Chapter Twenty-seven

65 7 0
                                    

Chapter 27

Gaya nga ng napag-usapan, andito na kami ngayon sa bar. Tanging si Aez at Zyler nalang ang hinintay namin. At dahil sasama si Zyler sa party na 'to ngayon, paniguradong kasama rin si Coreen.

Nagpa-reserve na rin kami ng VIP room para sa mga kasamahan namin. Si Chloe hindi na mapakali kung kaya't nagpagawa na siya ng alak. Alam kong nasaktan pa siya sa mga nangyayari kaya kailangan niyang magpakalasing.

"Ang aga niyo, ah!"  ani Aez. Nakasunod sa kanya sila Zyler at Coreen.

Blanko ang mukha ni Zyler at parang kagagaling lang nilang nagtalo ni Coreen, panay sunod din si Coreen sa kanya.

"Babe, let's talk!" pamimilit nito.

Hindi ko na ipinukos ang mata ko sa kanila at binigyan nalang ng pansin si Aez at ang kanyang secretary na si Jaslia. Nitong nakaraan, may napansin din talaga akong kakaiba sa dalawang 'to.

Si Aez na rin ang nag-order ng kung anong alak ang iinumin namin ngayon. Si Jashlia ay prenteng naka-upo lang. Simpleng-simple ang kanyang galaw, sobrang ganda rin kasi nito. Kung ihahantulad siya kay Jasmine, mas mlalamangan siya ni Jashlia. Iba rin si Aez, 'e. Talagang pumipili siya ng magandang secretary, tch!

"Cheers!" sigaw namin bago kanya-kanya ng tungga.

Katabi ni Aez si Jashlia, sa may gitna ay si Cloe at kaharap nito si Coreen na ngayon ay busangot na ang kanyang mukha. Kami naman ni Zyler ang magkatabi, talagang ginagamit niya ako para pasilosin 'yang ex niya.

"Congrats nga pala, Skylar!" saad ni Jashlia. Pansin ko na rin ang pamumula ng kanyang pisnge.

"Sa ano?" kunot noong tanong ko.

"Yong sa natapos mong story, 'diba ipalabas na ulit 'yon?" kaagad naman akong napatango nang makuha ko kung ano ang kanyang ibig sabihin. "Ngayong natapos mo na, ano ang susunod mong isulat?"

Sumimsim ako ng alak bago sumagot sa kanya. "To be honest, 'di ko alam. Gulong-gulo pa ako ngayon, kaya wala pang ideas na pumasok sa isip ko."

"How about, meet in the web?" suhestiyon ni Aez na ikinakunot ng noo ko. Napansin ko rin ang mapangutyang tingin niya kay Zyler.

"Bakit 'yan ang naisip mo?" natatawa kong tanong kay Aez.

"Gusto kong mabasa kung paano mo patakbuhin ang storya, Skylar." aniya at tinungga ang alak sa kanyang baso. "Balita ko rin kasi, maraming nagkatuluyan just because of the internet. So what if you also make a story of that kind of romance? Dahil sa internet kaya nabuo ang kanilang pagmamahalan." dagdag pa ni Aez.

Napatango naman ako, may point naman siya. Simula pa rin noon, si Aez na talaga ang nagsuggest sa kung ano ang mga isusulat ko. Bigyan niya ako ng konting idea, and the rest ay ako na ang naglagay ng kung anong twist.

"I agree, Skylar!" lasing na pagkasabi ni Chloe. "Wait, banyo na muna ako," aniya at tumayo na bago naglakad palayo sa mesa namin. Sinundan naman kaagad siya ni Coreen nang hindi nagpaalam sa'min.

"How about your relationship with that girl in the internet, bro?" tanong ni Aez kay Zyler na agad akong kinabahan.

Nanlamig ang kamay na kinuha ko ang baso at balisang ininom ang lahat ng laman no'n.

