Forbidden Love

43.1K 454 6
                                    

Napakahirap pala ang nagmamahal na marami ang humahadlang.

Sabi nila madali lang daw itong mapagtagumpayan kung wagas ang pagmamahalan niyo.

Pero bakit ganun?Mahal na mahal ko siya at mahal na mahal din niya ako pero pinaglayo pa rin kami ng tadhana.

Naging mahina siya at ganun din ako.

Iniwan ko siya at nagpakalayu-layo sa pag-aakalang malilimutan ko siya.

Pero mali pala dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.Mahabang panahon akong nagtiis sa sakit na nararamdaman ko,mahabang panahon ang iniluha ko,pero heto pa rin ako,patuloy na nagmamahal sa isang tao na pilit inilalayo sa akin.

After of how many years,bumalik ako ng Pilipinas.At heto na naman kami,pinagtagpo na naman ng tadhana.Ang tadhana na siya ring tumututol sa amin.

Sa muli naming pagkikita ay lalong gumulo pa ang alitan ng pamilya namin.

Pinilit naman namin na ipaglalaban na ang pagmamahalan namin kahit tumutol pa ang buong mundo.

Pero sadyang kay lupit ng tadhana.Ang galing niyang maglaro sa amin.

Sa natuklasan naming katotohanan ay mas tumindi pa ang naging sitwasyon dahil ang pagmamahalan namin ni Benjamin Villafuente ay mananatiling.......

Forbidden Love

Ako si Jychel Mae Olivarez. At ito ang kwentong pag-ibig ko,namin ni Benjamin Villafuente.

A/N: Story of Jychel Mae Olivarez at Benjamin Villafuente ng "My Amazing Alalay"

Please support them.
Warning:This is a work of Fiction. Ang mga lugar,pangyayari at mga pangalan ay produkto lamang ng malawak na imahinasyon ko.Work of fiction na kahit ano ay magagawa ng aking isipan.Kaya dapat malawak din ang pag-iisip ng mga magbabasa nito kung mayroon mang babasa nito.
POV style po ito.Heavy drama.

Maraming salamat at sana suportahan niyo rin ang kwento nila.

God bless!

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon