Chapter Twenty-six

64 7 0
                                    

Chapter 26

Gaya ng napag-usapan namin, kinuha ko ang USB kay Chloe at pinuntahan ko ang bahay ng mga Merzandes. Taas noo akong pumasok sa kanilang gate, hindi sa hahanap ng gulo, ngunit personal na hingin ang kanilang pagpapatawad sa kaibigan ko dahil sa nagawa niya.

Magkasama kaming pumasok sa loob, nadatnan naman namin sa living room nila ang pamilya Merzandes, I think.

"H-hi po, g-good afternoon!" bati ko sa kanila.

Matatalim ang tingin ng mga tao kay Chloe, ngunit nanatiling nakayuko si Chloe at hindi magawang iangat ang kanyang ulo.

"Good afternoon, and please sit down!" maawtoridad na utos ng babaeng sa tingin ko ay iyon na ang mommy nila.

"S-salamat po," nang makaupo kami, hinawakan ko ang kamay ni Chloe. "Nandito po kami para personal na humingi ng tawad," tiningnan ko ang dalawang babaeng kambal na nakaupo sa may harap namin. "Ikaw po siguro si Xiarra Marie Merzandes?" tanong ko sa babaeng palaging nakairap.

'yong isang babae ay tahiming nakayuko lang at pinakinggan kami. "No, You are mistaken. I am Ziarra, I am not Xiarra!" maarte nitong saad.

"So, ikaw ba si Xia?" dahan-dahan niyang inangat ang kanyang tingin sakin. "Chloe," isang senyas ko kay Chloe ay kaagad naman itong humingi ng tawad. At lumuhod pa ito sa harapan ng mga Merzandes.

Tumayo ang mommy nila Xiarra, "Alam mo ba sa ginawang pagsira mo sa pagkatao ng anak ko ay pwede kitang ipakulong?" deretsang saad nito. "At sa pagpapahiya mo, sa lahat ng ginawa mo just a call and order from me to the police, they can pick you up and lock you up! Mukhang hindi ka babae sa ginawa mo, Hija! How could you do that to my daughter? Huh!" hindi mapigilan nitong sigaw dahilan para mas lalong humagulhol sa iyak si Chloe.

"S-sorry po Tita, kung ano man po ang gawin niyo ay tatanggapin ko po bilang kabayaran ng nagawa ko. P-patawarin niyo lang po ako,"

"Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa anak ko!" akmang lalapit ito ngunit kaagad na akong tumayo.

"Teka lang po, nandito po kami para personal na humingi po ng tawad sa inyo. Oo, tatanggapin ng kaibigan ko ang kung ano ang ipataw ng batas, pero maging fair naman po kayo. Dahil ba sa isang pagkakamaling 'yon ay 'di niyo na po kayang patawarin ang kaibigan ko? Hindi niyo rin po ba alam kung ano ang pinagdaanan niya para lang maharap kayo ulit? Ang pride na nilunok niya para lang makahingi siya ng tawad kay Xia, sa inyo?" mahaba kong litanya.

Tumayo naman ang nagngangalang Ziarra at kaagad na lumapit sa dad niya. "Who are you to talk like that to Mommy! You little, bitch!" sigaw niya.

Napangisi nalang ako. "Hindi rin pala kayo fair sa mga anak niyo, Isa lang ang palaging pinagtutuunan ng pansin. How about 'yong Isa? Ginawang aso at pinasunod sa lahat ng gusto niyo? Tsk! 'di niyo rin ba alam na ang sariling kakambal niya lang din ang may pakana ng lahat? Dapat din maging fair kayo sa kaibigan ko, kung nagawa niyo siyang sigawan ng gano'n, dapat din ay kaya mong sigawan ang puno't dulo ng lahat." binalikan ko si Chloe na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. "Halika na, Chloe. Hindi pala dapat tayo humingi ng tawad sa mga katulad nila, dapat nga 'yang Ziarra ang hihingi ng tawad sa'yo, e." bago pa man kami makalabas ay binalingan ko ng tingin si Xiarra na ngayon ay palihim na umiyak. "Miss, sorry sa kung anong nagawa ng kaibigan ko. I'm really sorry," saad ko at walang lingon na lumabas sa kanilang bahay.

Nang tuluyang makalabas ay kaagad akong napapaypay sa sarili dahil sa naganap sa loob. Tsk! Talagang walang hiya ang pamilyang Merzandes na 'yan, except sa babaeng tahimik lang.

"Skylar," humagulhol na saad ni Chloe at kaagad akong niyakap. "Thank you, hindi ko talaga alam kung hindi ka dumating. Thank you sa pagtulong at pagsagip sa'kin, Sky."

"Anong sagip ka d'yan? Sinabi ko lang naman ang kung ano ang totoo, e. Dapat lang na malaman nila kung ano ang totoo, hindi ka dapat sigaw-sigawan ng lalaking 'yon." naiinis ko pa ring saad.

"Ang galing mo," aniya na natatawa ngunit patuloy pa rin sa pag-agos ang kanyang luha.

Ako na ang nagdrive ng kotse ni Chloe, marunong rin naman kasi akong mag-drive kahit papaano.

Dumeretso kami sa Aldiezar's Company, balak naming yayain na ulit si Aez. Ngayon lang ako nakabalik dito sa maynila kaya dapat may pa-welcome party sila para sa'kin. 

Nang makarating sa mismong office ni Aez ay kaagad rin akong napatigil nang makita si Coreen sa loob. Gano'n pa rin ang kanyang suot nang magkita kami.

Pang-model na rin talaga ang kanyang dating, kaya siguro nagustuhan siya ni Tristan at Zyler.

"Aez!" tawag ko kay Aez, nakatuon lang ang kanyang paningin sa computer. Pero nang makita niya ako ay kaagad siyang napaangat ng tingin.

"Skylar, welcome back!" aniya.

"Salamat, pero wala bang pa-welcome party d'yan?" natatawang asik ko.

"Saan mo gustong pumunta?"

"Saan pa nga ba? Edi sa bar! Ano, gora?"

"Game," napatingin siya sa gawi ni Coreen. Kaagad namang umiling ang dalaga kahit hindi pa siya natanong nito.

"No thank, Aez. Hihintayin ko pa si Zyler." nakayuko pa rin siya.

Ang hinhin ng kanyang galaw, pinong-pino. Samantalang ako? Tch! Para pang hindi babae kung gumalaw.

"Chloe?" baling ni Aez kay Chloe. "Anong nangyari? Bakit namaga 'yang mata mo?" sunod-sunod nitong tanong.

Napatawa naman ako at ako na rin ang sumagot para kay Chloe. "Galing kami sa pakikipagbakbakan kaya umiyak 'yan." natatawa kong sagot.

"Bakbakan?" kunot noong tanong ni Aez. Napatigil lang siya nang pumasok sa kanyang office ang kanyang secretary.

"Jashlia," tawag ko sa kanya. "Sama ka samin mamaya,"

"Saan po?" formal nitong tanong.

"Mag bar," simple kong sagot at kaagad na napaiwas ng tingin nang dumating si Zyler.

Gulat pa siya nang makitang ando'n din ako pati na rin si Coreen. "How about me, Baby? Hindi mo ba ako yayayain?" tanong niya tsaka ako nilapitan.

Kung hindi lang talaga galing sa kakaiyak 'tong si Chloe, baka kanina pa 'to nang-aasar. Katulad nalang kay Aez na ang laki ng ngiti, pero nang mahagip niya ng tingin si Coreen ay kaagad ring napatigil.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon