please be mine. I love you, And I was afraid that the day would come when I would fall in love with another woman.

6:00

From: Aaron

Honestly, I’m already curious about how I feel right now. I think I’ve finally fallen for a woman. I hope, I hope you and that woman are one.

6:48

Isa-isa kong binasa at hindi ko mapigilan ang sariling hindi maluha. Unti-unti na ring nagsihulugan ang ice cream sa aking kamay.

Aaron Neumann, calling. . .

Kaagad na umakyat ang kaba sa aking dibdib. Pinalis ko ang luha sa aking pisnge.

Sasagutin ko ba 'to o hindi?

Akmang i-cancel ko 'yon ngunit sa 'di kalayuan ay may nakita akong bulto ng tao na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Please, answer it, Skylar. I really want to know if my long suspicion is true." saad ni Zyler sa 'di kalayuan.

Agad kong nabitawan ang cone ng ice cream. Balesa at hindi makagalaw, ngunit natagpuan ko nalang ang sariling sinagot ang tawag. Nanatili lang akong nakatingin sa kanyang mata pero naka-upo pa rin.

"Abigail, I love you, I miss you. And I think, I've always fallen for you. I miss your voice, I miss you, and I miss your arrogance." sunod-sunod niyang saad. Binitawan niya ang kanyang cellphone at sa akin na tinuon ang kanyang paningin. "Now that I know my suspicion is true, I think I fell for you even more, Skylar Perez. That feeling I can't name before, now I know. Right from the start, I fell for you, Skylar Perez. Even though I don't have Abigail in my life, I'm slowly falling for you."

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking pisnge, hindi ako kumibo. Kinuha ko ang bag at akmang aalis na ngunit kaagad din niya akong pinigilan.

"Wala kang sasabihin, Skylar?"

"Nagkataon lang ang lahat, Zyler. Nagkataon lang na tayo lang din ang nagkatagpo sa website, pero hanggang doon lang ang lahat. Hanggang website lang naramdaman mo at hindi mo 'yon madadala pati sa realidad. Kaya excuse me, uuwi na ako."

"Anong sa website lang ang lahat, Skylar? I love you even without Abigail, now, how can you say up to the website only I felt for you?"

Mataman ko siyang tiningnan sa mata na parang wala lang ang lahat. "Dahil realidad na 'to, Zyler. Walang Abigail, walang Aaron, at lalong lalo na, wala 'yang naramdaman mo."

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon