Chapter twenty

71 9 0
                                    

Chapter 20

Lumipas ang ilang oras pero hindi pa rin tumila ang ulan. Kelan kaya balak nitong tumigil 'no? Paano nalang kaya ngayon? Mukhang hindi yata ako makapunta kela Katya! My god!

"Ito, Skylar! Kumain na muna kayo ng hapunan. Dito na rin kayo matulog ngayong gabi." ani Aleng Nena habang hinanda ang magiging hapunan namin.

Nakakahiya nga sa kanya dahil dito pa talaga kami tumuloy, gayong kina Katya sana ang punta namin.

Napakunot ang aking noo nang makitang bihis na bihis si Aleng Nena. "May lakad po kayo, Aleng Nena?" takang tanong ko sa kanya.

"Ah, oo Hija! Manganganak na kasi ang manugang ko ngayon at walang mag-watcher sa kanya sa hospital."

"Malakas pa rin po ang ulan sa labas," takang sambit na rin ni Zyler na tinanguan ko naman.

"Ayos lang 'yan," kinuha niya ang kanyang bag sa may upuan. "Nagpapasalamat din talaga ako sa inyo dahil nandito kayo ngayon, Skylar. Kung wala kayo ngayon, baka hindi ko mapuntahan ang manugang kong 'yon dahil walang taong maiwan dito sa bahay."

"Ah-eh, ibig sabihin po---"

"Oo, kayo lang munang dalawa dito, Skylar. Kung matutulog kayo, may hinanda na akong iisang kwarto para sa inyo roon sa silid, alam mo na, mahirap lang kami kaya iisang kwarto lang ang pwede. Hindi naman pwede ang isa dito sa sala dahil butas butas na ang yero namin kaya magtiis nalang muna kayong magtabi ngayon. Isang gabi lang naman," asik niya. "Aalis na talaga ako, Skylar. 'wag niyo na akong hintayin bukas."

"P-pero," 'di ko na natuloy ang dapat ko pang sabihin nang hinawakan ni Zyler ang kamay ko.

"Take care, Aleng Nena." sabi ni Zyler kay Aleng Nena at nagpasalamat naman ito bago tuluyang lumabas.

Nakasout din si Aleng Nena ng raincoat at may dala pang payong. May sumundo rin kasi sa kanyang motor para maghatid sa kanya sa hospital sa kung saan nanganak ang kanyang manugang.

Pero bakit sa lahat ng oras, ngayon pa? At, takteng bagyo 'to! Kung pwede pa sanang umuwi ginawa ko na. Oo, medyo nagkamabutihan na kami ni Zyler, pero 'diko maisip-isip na magtabi kami ngayon.

"Zyler," naiilang kong saad.

Natapos na kaming kumain, natapos ko na ring hugasan ang pinggan na pinagkainan namin. Kaya heto kaming dalawa ngayon, nakatingin sa magiging higaan namin ngayong gabi.

"If you want, I can also sleep in---"

"Hindi. W-wala naman akong inisip ng kung ano, i-isang gabi lang naman 'to kaya ayos lang." sabi ko at inayos ang magiging higaan namin. "D'yan ka, dito ako." nang buklatin ko ang kumot ay maliit naman ito para sa'ming dalawa. Tapos 'yong banig naman, hindi kasya kung hindi kami magsiksikan ngayon. At ang letseng ulan nagpatuloy pa rin, at imbes na tumila ay palakas ng palakas na 'yon.

"Yeah, isang gabi lang 'to." ani Zyler, umupo siya sa may tabi ng banig. "But, how about this? Ang ginaw naman kung may mahiga sa sahig?" aniya't napatingin sa'kin. Kaagad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Alam ko naman na kasi 'yon. "Unless,"

"Okay na, basta tumalikod ka sa'kin, huh!"

"Ang ginaw ngayon, Skylar. Ayaw mo bang yakapin kita?" nakangising asar niya na kaagad ko siyang binato ng unan.

"Asa kang magpayakap ako sa'yo, Zyler! Tse, matulog na ng lang tayo!"

"Sige,"

Umupo na rin ako katabi sa kanya at sabay kaming humiga. Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang kisame.

"Hindi ko inaasahang maka-sleep over tayo rito ngayon," panimula ko sa usapan. Tanging lampara lang din ang nagbigay liwanag sa buong kwarto.

"Me too, pero dahil sa pagpunta natin dito ngayon we got along better with each other. And it's like I want to get to know you better, Skylar. I am amazed now at your personality, from what you have gone through you still remain strong," napatingin ako sa kanya. "If I were you, I wouldn't be able to do that."

"Bakit mo naman nasabing malakas ako, Zyler? Ang hina ko nga, dahil kaagad akong sumuko noon. Ang hina ko dahil 'di ko hinarap ang mga bagay-bagay na sana dati ko pa naayos," bumalik ulit ang tingin ko sa kisame. "Model ka Zyler, 'diba? Pero nagtaka ako kung bakit andito sa pilipinas," sinulyapan ko ulit siya. "Bakit nga ba?"

"Dahil sa girlfriend ko---no, I mean, ex girlfriend." asik niya.

"Bakit?" ewan ba, pero parang gusto kong malaman ang tungkol sa kanila.

"No'ng first meet natin, naalala mo pa?" tumango ako sa kanya. First meet namin na sobrang inis ako sa kanya. "Do'n sa bar 'yon, right? That time, we just broke up. I found out she was just as engaged. Gaya ng sa'yo, imbes na lumaban, iniwan ko siya ro'n."

"Nagsisi ka bang iniwan mo siya at hindi mo ipinaglaban ang pagmamahalan niyong dalawa?" malungkot kong tanong sa kanya.

"At first, but now, I think I have already moved on with her. Pero mas lalo akong naguluhan ngayon, parang pakiramdam ko, There are two women who have captured my heart. I don’t know, but I know in myself that I like them both." saad niya bago tiningnan ako sa mata. "Tell me, Skylar. How can I choose them, when I feel like I can't afford to lose one of them?"

Balisang tumingin ako sa kanyang mata. Paano ko sasagutin ang kanyang tanong kung hindi ko alam kung sino ang dalawang babae na tinutukoy niya? Pero bakit parang nasasaktan ako sa sinasabi niya? Hindi mawala sa isip ko kung sa dalawang babaeng 'yon, kasama ba ako---si Abigail pala. Dahil kung oo, matatanggap rin kaya niya kapag nakilala niya kung sino ang totoong Abigail? Magustuhan niya pa rin kaya kung malaman niya si Abigail at ako ay iisa?

"H-hindi ko alam ang sagot, Zyler." balisang sagot ko at iniwasan ang kanyang tingin.

"I'm sorry," he chuckled. "Let's sleep na, maaga pa tayong aalis bukas."

"Y-yeah, patayin ko na ba ang lampara?" tanong ko sa kanya.

"Sige."

Nang mapatay ko na ang lampara ay bumalik na ako sa paghiga. Kinumutan ko ang sarili at tumalikod sa kanya.

"Goodnight, Skylar." aniya sa may likuran ko, hindi man ako nakaharap sa kanya. Pero alam kong nakatingin siya sa'kin.

"G-goodnight, Zyler." nauutal kong saad sa kanya.

"Sigurado ka na ba?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Sigurado saan?"

"Na ayaw mong yakapin kita,"

"Tumigil ka nga riyan, Zyler! Baka sa labas pa kita papatulugin niyan!"

"Alright, goodnight!"

"Goodnight!" sagot ko sa kanya at tuluyan ng pinikit ang mata.

Kung pwede pa lang humiling ay ginawa ko na, pero pwede naman 'diba?

Sana. . . Sana ganito nalang kami lagi. Sana bumagal ang takbo ng oras para hanggang bukas, ganito pa rin kami.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon