Chapter 9
Papasok palang ako sa building kung saan ang office ni Aez ay marami ng nakatingin sa'kin.
Ang iba ay ngumiti ang iba naman ay hindi. Naging fan sila sa pagmamahalan nina Jasmine at Aez noon kaya ang iba ay ako ang sinisisi na naghiwalay ang dalawa.
Kesyo naging third wheel daw ako, pero wala akong paki sa iisipin nilang lahat. Isa pa, bestfriend ko si Aez at wala akong masamang nakikita roon.
"Ma'am, saang floor po?" tanong ng elevator girl.
"50th floor." maikli kong saad.
Hindi naman na nagsalita pa ang babae at pinindot na nito ang floor na sinabi ko.
Nang bumukas ang elevator, agad na akong lumabas at tinungo ang office ni Aez.
"Good morning, ma'am Skylar." bati ng secretary ni Aez na tinanguan ko lang.
"Nandyan si Aez?"
"Wala po, nasa board meeting siya sa mga oras na 'to. Pero nandyan po sa loob si sir Zyler."
Agad kong naitaas ang isa kong kilay. "Ano raw ng ginagawa niya dito sa office ni Aez?"
"Wala po akong alam, mas mabuti pang kayo nalang po ang mag-usap."
"Hm, sige. Thank you," saad ko bago pumasok sa loob.
Nadatnan ko sa loob si Zyler na nakaupo sa swivel chair ni Aez. Nakatalikod ito sa'kin habang pinaikot-ikot ang ballpen sa kanyang daliri.
"What can I do for you, miss?" saad nito bago pinaikot paharap sa'kin ang upuan.
Napa-iling nalang ako sa pagiging childish side niya.
"Tsk! Kailan ba matapos si Aez sa meeting?" tanong ko rito nang makaupo ako sa visitors sit.
"Ano sa tingin mo?"
"Ikaw ang nandito kanina pa kaya ikaw na ang tinanong ko."
Nakakainis siya. Akala ko matapos ang gabing 'yon magiging mabait na siya sa'kin. Hindi parin pala.
"Do I look like that I'm secretary here, Skylar Perez?" napapikit ako sa pambabara niya sa'kin. "Look, I'm not Aez secretary. Kaya diko alam kung kailan at kung ano ang susunod niyang schedule."
"Don't mentioned my whole name, Aaron Zy Aldiezar, can you? Hearing from you those words is so gross." nandiring tiningnan ko siya.
The smile plastered on his face. "Okay then, madali naman akong kausap." tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa'kin na ikinanlaki ng aking mata. "Skylar Perez–Aldiezar." hinawakan niya ang aking baba at tiningnan ng masinsinan. "Happy now?"
"What's going on–oh! Oh! I'm sorry, lalabas nalang ulit ako."
Sabay kaming napatingin sa may pinto kung nasaan si Aez.
Kaagad kong itinulak si Zyler dahilan para mapaatras siya ng konti.
"Baliw ka ba! Paano nalang kung iba ang iisipin ng mokong mong pinsan! Paano mo 'to mapapaliwanag ha!"
Ngumisi lang naman ito, nainis na tumayo ako at agad siyang tinalikuran.
"Linisin mo ang pangalan ko sa utak ng pinsan mo, manyakis ka!" sigaw ko na hindi siya tiningnan.
Bago pa ako makalabas, hinawakan naman niya ang aking kamay at pinaharap sa kanya.
"Bakit 'di pa natin tuluyang gawin ang nasa isip ngayon ng pinsan ko," saad niya habang nakatuon ang kanyang paningin sa mata ko. Mahigpit parin ang kanyang paghawak sa'kin. "Para hindi na mali ang kanyang inisip sa ngayon." dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomansA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...