Chapter seventeen

64 9 2
                                    

Chapter 17

Gaya nga ng napagkasunduan---ay hindi. Pinilit naman niya talaga akong sumama sa kanya. May pa-blockmail-blockmail pa siyang nalalaman.  

Buong araw akong nakasunod sa kanya. Bagot na bagot na rin ako sa ginagawang pagsunod sa kanya. Tch! Kung hindi lang talaga dahil sa pamblockmail niya sa'kin 'di naman talaga ako sasama sa kanya.

"Are you tired?" baling nito sa'kin. Nanatiling busangot ang aking mukha.

Nagpatayo pala sila ng building dito sa Solana at ang namahala ay ang mga Aldiezar pa rin. Kahit saang lupalop ng lugar nalang talaga kilala na ang mga Aldiezar dahil sa raming building na kanilang pinatayo.

"How was it?" tanong ni Zyler sa foreman. Lumapit naman ang isang lalaki na sa tingin ko ay siyang medyo mataas ang rango sa kanila.

Hawak-hawak pa rin ang notepad ay nakatayo ako sa gilid ni Zyler. Nanakit na rin ang aking paa dahil sa suot na sandal. Akala ko naman kasi office lang ang pupuntahan namin, 'yon pala ay ganito! Nagsisisi na tuloy ako kung bakit nakaganito pa ako ng awra.

Sa mga oras na 'to sana nando'n ako kela Katya, at kung hindi naman, nagliwaliw na sana ako. Hahanap ng bagong idea na para may maisulat naman na akong bagong story.

Naguguluhan na rin ako sa sarili ko, ngayong alam ko na kung sino si Aaron, dapat lumayo na ako sa kanya. 'yon nga ang ginawa ko, pero sumunod naman 'tong si Zyler. Tch! Paano ko ba malulusutan 'to? Magpatuloy kaya ako sa pagpapanggap na hindi ko pa siya kilala? O magpakilala nalang kaagad ako?

"Skylar!" kaagad akong napabalik sa wisyo nang marinig ang boses ni Zyler.

Nang mapatingin ako sa kanyang mukha ay pulang-pula na ito.

"Ano?" inis kong tanong sa kanya.

"Sumunod ka sa'kin,"

"Kanina pa naman talaga ako sunod ng sunod sa'yo!" pambabara ko sa kanya.

"I guess, you need to eat something."

"Ay, mabuti at naalala mo pa na kailangan ko ring kumain."

"Tch! Get in." asik niya nang makarating kami sa kanyang kotse.

May kotse rin kasi si Aez dito sa Solana kaya iyon na rin ang kanyang pinagamit kay Zyler ngayon.

Gaya ng sinabi niya, kaagad na akong pumasok. Kanina pa rin tunog ng tunog ang t'yan ko dahil sa gutom.

"Mr. Aldiezar," sabay kaming napalingon ni Zyler sa may kabilang salamin nang may kumatok. Si Tristan.

"Mr. Saavedra?" ibinaba lang ni Zyler ang salamin ng kanyang kotse.

"Mag business partner tayo, why don't we eat together so we can get to know each other, as a business partner." asik ni Tristan.

Nang mapatingin siya sa gawi ko ay ngumiti ako sa kanya ng malamya. Past is past, past na nga kaya dapat ng kalimutan. Ako lang ang parang tanga na takot na maungkat ang nakaraan.

"Well, get in." saad ni Zyler na ginawa naman ni Tristan.

Buong b'yahe kaming tahimik. Walang ni isa samin ang bumasag sa katahimikan sa loob. Napahikab nalang ako dahil sa bored.

"Gutom ka na ba, Skylar?" tanong ni Tristan sa may likuran. Pansin ko rin ang pagsulyap sa'kin ni Zyler.

Tumingin ako kay Tristan at umiling ng bahagya. "Hindi pa naman masyado. Akala ko nga hindi na maalala nitong boss ko na kakain din ang kanyang assistant." diniinan ko talaga ang boss para maramdaman niya ang galit ko sa kanya.

"Tch!" singhal ni Zyler. Inirapan ko nalang siya at bumalik sa daan ang paningin.

May nakita naman akong karenderya kaya kaagad na lumaki ang mata ko kasabay ng pagtunog ng aking t'yan.

"D'yan!" turo ko rito. kumunot ang noo ni Zyler. "Ano? Itigil mo na ang sasakyan, d'yan tayo kakain!" pinandilatan ko pa siya ng mata. 'e sa gutom na talaga ako, 'e.

"Seriously, Skylar?" hindi makapaniwala niyang tanong, pero kalaunan ay tinigil niya rin ang sasakyan.

"Bakit ayaw mo?" hinubad ko ang seatbelt at binuksan ang pinto. "Kung ayaw mo, pwede na kayong umalis. Kakain na muna ako rito." asik ko at bumaba na.

May dala naman akong pera kaya makauwi ako kung kailan ko gusto. Wala pang masyadong tao dito sa karenderya kaya kaagad na akong naghanap ng p'wedeng mauupuan.

"Skylar?" kumunot ang aking noo nang makita ang ginang na papalapit sa'kin. "Kailan ka pa nakabalik dito sa Solana, Hija?"

"Kahapon lang po, Aleng---"

"Marta! Siguro nakalimutan mo na ako 'no?" saad nito.

"Ikaw po pala 'yan aleng Marta! Sorry po, hindi kita nakilala kaagad." napakamot pa ako sa aking batok.

"Naku, wala 'yon Hija! Sige, umupo ka na riyan at nang maipaghanda kita. Anong gusto mong kainin?"

"Ahm, kaldereta, adobo, at fried chicken nalang po. Tapos isang rice."

Napakunot ang noo ko nang lumapit ang dalawang lalaki. Akmang aalis na si aleng Marta kaya kaagad ko ulit siyang tinawag.

"Ay, Aleng Marta. Tigtitatlo nalang po, may dumagdag, 'e."

"Sige Hija."

"Akala ko ba hindi ka kakain dito?" tanong ko kay Zyler. Umupo naman si Tristan sa may harap ko. Si Zyler naman ay sa tabi ko.

"Tch!"

"Tch ka rin!"

Nang magpatingin ako kay Tristan, nakayuko lang siya. Katulad pa rin siya ng dati, siyang siya pa rin si Tristan na best friend ko. Namimiss ko na rin ang asaran namin noon. Pero past is past, never to discuss.

Maya-maya pa ay dumating na si aleng Marta dala ang mga in-order namin. Nang mailapag na lahat, hindi na ako makapaghintay na lantakan ang mga iyon. Miss na miss ko ng kumain ng mga pagkain dito sa karenderya na 'to.

Noong highschool pa kasi kami, dito na ako palaging kumakain kapag nagpunta ako rito sa bayan. Minsan, kaming dalawa ni Tristan. Pero mas madalas akong tumambay mag-isa rito.

"Ayaw mong kumain?" tanong ko kay Zyler. Nanatili lang kasi ang kanyang mata sa mga pagkain.

"Is this---"

"Pagkain. Kaya kumain ka na kung ayaw mong magutom."

Nang matapos naming kumain, bumalik na kami sa kotse. Nagpaalam naman na si Tristan na dito na lang muna raw siya. Alas singko na rin kasi kaya uuwi na rin siguro siya sa kanila.

Nagsimula nag magdrive si Zyler, pero kanina pa siya nagbuntong hininga.

"Anyare sa'yo?" natatawa kong tanong.

"I...I just can’t really believe I ate in that kind of place."

Inismiran ko nga siya. "Atleast nabusog 'yang bulate mo sa t'yan. Pupunta tayo ngayon sa kung saan magandang tingnan ang papalubog na araw. May alam akong lugar, ano, game?" na-excite kong saad. Hindi pa man siya nakasagot ay kaagad na akong sumigaw. "GAME!"

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon