Chapter 13
"How was it, Hijo?" tanong ni Papa kay Zyler nang sumimsim ito sa kape na hinanda ko.
"Well," asik ni Zyler at tiningnan ako. "Pasado na po, Tito."
Agad na kumunot ang noo ko. "Pasado saan?"
"To be my wife," agad nitong sagot na ikinailang ko.
Matunog naman na tumawa si papa. Tiningnan ko ng masama si papa. Kanina pa 'yan gan'yan, para mas pabor pa nila na nandito ang lalaking 'yan dito sa bahay namin ngayon.
"Papa," parang batang simangot ko rito.
"Mapagbiro pala talaga 'tong kaibigan mo, Skylar." saad ni papa. Kalaunan ay tumayo na muli Ito. "Igiya mo siya sa magiging kwarto niya, Sky. Aalis na muna kami ng mama mo." ani papa bago naglakad palabas.
Padabog na umupo ako sa single sofa. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ni Zyler, nakangiting sinundan niya ng tingin si papa na papalabas.
Talagang wala siyang hiya! Sa tingin ko naman hindi totoo na may project na pinapagawa si Aez sa kanya.
"What?" natatawang niyang tanong sa'kin.
"Kailan mo balak umuwi?" deretsang tanong ko.
Ibinaba na muna niya ang kanyang baso sa mesa. "As what as I've said, may ginagawa akong project. So, baka medyo matagalan pa."
"Hanggang kailan ka mag-stay rito?" bagot kong tanong.
"Hanggang matapos—" napatigil siya sa pagsasalita. Nanlaki rin ang aking mata nang bigla siyang lumapit sa kinaroroonan ko. "Wait, bakit parang ayaw mo yata akong makasama? Tell me, iniwasan mo ba ako?" nakangising asik niya.
Akmang lalapit pa siya pero kaagad na akong umiwas sa kanya at tumayo.
"B-bakit naman kita iiwasan? Hindi ba p'wedeng ayaw ko lang talagang makasama ka sa pamamahay ko, Aaron Zy Aldiezar?"
"Well," tumuwid siya ng tayo. "Let's see, then." asik niya.
"Ate Skylar! May naghahanap po sa'yo sa labas." tawag sa'kin ni Marie, ang pinapaaral nila mama.
"Sige, lalabas na ako." sagot ko.
"What? How about me? Where's my room?" sunod-sunod na tanong ni Zyler.
Napangisi naman ako, ngayon mo ako subukan Zyler.
"Maghintay ka muna d'yan," inilibot ko ang paningin sa buong bahay. "Pero kung 'di mo kaya, feel free kang lumabas sa bahay namin at bumalik sa maynila." saad ko bago lumabas.
Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mong maghintay. Tsk!
Paglabas ko ng bahay, nadatnan ko roon si Tristan na nakapamulsa. Nakatalikod siya sa'kin. Akmang aalis ako nang humarap siya sa'kin at ngumiti ng matamis.
"Hi, Skylar." bati nito sa'kin. "About kanina, sorry kung pabigla-bigla ako."
"Anong ginagawa mo rito, Tristan?" tanong ko. Hindi ko inalintana ang paghingi niya ng tawad sa nagawa kanina.
"I just really want—"
"Skylar, how long will you stay there?" nababagot na asik ni Zyler sa may likuran ko.
Kaagad ko naman siyang hinarap. Hindi ba niya nakikitang may kausap ako? Arghh! Pabibo talaga 'tong Zyler na 'to kahit kailan.
"Zyler, can you just please—hintayin mo 'ko sa loob." asik ko sa kanya.
"Where's my room? Samahan mo muna ako roon para makapagpahinga na ako." pagpupumilit niya.
Nang magawi ang kanyang paningin kay Tristan ay kaagad ng kumawala ang kanyang ngisi.
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...