Chapter 18
Papalubog na ang araw, at heto kami ni Zyler sabay na pinanood ang napakagandang sunset.
Nakasandal kami sa kanyang kotse, nakahalukip-kip at walang ni isang bumasag ng katahimikan saming dalawa.
"I already like this place," saad ni Zyler.
I rolled my eyes. Naka-ilang ulit na kaya siya sa mga katagang 'yan? Tsk! Nababakla na yata sa lugar namin.
"Like mo na?" pambabara ko sa kanya. Tiningnan ko ang relo at alas sais na. "Tara, uuwi na tayo."
"Wait," asik niya kaya kaagad akong napalingon sa kanya. "Oh, may signal na. Skylar, Just wait for me in the car. May tatawagan lang ako hanggat may signal pa sa lugar na 'to."
Kumunot naman ang noo ko. "Sino naman ang tatawagan mo?"
"Tch! Bakit gusto mong malaman kung sino ang tatawagan ko?" ngumisi na naman siya na ikinairap ko. "Are you already liking me, huh? Well, hindi ko naman kita masisi na nagkagusto ka sakin. Sa gwapo ko ba naman," mahanging sabi niya.
"Ang hangin mo, Zyler. Tumawag ka na nga sa kung sino ang gusto mong tawagan hanggat may oras pa." tinalikuran ko na siya pero bago 'yon ay may sinabi pa ako. "Hintayin kita sa loob, 'wag kang masyadong magtagal." saad ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse.
Hayst! Malaman lang na may signal ay ang saya saya na niya.
Napailing pa ako nang makita siyang may kausap sa kanyang cellphone. Bigla kong naalala si Aaron. Kahit na alam kong si Zyler siya, pero hindi ko maiwasan ang sariling hindi siya mamimiss kahit ang totoo ay kasama ko na siya. Magkaiba rin kasi sila ng ugali kaya hindi ko talaga makitang siya si Aaron.
Kaagad akong napabalik sa wisyo nang biglang tumunog ang cellphone ko. May inaasahan ba akong tatawag sa'kin?
"A-aaron?" basa ko sa pangalan niya sa screen. Nang tingnan ko si Zyler ay halatang hinintay niyang sagutin ang kanyang tawag.
Wala sa oras na kinuhaan ko ng battery ang cellphone ko. Ewan ko, pero hindi pa talaga ako handang magpakilala sa kanya. Hindi ko pa kayang magpakilala bilang Skylar at hindi si Abigail. Hindi ko rin alam kung may naramdaman na ba ako sa kanya o wala. At ang malaman na si Zyler 'yon, parang ngayon pa lang atras na 'ko. Wala na akong pag-asa---ay! Ba't ba inisip ko ang pag-asa na 'yan! Baliw na talaga ako.
Ilang oras ang ginugol ko para maghintay kay Zyler, hindi pa rin ito tapos sa kakatawag ng kung sino. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa headboard at pumikit saglit. At dahil na rin sa pagod ay madali akong nahila ng antok.
"Skylar," nagising ako ng may tumapik sa aking pisnge.
"Aaron?"
"Hey, still sleeping?"
Kaagad akong natauhan nang malaman na si Zyler ang kaharap ko. Agad kong inayos ang sarili at kumilos ng parang wala lang ang lahat.
"Ah, tapos ka na ba sa pakikipag-usap? Ahm, aalis na ba ta---nandito na pala tayo," aligaga kong saad. Ngunit kaagad akong napatigil nang marinig ko ang pagkahulog ng cellphone ko at ang nakahiwalay na battery nito. Akmang kukunin ko na ito nang kinuha na rin ni Zyler 'yon.
"May problema ba, Skylar?" nakakunot noong tanong niya sakin.
Saglit akong napatulala sa kanyang mukha pero kalaunan ay umiling. Kinuha ko sa kanya ang cellphone at battery nito. "Salamat, tara pumasok na tayo sa loob." hindi pa man siya nakasagot ay kaagad na akong bumaba.
"Ano bang nangyari sa'kin, ba't ako kumilos bigla ng kakaiba? Baliw ka na talaga Skylar! Baliw ka na, kung sana sinabi mo na ang totoo para hindi ka magmukhang tanga!" bubulong-bulong kong anas. Hinampas ko pa ang sariling ulo dahil sa katangahang nagawa ko. Paano nalang kaya kung nabisto ako ni Zyler no'n? Tsk!
Nang tuluyang makapasok sa loob, naroon na ang lahat sa kusina. Nang makita nila akong papasok ay kaagad na silang tumayo.
"Skylar, kanina ka pa namin tinawagan. Bakit 'di ka namin ma-contact? Kung hindi lang talaga dahil kay Zyler, baka ngayon pinaghahanap na namin kayo! Saan ba kasi napunta ang cellphone mong bata ka, ha!" mahabang litanya ni Mama. Sinundan naman iyon ni Gwy, kinuha pa niya mula sa'kin ang cellphone.
"Hindi naman deadbat 'tong phone mo ate, ah! Pero bakit naka-off?" naguluhan niyang saad.
Kinuha ko 'yon sa kanya. "'wag na kayong mag-over react d'yan, atleast naka-uwi ako---kami ng maayos. Kita niyo naman, 'diba?" asik ko. Bago tuluyan silang talikuran ay binalingan ko muna ng tingin si Mama. "Busog pa ako, ma. Pagod din ako kaya matulog na ako, kumain nalang kayo d'yan." sabi ko bago tuluyang naglakad palayo sa kanila.
Nagtagpo ang aming mata ni Zyler pero ako na ang unang umiwas ng tingin. Bakit ba iwas na iwas ako ngayon kay Zyler? Bakit parang 'di ko kayang tingnan ang kanyang mata? Siguro nga baliw na ako ng tuluyan.
Nang makarating sa kwarto ay pilit kong ni-on ang data, at good thing dahil may signal. Bakit kaya ang lakas ng signal ngayon? Hmm.
From: Aaron
Hi Abigail, it's been a while. How are you?
5:10 PMFrom: Aaron
I miss you, Abigail. Why don't you answer my call?
5: 16 PMFrom: Aaron
Hey! I'm worried about you. Are you mad at me? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? If there is, im sorry.
5:20 PMBinasa ko ang mga text messages niya, but at same time, ni-delete ko lahat iyon sa cellphone ko. Wala akong balak na magparamdam sa kanya. Baka next week nito, maayos na ulit ako. Hindi na ako baliw, tch!
Maliban sa text messages ay may 20 missed calls din siya.
Nagpunta rin ako sa facebook, ang lag rin dahil ang hina ng net. Ang sarap talagang ihampas ng cellphone na 'to! Nakakainis!
May 9+ messages si Zyler sa'kin. I-seen ko lang ba 'to o bawiin ko nalang ang sinabi kong hindi magparamdam sa kanya?
"Kailangan kong panindigan ang sinabi ko." in-off ko ang data at tinanggal na ulit ang battery nito.
Saglit akong nag-half bath at nang matapos ay nagbihis. Sana makatulog ako ng maayos ngayon.
Erased, erased, erased! Hindi dapat ako ma-baliw. ERASED!
BINABASA MO ANG
Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]
RomanceA woman who does not believe in love. During her 23th years on earth, she has never had a relationship with anyone. Mas nakikita kasi nito ang sarili sa pagsusulat. But, because of a social media that everyone is excited about, a website called Ome...