"We're okay, wala pa ring nagbago." maikling saad ni Zyler.

"Inlababo ka na talaga sa kanya, Bro!" natatawang saad ni Aez. "Well, I think it’s better to be able to inlove the internet, kaysa sa personal."

Nagtagal pa ang kanilang usapan. Panay pa rin ako inom ng inom. Mukhang malalasing pa yata ako nang dahil sa topic nila.

Biglang tumunog ang cellphone ko, nakabalik na si Chloe si Coreen nalang ang hindi.

"Excuse me lang muna," saad ko at tumayo. Sa cr ako pumunta dahil ang lakas ng tugtog sa loob.

"Hello?" sagot ko sa tumatawag.

["Skylar, nandito ako ngayon sa Maynila. Sa tapat ng condo mo, p-pwede mo ba akong puntahan?"] boses iyon ni Tristan, ngunit nababakas ko roon na lasing siya.

"Tristan, lasing ka ba?"

["I-i badly want to see you, Skylar. May important akong sabihin sa'yo na dapat matagal mo ng alam."]

"Tristan. . ."

["Please, Skylar. Kung importante pa rin ako sa'yo hanggang ngayon, puntahan mo ako."] huli nitong sabi bago ako patayan ng tawag.

Nanatili pa rin akong napatingin sa screen ng phone ko. Dapat ko ba siyang puntahan? Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Lasing pa naman siya ngayon.

Akmang aalis ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Kaagad na kumunot ang aking noo nang makitang si Zyler iyon.

"Zyler, anong ginagawa mo rito sa banyo ng mga babae? Lumabas ka nga!"

"Si Tristan ba ang tumawag sa'yo?" malamig niyang tanong na tinanguan ko naman. "Wag mo siyang puntahan," magarbo nitong utos.

Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwalang tingin. "Inuutusan mo ba ako, Zyler?" tumango siya. "Susundin ko ang utos mo na 'yan kapag sinabi mo kung anong dahilan kung bakit pinipigilan mo ako ngayon." matigas kong sambit.

"Because i like you," deretso niyang saad na ikinatigil ko. "I think, I like you, Skylar."

Napatawa ako ng pagak. "Nagbibiro ka ba, Zyler? Dahil kung oo, pwede mo namang bawiin kaagad 'yan. Walang nakatingin sa'tin, walang ibang nakarinig. Wala kang dapat ipag-alala, Zyler."

Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "Skylar, I like you. Isn't that enough for you not to go to Tristan?"

"Kung sinasabi mo 'yan para lang pigilan ako Zyler, sorry pero wala 'yang magagawa. Excuse me," mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa braso ko. "Zyler, ano ba! Bitawan mo na nga ako!"

"I can't let you go, Skylar. I like you, And I can't bear to see you leave now just for that man again."

"Lasing ka lang Zyler kaya nasabi mo ang lahat ng 'yan," naramdaman ko na rin ang basang likodo na dumaloy sa aking pisnge. "Pwede ba Zyler tigilan mo na ako! Hindi mo ba naramdaman na nasasaktan ako sa t'wing ginagamit mo ako para lang sa kasinungalingan mo! Kung pinaglaruan mo  pa rin ako hanggang ngayon, pwede bang tigilan mo na ako, please lang, Zyler?" winaksi ko ang aking braso mula sa kanya. "Kahit kailan at ilang beses mo mang sabihin ang mga katagang 'yan Zyler, hinding-hindi ako maniniwala sa'yo. Dahil ang galing mong magsinungaling." huli kong saad bago tumalikod sa kanya.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay muli ako nitong hinapit pabalik sa kanya, gulat ang rumehestro sa aking mukha nang maglapat ang labi naming dalawa at sinabayan pa ito ng malakas na tibok ng aking puso.

Aasa na ba akong totoo ang kanyang sinabi? O nagsisinungaling lang ulit siya?

Meet In The Web (Internet Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon