Chapter Twenty-two

64 8 0
                                    

Chapter 22

"So, kumusta ka na nga? Anong balita sa'yo? Bakit 'di kana nagparamdam sa'kin? Nagkita ba kayo ulit ni Tristan?" sunod-sunod na tanong ni Katya at binalingan niya ng tingin ang dalawang lalaki sa kabilang sofa habang nag-uusap. "And that boy? Sino siya? Boyfriend mo ba? Asawa, or what? Hoy! Bakit ayaw mo akong sagutin? Hindi mo ba ako namimiss?" may pagtatampong aniya.

Napairap nalang ako sa kanya na kaagad ko ring pinagsisihan ang sarili dahil kaagad niya akong hinampas.

"Ouch! Bakit ka ba nanghampas?" saad ko.

"11 words!" nagtaka ko siyang tiningnan. "Eleven words pa lang ang lumabas sa bibig mo simula kanina, Skylar! Nakakatampo kana, alam mo ba 'yon?"

"Eh kasi naman, Katya! Ang dami mong tanong, pwede bang isa-isa lang? Hindi 'yan keri ng ganda ko, lalo na't hindi pa ako nakakain."

"Mamaya ka na kumain, sige, isa-isahin natin ang mga tanong. But make sure na masagot mo lahat, dahil kung hindi, malilintikan ka sa'kin." asik niya.

"Sige, ano ang una mong tanong?" kompyansa naman akong masagot ko lahat ng kanyang tanong.

"First, kumusta ka na, at anong balita sa'yo sa manila? Bakit 'di ka nagparamdam sa'kin?" sunod-sunod ulit niyang tanong.

"Bakit naka-tatlong tanong ka na?"

"Tigtatlong tanong na, sobrang tagal kong hinintay ang araw na 'to kaya sagutin mo nalang ang tanong ko."

Napa-ismid nalang ako, sumimsim ako ng juice at kumagat ng pancake.

"Well, I'm okay. Maayos naman ang paninirahan ko sa maynila. Nga pala, kung hindi mo pa alam, 'di ko natapos ang pag-aaral ko," akmang magsalita ulit siya pero kaagad ko ng dinugtungan. "Mas nakikita ko ang sarili sa pagsulat kaya 'yon ang ginawa ko. Mas nakakabuti na rin naman kasi 'yon dahil sa paraang pagsusulat ako kumikita ng pera. Nakatulong rin ako kahit papaano kela mama dito sa probinsya. At tungkol sa hindi ko pagpaparamdam, sorry, bukod sa wala na akong contact sa'yo, 'di ko pa rin kasi kayang harapin ulit ang nakaraan." mahaba kong litanya.

Napatango-tango naman siya, tela naintindihan niya ang lahat ng sinabi ko.

"Naintindihan kita, Skylar. Kaya nga hindi rin ako masyadong galit sa'yo, ngayon." malungkot nitong turan. "Next question na tayo, nagkita na ba ulit kayo ni Tristan? Kung oo, a-anong napag-usapan niyo? May. . . May naramdaman ka pa rin ba sa kanya?"

"Uhm, oo, no'ng una 'di ko maintindihan ang naramdaman ko. Pero ngayon alam ko na, bestfriend nalang ang turing ko sa kanya."

"Good! 'yan ang hinintay ko, Skylar!" sinulyapan niya ang dalawang lalaki na hanggang ngayon ay nag-usap pa rin. "How about that boy? Boyfriend mo ba siya? Asawa, or what?" kinikilig nitong tanong.

Wala sa oras na napainom ako ng juice. Juice ko talaga siya, bakit sa lahat ng tanong, dinagdagan pa niya ng asawa thing?

"Wait, parang alam ko na ang reaction mong 'yan!"

"Tumigil ka nga, Katya! 'di ko siya asawa at lalong 'di ko siya boyfriend!" sa sagot kong iyon ay kaagad na kumunot ang kanyang noo.

"Eh, ano? Sa pagkakaalam ko pa naman sayo, sa mga kinikilos mong 'yan parang nababasa ko na, e." nasa harap ko pa siya kanina, pero ngayon ay tumabi na siya sa'kin at pinulupot ang kanyang kamay sa aking braso. "Tell me nga Skylar, Inlove ka na ba sa lalaking 'yan, pero tulad ng dati, hindi mo rin kayang sabihin sa kanya?" pang-uusisa niya.

"A-anong pinagsasabi mo riyan? Wala akong naramdaman sa kanya."

Biglang tumibok ang puso ko, ano ba 'to! Bakit ba kasi dumating kami sa ganyang topic?

"Eh, ano nga?"

"B-boss ko siya!"

"Boss? Ah," saglit siyang lumayo sa'kin. "Kaya pala 'di mo masabi-sabi dahil boss mo siya. O sige, gets ko na, Skylar!"

Akmang aalis siya pero kaagad ko siyang hinila pabalik. "H-honestly, Katya. Ganito 'yon, nagkakilala na kami sa internet. Pero ko ginamit ang totoo kong pangalan no'ng nagpakilala kami sa isa't isa. Gano'n na rin si Zyler, pero tanging apelyedo niya lang ang pinalitan niya. At," umiwas ako sa kanya ng tingin.

"Na-inlove ka ba sa kanya?"

Dahan-dahan akong tumango. "Y-yeah, pero sa tingin ko bilang Abigail. Na-inlove si Abigail kay Aaron."

"How about sa personal? Ang personal na pagkatao ng lalaking 'yan, na-inlove ka rin ba?" tanong nito.

Uminom ako ulit ng juice at pagkatapos ay umiling. "Hindi ko alam, Kat. 'di ko talaga alam, uhm, siguro dahil ako lang ang may alam. Ako lang kasi ang nakakaalam na si Aaron at Zyler ay iisa." napatawa ako ng pagak. "Ibahin na nga natin ang topic, Kat! So, paano mo nakilala 'yang boyfie mo?" tanong ko sa kanya.

Lumaki naman kaagad ang kanyang mata. "B-bakit mo alam?"

"Obvious na obvious kasi kayo, so, paano nga? Kailan ang kasal? At imbitado ba kami riyan?" panunukso ko sa kanya na kaagad namang ikinapula ng kanyang pisnge. Pft, cute!

"Sa internet rin, Skylar." sagot niya. "Well, sa dating app." pabebe nitong sagot.

"Tapos?"

"Ayon, malapit na ang kasal namin, at syempre, imbitado kayong dalawa ni--ahm, ano ngang pangalan ng boy-este- boss mo?"

"Aaron Zy Aldiezar, pero tawagin mo lang siyang Zyler. 'yan ang tawag namin sa kanya, e."

"Okay, basta! Imbitado kayong dalawa, malalaman niyo kaagad dahil papadalhan ko kayo ng wedding invitations." excited nitong saad.

"Congratulations, Katya! I'm so proud of you, dahil naabot mo ang dating pangarap mo lang! Namiss rin kita!" ako na ang tumayo tsaka niyakap siya ng mahigpit.

"Akala ko ba 'di mo ako namiss, Skylar?" bakas sa kanyang boses na naiiyak na siya.

"Baliw! Kung 'di kita namiss, edi sana 'di ako dumating sa bahay niyo rito! Ang hirap pa ngang hanapin 'to," nakanguso kong saad. "Pero, pwede ba kaming makikain muna, Kat? Gutom na kasi kami, e. At sa tingin ko 'di rin kayo nagutom ng Adam mo, dahil umagang-umaga may nakahain ng pandesal sa harapan mo." pagbibiro ko pa sa kanya.

"Tanga! Kumain na nga kayo roon, may niluto rin kasi ako kanina, pero tapos na rin naman kaming kumain." aniya na tinanguan ko na.

"Zyler! Kumain na muna tayo, gutom na gutom na 'ko." tawag ko kay Zyler, lumapit naman siya sa'kin at sabay naming tinahak ang daan papuntang dining.

Napailing pa ako nang makitang tatawa-tawa pa si Katya. Baliw pa rin talaga ang babaeng 'yan.

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon