FL42-Untitled

7.3K 157 1
                                    

Short Update lang 'to.Naghahanap pa ako ng inspiration para dito eh.Sana nga next UD ay maganda na.Hindi lang kasi talaga madali ang mag-isip.Mahirap din.Sana maintindihan niyo.Thanks.

Lovelots

Jychel's POV

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Sino ang naging kabit at naging kaagaw ni mommy noong buhay pa siya?Sino?!" Malakas na boses ang pinakawalan ko sa harapan ng ama ko.Ngayon ay gusto ko ng malaman kung sino ang babaing iyon na sumira sa pamilya ko at ang dahilan ng pagkamatay ni mommy.

Wala na akong pakialam kung araw-araw na naroon siya sa New York para lang tingnan ako mula sa malayo.Umiinit lang ang ulo ko at nasasaktan lang ako dahil sa nalaman ko na nandoon pala siya tapos hindi man lang ako malapitan?

"A-anong babae ang mga pinagsasabi mo Jychel.Alam ng mommy mo na simula ng ikasal kami,hindi ko nagawang mambabae kahit pa hindi ko siya maha-"

"So tama nga si mommy!" Putol ko kaagad sa sasabihin niya. "Tama nga siya na hind mo siya minahal.Bakit?Dahil may mahal kang iba kaya ang mommy ang pinapahirapan mo?Na totoong may babae ka,ha?!" Napasuklay ako sa buhok ko sa inis.Masakit isipin na ang sarili mong ina ay hindi minahal ng ama mo.

"Iyan ba ang ipinasok niya sa isipan mo bago siya magpakamatay?Na-brainwash ka niya bilang ganti sa akin?Para mahirapan ako dahil hindi ko kayang suklian ang binibigay niyang pag-ibig sa akin?Siguro,yon nga Jychel.Ang isipin mo na ako ang may kasalanan ng lahat sa pagkamatay niya para kamuhian mo ako.But God knows Jychel.Never akong nambabae sa piling ng mommy mo.Nirespeto ko siya bilang asawa kahit pa hindi ko siya minahal!" Galit,inis at pagsisisi ang biglang lumukob sa anyo niya.Halata ko ang pagpigil ng mga luha niya.

Nanahimik ako saglit.Napaisip ako.Kung totoo ngang may babae siya noon,sana ibinahay niya na ito noong namatay si mommy.Pero wala eh.

"Jychel,anak kung anuman ang pinasok ng mommy mo sa isipan mo noon,hindi totoo 'yan.At kung nasasaktan ka sa mga nangyayari,na sa akala mo wala akong pakialam,then nagkakamali ka." Patuloy niya na nasa mahina na ang boses.Nakikita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata niya.Kahit di ko man aminin sa sarili ko,pero nakikita ko ang katotohanan sa mga mata niya.He is hurt. "Ako ang higit na nasasaktan dito anak.Tiniis ko ang lahat para wag ka lang masaktan sa tuwing makikita ako.Kaya sa halip na lapitan kita,pinili ko na lang na iiwas ang sarili ko sa 'yo.Inisip ko na mas ok na sa akin na ako ang magdusa at magtiis.Wag lang ikaw.Wag lang ang prinsesa ko.Ang nag-iisa kong anak." Pumatak ang isang butil ng luha sa mukha niya.

Hindi ko alam ang nararamdaman.Pero sa nakikita kong sakit sa mga mata niya,may bahagi ng puso ko ang nahabag dito.

Pinilit kong magpakatatag.Pinilit kong hindi mabubuwag sa mga pinagsasabi niya.

"Kung gayon,bakit nga hindi mo ako nilapitan gayong nandon ka naman pala ng mga panahong kailangan ko ng taong mag-aalaga sa akin at iparamdam na may nagmamahal pa sa akin.Na hindi ako nga-iisa." Hindi ko na napigilan ang luha ko.Pumatak na ito.Kaya mabilis kong pinunasan ng kamay ko ang pumatak kong luha. "Eh...k-kasi..." Itinuro ko siya. "....duwag ka.Duwag ka eh." Dugtong ko pa na napapatiim baga.

"No,hindi ako duwag Jychel.Matapang nga ako.Kasi nakakaya ko ang lahat na tiisin.Nakakaya kong labanan ang sakit at kalungkutan." Paliwanag niya.

"Sinungaling!" Sigaw ko. "Sige, sabihin mo nga sa akin kung bakit mas pinili mong ikaw ang masaktan kaysa sa akin.Baka sakaling makumbinsi mo pa ako at maniwala sa 'yo." Saad ko.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon