Chapter 11
"Kaninong bahay 'to? Este, mansyon?" manghang tanong ko.
Hindi ko parin maiwasang hindi mamangha dahil sa ganda ng bahay. Ang laki-laki nito at may mga painting pang nakasabit sa dingding. May isang malaking family picture ring nakasabit sa may bandang hagdanan, naging familiar na sa'kin ang mukha ng mga ito. Sila ang mga naka-vedio call ko nung mga panahong pinakilala ako ni Zyler sa kanila bilang isang girlfriend.
"What do you think?" pambabara ni Zyler sa'kin.
"Tsk! 'di nalang sumagot ng matino," asik ko. Bumalik na ulit kami sa sofa. Naupo na roon si miss Teresa. Naka-pandekwatro habang nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin.
Hindi pa yata naka-get over sa ginawa ko kanina. Pagbunutin ko isa-isa 'yang mga kilay niya 'e.
"What's your next plan, Zyler?"
Umupo si Zyler sa single sofa. Nanatili lang akong nakatayo habang pinapakinggan silang nag-uusap.
"We need to face the press." saad ni Zyler na ikinaalarma ko.
"Ano?" pasigaw kong tanong. Umupo ako sa 'di kalayuan kay Teresa.
"Yeah, and after that we sign contract." dugtong nito.
"Contract for what?" tanong ni Teresa habang nakataas parin ang isang kilay.
"Isa lang ang naisip kong paraan, 'yon ay ang magpanggap."
"Nababaliw kana ba, Zyler? Balak mong lukohin ang mga tao? Sabihin mo nalang kaya sa lahat ang totoo na nagbibiro ka lang pero sineryoso ng lahat–"
"That's nonsense, miss Perez." sabat ni Teresa. "Hindi mo ba alam kung ano ang magiging epekto sa mga tao no'n? Pati na ang career ni Zyler."
"Kung 'yan ang pinroblema mo," tiningnan ko si Zyler ng puno ng inis. "Bakit hindi mo inisip ang magiging kahantungan ng ginawa mo, ha!"
"Because I just want to." baliwala nitong sagot. Napaka-makasarili talaga niya.
"Edi linisin mo ang pangalan ko, ayaw kong madawit sa pagiging baliw mo. Arghh! Nakakainis."
Iniwan ko sila doon, bumalik ako sa van at tinawagan sina mama. Mas gusto ko tuloy umuwi kesa mag-stay sa lugar na 'to maraming reporters.
"Oh, napatawag ka anak?" sagot ni mama sa cellphone.
"Ma, uuwi ako d'yan."
"Talaga? Kailan? Para mapaghandaan namin ng papa mo ang pag-uwi mo dito sa'tin. Namimiss kana namin, anak."
"Namimiss ko narin po kayo, Mama."
Dali-dali kong pinatay ang tawag nang makitang papalapit si Zyler dito sa van. Lumabas naman ako nang hindi siya tingnan sa kanyang mata.
"What's your plan?" tanong nito. Sumandal siya sa van at gayon din ang ginawa ko.
"Lalayas ako sa lugar na 'to."
"What? Are you insane?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Baliw! Uuwi ako sa probinsya namin. Para pansamantalang makahinga sa problemang ginawa mo. Sa susunod na gagawa ka ng ganyan, tanungin mo muna ako. Nakaka-stress ka!"
"Bakit, kung tinanong ba kita papayag ka?"
"Hindi. Sino ba namang matino ang gagawa no'n ng hindi nag-iisip?"
"See, ayaw mo parin."
Pinag-crus ko ang aking kamay. "Sabihin mo nga sa'kin, bakit mo ginawa 'yon?"
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...
![Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/263770815-64-k844986.jpg)