Chapter 6
Peep peep!
Bigla akong natauhan nang may humintong sasakyan sa harapan ko. Ibinaba nito ang salamin ng kanyang kotse bago kumaway.
"Wala ka bang balak sumakay?" taas kilay na tanong ni Chloe sa'kin.
I smirked. "Akala ko ba driver mo lang ang papuntahin mo?" I said before I hopped in her car.
"'yan lang ang bungad mo sa'kin? Wala bang kahit isang thank you lang dahil sa ginawa kong effort? Alam mo ba ang ginawa ko para lang mapuntahan ka dito, Sky?"
I just shrugged. "Nope. So ano ang mga ginawa mo na dapat kong ipagpasalamat?"
She shook in disbelief bago tuluyang binuhay ang makina. "Hindi mo talaga alam ang salitang effort, babaita ka! You know what, I'm in the middle of our meeting when you suddenly call at nang malaman ko kung anong nangyari sa'yo, pina-tigil ko 'yon at ipina-reschedule ko sa secretary ko ang kung kailan ulit kami mag-meeting."
"Sorry," I said and leaned my head back. I just want to rest all day at hindi na mag-isip ng kung ano-anu.
"Hindi 'yan ang gusto kong marinig mula sa'yo," she let out a heavy breath. "Nag-alala lang kasi ako sa'yo, Skylar. Kaya pwede ba sa susunod magdala ka na ng pera mo at 'wag mong iwan sa kung saan-saan. Ako ang mamatay sa pag-alala sa'yo, 'e."
"I just want to rest, Chloe. Pagod ako ngayon, pakiramdam ko, sasabog ang ulo ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko." I said and yawned. Feeling ko, mabibiyak ang ulo ko kahit anumang oras.
"Oh god! are you okay, Sky?" she touched my head. "May lagnat ka, Sky. Ang init mo, anong gagawin ko? Wait, may dala yata akong gamot." taranta nitong saad.
I lazily open my eyes nang ihinto nito ang sasakyan sa may tabi.
Taranta din itong hinalungkat ang mga gamit habang nanginginig ang kanyang kamay.
"What should I do now? Oh god, saan ko ba nilagay 'yon? Damn, paano ko—"
"Chloe, calm down. Hindi naman ako mamatay kaagad para mag-alala ka ng ganyan. Siguro kailangan ko lang talaga ng pahinga ngayon para mabalik ulit ang lakas ko. Kaya, pwede bang mag-drive ka nalang ulit?" malumanay kong saad. Medyo nabawasan naman ang pag-alala sa kanyang mukha tsaka tumango. "Just let me rest, Chloe. Gisingin mo lang ako pagdating sa condo." I said softly before finally closing my eyes. Sumabay pa ang sakit ng ulo ko sa antok dahilan para ang bilis kong hilahin ng antok.
"Sky?" I was immediately taken aback when I heard someone call my name. Pinunasan ko ang aking pisnge bago nginitian si Chloe.
"Andito na pala tayo," tumingin ako sa relos, I was surprised to see it was 11am. Halos mag-isang oras na pala akong tulog.
"Hindi na muna kita ginising, you need some rest kaya hinayaan na muna kitang matulog d'yan," pauna nitong sagot. "I cooked something for you, Sky. Kainin mo 'yon ah! Nag-effort pa naman ako do'n." She puoted. "Nga pala, sorry Sky, hindi kita masasamahan ngayon. May importante kasi akong puntahan."
"Okay lang, Chloe. Thank you sa pagpunta mo," I said as I still felt the weakness.
"Sure ka?"
"Yeah, sapat na ang oras na nilaan mo para sa'kin. Aakyat na 'ko, Chloe. Hindi ko na talaga kaya ang sakit ng ulo ko,"
"Sure kang okay ka lang—"
"Okay ako, ano ka ba!" hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Nagsimula na ako sa paglakad, ni-greet pa ako ni kuyang guard bago ako pumasok sa elevator.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomansaA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...